Chapter 6

3K 99 0
                                    

Naramdaman niyang nagvibrate ang kaniyang cellphone kaya tumigil muna siya saglit sa paglalakad patungong likod ng university.

Ms. Gladiola, I need you in my office. Now.

Aba. Text mate kami ng Dean oh.

Kamot ulo siyang bumalik ng campus. Cancel ang cutting niya.

"What?" Bungad niya agad dito. Prente itong nakaupo sa swivel chair at napaupo ng maayos nang biglang bumukas ang pinto.

"Ah, Ms. Gladiola! Upo ka, upo." Masigla nitong imbita sa kaniya sa visitor's chair.

Napakunot ang noo niya habang naglalakad patungo dun.

May lagnat ba 'to?

"May kailangan kayo?" Kaswal na tanong niya dito.

"Yes, Ms. Gladiola. Information! Information tungkol sa lakad mo kahapon." Excited nitong tugon at napakalapad pa ng ngiti nito.

"So, how was it? Did he agreed?" Atat na tanong nito. Naglean forward pa ito sa table niya na parang hindi makapag intay sa kaniyang isasagot.

"No." She plainly answered.

The dean blinked. His impatient smile remained, but at least decreased a bit.

"W-what 'no' you mean Ms. Gladiola?"

"No. As in no, he doesn't want to be our sponsor."

That brute! Sarap niyang sakalin.

Kapag naaalala niya ang nangyari kahapon pakiramdam niya nagiging frizzy ang kaniyang bangs. Kapal ng lalaking yun! Porke't gwapo eh, tss.

Nakita niyang parang na-froze ang dean sa kinauupuan nito na parang nagp-process pa sa utak nito ang sinabi niya.

And moments later, he blinked. Then he sighed loudly.

"He... rejected again." The dean whispered it to himself pero narinig niya yun.

Again? Ibig sabihin hindi ito ang unang beses na sumubok ang Vester University na kumbinsihin ang Laxel Corp upang maging sponsor?

Kumunot ang noo niya. Anong meron sa Laxel Corp at marami ang nagkakandarapa na makuha ang loob ng Mr. Chamber Laxel na yun?

"Thank you Ms. Gladiola. You may leave." Mahinang sabi ng dean at bumuntong hininga na naman ito.

At siya naman, ayaw niya ng marami pang argumento ay tinanguan lang ang dean saka lumabas na ng opisina nito.

Ramdam niya na napakaimportanteng tao ng Mr. Chamber Laxel na yun. Hindi magiging ganoon ang epekto sa dean kung hindi importante sa kanila ang deal.

Hay! Ba't ko pa ba pinoproblema yun? Mabuti nga eh para walang Mr. Stinking-arse-Laxel na umaali-aligid dito sa campus. Ang sama ng ugali! Sarap sampalin ng kasim ng dean eh.

Nang dumaan ang mga araw, magkasama ulit silang tatlong magkakaibigan. Tapos na daw yung punishment nila. Pero nagtataka sila kung bakit iba na ang kinikilos ng dean.

"Napansin niyo ba si dean? Parang ang lamya niya." Pansin ni Jone.

Naglalakad sila patungong library upang magtago sa history subject nila.

"Oo nga eh. Kung dati, araw-araw yang naglilibot sa buong campus tapos maninita, manininghal tapos bibigay ng punishments, pero mula nung nakaraang araw hindi ko na siya nakikita na naglilibot saka wala ng headline ng chismis yung mga kaklase natin kung sino na naman yung nadetain. Tsk. May mali ata sa kaniya eh." Buong takang eksplinasyon naman ni Kane.

Master of Assassins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon