Nang makapasok, ay pinasadahan siya ng tingin ng receptionist.
"How may I help you miss?" Pilit na ngiting tanong nito sa kaniya.
Tumigil siya sa pagnguya ng chewing gum at nagsalita.
"Sa'n ba dito miss yung... ahm... administrators' office?" Nagkamot siya ng ulo dahil hindi naman niya alam kung sino ang hahanapin.
Kumunot bigla ang noo ng receptionist at muli siya nitong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
Anong problema ng babaeng to? Dukutin ko kaya eyeballs niya?
Palihim siyang napairap. Pasalamat ang babae dahil may kailangan siya dito, kung hindi, kanina pa 'to may black eye sa magkabilang mata eh.
"Ahm, do you have any appointment, Miss?" She sounds like very sincere, yet she knew it's been a greatest effort of her to act nice.
"Certainly." Pinilit niya ang sarili na kumalma at huwag umigkis ang kamao niya.
"May I know with whom miss?"
Isa pang tanong talaga, di na ko magtitimpi sa'yong chismosa ka!
"Representative ako ng Vester University para gumawa ng kung anong stunts para makumbinsi ang kung sino mang taong kukumbinsihin ko daw." She answered nonchalantly.
Nakita niyang napatanga sa kaniya ang receptionist.
"Hey, you okay?" She checked, then suddenly, the receptionist blinked enumeral times and her fake smile appeared again.
"A-ah yes, V-Vester university. On the fifth floor miss." Sabay extend ng kamay nito sa kung saang dereksyon.
Tinignan naman niya ang tinuturo ng receptionist. Dito na yun? Nasa ground floor ang fifth floor?
Tinanguan lang niya ang receptionist saka tumungo sa napakalayong elevator.
Mas engot pa ata sa'yo yung receptionist. Nagsalita na naman ang munting tinig sa likod ng utak niya at sinabayan pa ito ng tawa.
Hindi nga ako engot! Tantanan mo kong maligno ka!
Ting!
Bumukas ang elevator at mabuti walang ibang sakay dun.
Habang sakay siya sa elevator, wala siyang ibang maisip kung ano ang sasabihin niya sa admin. Kung paano ito makumbinsi na maging benefactor ng Vester University.
Naisip niya bigla ang university president.
Pano kaya kung sabihin ko sa kanila na nabaliw ang university president namin at sila lang makabalik ng katinuan nito?
Aha! Mabuting ideya yun. Kaso baka masipa ako ng mahal na presidente papuntang pluto ng di oras.
Ting!
Bumukas ang pinto ng elevator at bumungad sa kaniya ang napakalapad na silid na buong sakop ang isang storey. Sa kaliwang bahagi nito ay may oval counter at naroon ang tatlong abalang receptionists. Nakuniporme ang mga ito sa kulay grey na corporate uniform. Sa kanang bahagi naman ay isang magarang lobby kung saan ang ibang empleyado ay tumatanggap ng mga panauhin na sa tingin niya ay mga importanteng tao. Maganda ang setting ng lugar kung saan matatanaw mo ang nasa labas sa paraan ng malapad na glass wall.
BINABASA MO ANG
Master of Assassins (Completed)
General FictionWho knows, a disastrous meeting with him would lead a disastrous experience to her? Hell. That's the perfect word you would experience if you stand on the way of the Mr. Chamber Laxel. But when they're together, a secret revealed little by little...