BONUS CHAPTER

3.1K 87 13
                                    

"Kamusta?"

"Okay lang naman ako. Everything's normal."

Umupo siya sa classic na sofa na may red cushion sa sandalan at pang-upuan. Nasa terasa siya ng kaniyang manor house na nasa Greece at doon namalagi sa oras na iyon at sinamantala ang sikat ng araw sa umaga. Kailangan niya iyon upang hindi hihina ang kaniyang resistance.

"Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo? Wala kang balak sabihin sa kaniya?" Tanong ni Fuentebella habang umiinom ng whisky mula sa rock glass nito.

Kinuha naman niya ang baso ng gatas mula sa center table na yari sa kahoy at may mga makalumang disenyo na naka-ukit.

"Buo na ang desisyon ko, nang." Nang ang tawag niya kay Fuentebella, short term for Ninang.

"Knowing him, paniguradong magwawala iyon." Anito at napangiwi nang tinuon ang tingin sa labas ng terasa dahil sa sinag ng araw.

Marahan niyang hinaplos ang umbok ng kaniyang tiyan. "Hindi niya kailangang malaman 'yon. Mas lalo lang silang mapapahamak kapag nagkaro'n ako ng koneksyon sa kanila."

Napangiti siya habang hinihimas ang kaniyang tiyan.

Yes, she's pregnant. She's bearing her child for almost 4 months already. Maliit pa lang ang umbok ng tiyan niya pero masaya ang kaniyang pakiramdam.

"Don't you think your child will be much safer kapag pareho kayo ng ama niyang nasa puder niya? No offence, pero kailangan ng anak mo ng ama. Hahanapin niya yun, for sure."

Saglit siyang napatahimik.

Naisip niya rin naman iyon. Pero wala talaga siyang balak sabihin kay Mr. Laxel ang tungkol sa anak nila. Pagkatapos ng pagiging walang-puso niya sa harap nito, wala siyang mukha na maihaharap dito.

She only discovered that she's pregnant after she passed out nang palabas na sila ng airport sa Greece, at iyun yung araw ng huling pagharap nila ni Mr. Laxel. Pagkatapos nila kasing mag-usap ay lumipad siya agad patungong Greece kasama si Fuentebella. At mabuti na nga lang talaga na kasama niya ito.

When she woke up, nasa ospital na siya at sinabi ng doktor na na-over fatigue siya at kailangan niyang magpahinga para sa baby.

Imagine her shock when the doctor said that. Nung una ay naguluhan pa siya. Di kalaunan ay nag-sink in sa kaniyang utak ang sinabi nito. At that time, she's more than a month pregnant.

Napaluha siya sa pinaghalong saya at lungkot.

Saya, dahil may makakasama na siyang munting anghel, maliban kay Fuentebella. At lungkot naman, dahil biglang pumasok sa isipan niya si Mr. Laxel.

Di niya inaasahan na magbubunga pala iyon at ni minsan hindi iyon sumagi sa kaniyang utak.

So, all along, habang nasa puder siya ng Black Snipes hanggang sa bakbakan ay buntis na pala siya? Oh, Lord, ni wala siyang naramdamang senyales na buntis pala siya. Mabuti na lang at matindi ang kapit ng anak niya.

Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Kung sasabihin ba niya na nagdadalang-tao siya, o wag na lang?

Pero paulit-ulit na sinisigaw ng kaniyang utak na maraming buhay ng tao ang nakataya sa gagawin niyang pagbabalik-loob kay Mr. Laxel. Maraming posibilidad ang pwedeng mangyari.

Hindi man siya nagsasalita, pero alam niyang maraming mata ang nakabantay sa kaniya. Umaaligid at nangangapa ng pwede nilang magamit panlaban para mapabagsak siya sa kaniyang pwesto.

A wicked smile drew on her lips.

Why don't they just face her and try?

"No. I can keep my child alone. The least people who knew my child's existence, the least danger may occur." Tugon niya kay Fuentebella habang hinihimas pa rin ang kaniyang tiyan. "At kung sakali ngang magtagpo sila ng ama niya, then, so be it. Hindi ko iyon ipagkakait sa anak ko. I'll just ready myself for the possible outcome."

Hinilig niya ang kaniyang ulo sa sandalan at mariing napapikit.

Hindi na rin umusisa si Fuentebella. Pinaikot-ikot lang nito ang rock glass na may lamang yelo at iyon lang ang tanging tunog na namayani sa pagitan nila.

"By the way, tumawag sakin si Senator Sombero, he needs help." Ani Fuentebella na siyang ikinamulat niya.

"Help for what?" Walang ganang tanong niya.

"He said this is a confidential case and they need trusted men who will do undercover. At dahil nakakontrata tayo sa gobyerno, we're obliged to help. Tayo pa lang ang inimporma niya sa misyong 'to."

"What is it about?" Nakukunot ang noong usisa niya.

"There's this mysterious island in the Philippines called Manantya Island, where that certain island is kinda weird 'cause it's not included in any geographic maps or structure of the country. In short invisible itong isla."

"Hmm. Manantya Island... ngayon nga lang ako nakarinig ng gayong isla."

"So, Senator Sombero's concern is, an anonymous group of people started to intrude the invisible island and doing unkown activity there, they built a military like camp around the borders of island and shoot whenever somebody attempts to do an aerial surveillance. Isn't it scary and... weird?" Nakangiwing wika nito.

Umiling-iling siya. "Not at all. Aerial surveillance is not the last piece of option to do. There's also an underwater surveillance, wala bang naka-isip nun?" Napahikab siya at sumismsim sa gatas.

"Right." Bahagyang naglakad si Fuentebella sa gawi niya. "Well, nasa 'yo ang desisyon. Babalik ka ba ng Pilipinas?" Makahulugang tanong nito.

Siya naman ay natigilan.

Nasa Pilipinas ang susunod nilang misyon, nandoon rin ang kaniyang mga tauhan. Kaya kung uuwi siya, malaki ang posibilidad na baka mag-cross ang landas nila ni Mr. Laxel.

Kaso kapag iniisip niya ang kaniyang anak, automatic na bumubukas ang defense instinct niya.

Huminga siya ng malalim.

"I know when I need to play along, and when I need to hide. I'm good at it. You taught me, remember?" Nakangising wika niya dito.

Natawa naman ng bahagya si Fuentebella.

Binalingan niya ito.

"Sige. Uuwi tayo ng Pilipinas."

**

Master of Assassins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon