Chapter 16

2.5K 86 1
                                    

Makalipas ang ilang araw, nasanay na siya sa kaniyang pang-araw-araw na routine. O diba, routine?

Pasok ng school sa umaga tas pagtanghalian nagni-ninja siya upang makatakas at sa Laxel Corp na nman siya pumapasok. Buti nga napanatili niyang sikreto pa rin iyon sa kaniyang mga kaibigan.

At higit sa lahat... *drum rolls*

May sweldo na siya! O diba? empleyadong-empleyado ang peg. Nakukuha naman pala sa kulit tong si Mr. Laxel. Ang arte lang talaga. Naaalala pa niya nung tig-sweldo na at masama ang tingin sa kaniya ni Mr. Laxel.

And it went like this:

"If I'll give you your salary, then my sponsorship in your school will be forfeited." Pagbabanta nito sa kaniya. Naninigas pa ang mga panga nito at sinusubukan ata siyang takutin sa pamamagitan ng nakamamatay nitong titig.

Pero syempre dahil nga metal ang mukha niya, mukha bang natatakot ang nakangiti abot hanggang tenga?

"Eh sino bang may sabi na mag-sponsor ka samin? May dipa 'I'm not interested in your school and I won't drop a single cent' ka pang nalalaman, eh ginawa mo naman. Kaloka ka." Pagme-make face niya na ikinadagdag ng inis ng huli.

"At isa pa, hindi ba sinabi ko ring hindi ako interesado sa kompaniya mo at wala akong pakealam kung aayaw ka man hanggang kamatayan? Pero ano? Pumunta ka pa nga ng school tas nagpresentang 'main sponsor' namin."

Tinawanan pa niya ito, di alintana ang kombinasyong kalamigan at pag-aalab na titig ng huli.

Binuklat niya ang kaniyang palad.

"Amina ang sweldo ko, boss."

Saglit silang nagtagisan ng titig pero sa huli sumuko rin ito.

"Tss! Go back to your work. I'll send it to your account!"

Napangisi siya.

One point, Yura!

Pero yun na ang akala niya. Malapad ang kaniyang ngiti na pinagpatuloy ang ginagawa. Ngunit, nagulat siya nang pumasok ang babaeng naka-itim na suit at may tulak-tulak itong trolley.

Master of Assassins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon