"Move faster! I need that in my table, now! And this, I won't accept this crap. Repeat it! Write a summary of this file after that and bring it to finance department."
Hell! Hell! Hell!
She wasn't prepared for this. Mr. Laxel has a lot of bloody commands that her sole nearly got some blisters.
That abominable son of a brute!
Hindi lang pala siya ang may plano ngayon. That Mr. Laxel has a lot of plans of torturous demands for her than she could think.
Kung kanina lang nagdiriwang siya sa kasiyahan nang maging matagumpay na sirain ang araw nito, ngayon, parang bigla siyang nakaramdam ng home sick at namiss na niya ang malambot niyang kama.
Gustong-gusto na niyang mahiga sa sobrang pagod. Tagatak na ang pawis niya sa noo sa sobrang lakad pabalik, takbo doon takbo dito na utos ng mabait niyang boss.
Marami itong inutos sa kaniya na halos hindi pa niya matapos ang kasalukuyan niyang ginagawa tapos meron na naman itong iuutos. Take note, her boss is dangerous once he's displeased. Naninignhal pa ang animal niya! Kaya di kataka-taka kung ganon makakilos ang mga tauhan nito kapag nandiyan ang presensya nito. Natataranta.
Buti na lang at may lakas siya ng loob na sagut-sagutin ito at hindi siya ganun ka-lame para mataranta dito. Like hello, taong-bato lang yan. Duh.
"Kalma ka nga. Nakaheels ako! Por Diyos por Santo hindi ako hundred fifty meter runner!" Eksaherada niyang kompronta dito habang nagta-type sa company laptop. Kanina pa umaasim ang mukha niya dahil naririndi na ang tenga niya sa kakautos nito.
"Who cares? Do that quickly! I need it now." Sagot nito na parang walang pakealam. Nakaupo ito sa swivel chair habang may inaayos na mga documento.
Marahas siyang napabuntong hininga at napairap sa hangin saka mabilis na pinagpatuloy niya ang ginagawa.
Hindi naman siya nahirapan sa iba nitong inuutos katulad ng analyzing and summarizing ng file. Pero nakakapagod at nakakasakit sa buto ang paghahanap ng mga file sa mga cabinet nito. Hindi kasi siya familiar sa arrangement system nito, idagdag pa na nira-rush siya ng ubod ng kasungitan nitong boss niya.
"Done!" Sabay taas ng naprint niyang report at nagulat siya nang may humablot dito.
"No time for cherishing. Bring this to finance department..." Sabay abot nito sa kaniya ng dalawang makakapal na folders. "...and when you're back, start writing summaries of that files on my table. Understood?" Sabay turo sa sandamakmak na folders na nakapatong sa office table nito.
Muntik nang lumuwa ang mata niya nang makita iyon. Nilingon niya ulit si Mr. Laxel at binigyan ng matalim na tingin.
"Balak mo ba kong patayin, ha?"
"Not really. Reading and writing can't kill you instantly. Leave now. I want you to be back in ten minutes." Prenteng saad nito habang komportableng nakasandal ito sa swivel chair.
She can really feel the urge to slam the goddamn folders she's holding right in his face. Pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang lumampas sa Philippine area of responsibility sakaling sipain siya nito.
Inismiran niya ito saka nag-mamarchang lumabas sa opisina.
Tingin niya tinubuan na ng white hair ang kaniyang bangs sa sobrang stress sa boss niya.
May araw ka ring animal ka!
Hindi niya alam kung saan siya pupunta lalo't hindi niya alam kung saan ang finance department. Sa sobrang laki ba naman ng building na'to, maliligaw ka ata kapag wala kang dala na blueprint eh.
BINABASA MO ANG
Master of Assassins (Completed)
General FictionWho knows, a disastrous meeting with him would lead a disastrous experience to her? Hell. That's the perfect word you would experience if you stand on the way of the Mr. Chamber Laxel. But when they're together, a secret revealed little by little...