"What's this?" Nakita niya kung pano lumaki ang butas ng ilong nito nang mabasa ang kaniyang gawa.
"Paper." Sagot niya ng painosente.
Wala siyang natanggap na salita ngunit ang katangi-tanging pamatay na tingin mula dito ay sapat na upang isarado ang kaniyang bibig.
"I won't accept this. Repeat that." Sabay lakumos ng papel.
Napasimangot siya at napadabog sa kinauupuan.
"Aiist, ano ba?! Di ka ba naaawa sa'kin?" Ang nakasimangot niyang mukha ay napalitan ng isang madamdaming ekspresyon. "Di ka ba naaawa? Sa isang babaeng mahinhin at walang kalaban-laban? O, ginoo ako'y iyong dinggin." Pagda-drama niya with matching hand gestures.
Mr. Laxel shook his head in annoyance. "Insane." Bulong nito sa sarili.
Malakas na napabuntong-hininga siya. Mukhang wala siyang makuhang kanais-nais na sagot mula dito kaya pinagpatuloy na lang niya ang ginagawa.
Nayayamot pa naman siya kapag tumitipa sa laptop. Ilang minuto na siyang nakaharap sa laptop at hindi na pinansin ang katahimikan sa loob ng opisina, gusto na kasi niyang matapos ito upang makalabas na.
Pina-lock lang naman kasi ng pinaka-energetic at napakamasiyahin niyang boss ang pinto mula sa labas sa kaniyang unkown-into-black-suit-employee kaya hindi siya makalabas, at kapag may inuutos itong ipadalang dokumento sa ibang department ay kailangan pa niya kumatok upang pagbuksan siya.
Hayy, hindi talaga tao ang kaniyang boss.
Tuluy-tuloy lang siya sa pagbasa at type, hanggang sa dumako ang kaniyang binabasa sa mga katagang 'I had a dirtiest dream about you last night.'
Literal na napatigil siya at sinusubukang i-sink in ang nabasa. Hanggang sa unti-unting lumaki ang kaniyang mga mata.
Tangina. Ano to?
Muli niyang binasa ang kaniyang tinatype at napanganga siya nang marealize na isa iyong thirsty letter. Ilang minuto bang lumipad ang utak niya at hindi niya agad nakuha ang context ng binabasa?
At sinong p.tang-inang nagpadala nito dito sa kaniya?! Ang walanghiya!
Last night daw? Panong last night eh silang dalawa yungㅡ
Automatic na napahinto ang kaniyang paghuhumentaro nang maalala ang nangyari kagabi.
Unclothed, soft whimpers, and ecstasy.
Dinama niya ang kaniyang dibdib dahil sa biglang pagbilis ng pintig nito.
Shit. Focus Yura, focus. Malakas na pinilig niya ang kaniyang ulo.
Kaya pala hindi matanggap-tanggap ni Mr. Laxel ang binigay niyang papel dahil iyun pala ang nakasulat doon.
Kelandi-landing babae. Makita ko lang pag-mumukha nun, pag-uuntugin ko talaga sila ng receptionist sa ground floor. Matira matibay.
Napatingin siya sa gawi ni Mr. Laxel. As usual, abala ito at walang-pakealam sa paligid. Nanliit ang kaniyang mga mata habang tinititigan ito.
Marami kaya ang babae ng punyeta na'to? Kahit sa sulat eh pinagpapantasyahan. Ha! Hanggang panaginip lang naman ang mga tangina pero ako, my God, bless my soul.
Marahas na napa-iling siya at tinaboy ang kaberdehan.
Diniscard niya ang kasalukuyang ginagawa saka nagsimula ulit ng bago. Sisiguraduhin na niyang wala nang makakarating na mahalay na sulat dito.
Ilang minuto ang nakalipas ay nakapagtapos siya ng limang summary ng mga reports kaya proud na proud siya sa sarili. Minsan lang bukas ang kaniyang kaisipan at may presensya ng kaniyang utak kaya confident siya sa gawa.
BINABASA MO ANG
Master of Assassins (Completed)
Fiksi UmumWho knows, a disastrous meeting with him would lead a disastrous experience to her? Hell. That's the perfect word you would experience if you stand on the way of the Mr. Chamber Laxel. But when they're together, a secret revealed little by little...