Chapter 19

2.3K 76 1
                                    

Mga ilang linggo ang nakalipas, doon lang napuna ng mga kaibigan niya na parang palagi siya nawawala o hindi kaya nagmamadali.

"Tapatin mo nga kami Yura," Hinarap siya ni Jone. "Ba't palagi kang nawawala? Minsan pagkatapos ng lunch hindi ka na bumabalik sa klase, tas minsan nagmamadali kang umuwi. May tinatago ka ba samin?" Nanliliit na mga matang tanong nito.

Siya naman ay nagulat nang itanong iyon ng kaibigan. Syempre sa halos isang buwan niyang pagtatago ng mga kabulastugan niya eh hindi pa iyon napansin ng mga kaibigan niya. Pero ngayon ay para siyang na taken aback sa tanong ni Jone.

"Huh? Ah... ehh..." Pasimple siyang napakamot ng ulo.

Ngina. Anong isasagot ko dito?

Ah. Alam ko na.

"Ano, alam niyo kasi... ehem... pumupunta ako ng drag race. Ako kasi collector dun kaya di pwedeng umabsent." Paliwanag niya dito with matching pangungumbinsing facial expression.

"Collector sa drag race?? Teka, diba bawal yun?" Tanong naman ni Kane.

Inakbayan niya ito.

"Ano ka ba naman Kane, eh syempre nga tinago ko sa inyo kasi bawal yon. Patago lang ba. Pero kumikita ako dun." Sabay kindat dito.

Sorry, sa ibang tao ako kumikita.

Bigla siyang binatukan ni Jone.

"Aray naman!" Sabay kamot ng ulo.

"Nagtatrabaho ka lang pala, di mo man lang sinasabi samin. Kami tuloy nahihirapan maghanap ng rasones kay Prof. Villanueva pag-umaabsent ka." -Jone.

Napalabi siya. Ang sakit ng hampas ni Jone ah.

Nang matapos na ang subject nila sa Humanity, ay nagpasya silang tatlo na mag-lunch na sa caf.

Ngunit saktong pagkalabas ng kanilang section sa kanilang silid ay nakita nilang maraming estudyante na nagtatakbuhan patungong pababa ng building.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Kane.

May isa silang kaklase na nagtanong sa isang estudyante na pababa rin ng building kaya nakinig sila.

"Pre anong nangyari? Ba't lahat nagmamadaling bumaba?"

"May patay na naman daw na natagpuan, pre. Dalawang estudyante."

Lahat silang magkaklase ay napasinghap pati na rin ang kanilang guro na nakikinig rin.

"Patay na naman? Good God! Anong nangyayari sa paaralan na to?" Sabi ng kanilang guro.

Nagkatinginan silang tatlo at walang ni isang salita na lumabas sa kanila dahil pare-pareho silang nagulat sa narinig.

Nang makababa na sila ng building ay doon nila nalaman na magkahiwalay ang kinaroroonan ng dalawang bangkay.

Ang isa ay nasa likod ng campus kung saan ay dead end na ng paaralan, at ang isa naman ay nasa stock room ng mga utility.

Nagkakagulo na ang buong campus dahil sa insidente.

Twice. Murder happened inside their university, twice. And two bodies in just a day.

The heck? Ano na namang kababalaghan tong nangyayari ngayon sa kanilang university? Nakakatakot na to. Parang naging past time na ng killer na yun ang pumatay sa kanilang paaralan.

Dahil sa nangyari ngayong araw na'to ay muling sinuspinde ang klase.

Palabas na sila ng gate ay saka lamang niya naalala na naiwan niya ang kaniyang libro sa Philosophy sa kanilang classroom.

"Ano ba yan, Yura?? Napakaburara mo talaga. Bilisan mo ah?" Sita ni Kane.

"Oo eto na nga. Mabilis lang to."

Tinakbo niya pabalik sa building kahit na nagkakagulo na ang lahat.

Paliko siya sa short cut papuntang building na yun nang sakto ring may makakasalubong din siya kaya nagkabanggaan sila.

"Aww/ Arayy." Sabay nilang daing.

"Sorry, maam. Pasensya na."

Janitor pala ito ng kanilang paaralan.

"Hehehe, sorry din kuya ah?" Hingi niya ng paumanhin dito.

Ngunit nagtaka siya kung bakit nakatungo lang ang lalaki. Nakasuot kasi ito ng uniporme ng mga utility tas nakasuot ng cap at halos natatakpan na ang mukha nito.

Sinilip niya ito pero mas lalong yumuko ang janitor.

Naisip niya dahil baka ito ay nahiya kasi nabangga siya nito.

Ay, ang bata-bata pa naman ng fez ni kuya tas ang gwapo pa nito, parang di bagay maging janitor.

"Ano ka ba, kuya. Okay lang talㅡ"

"Excuse me po."

Naputol ang sasabihin sana niya nang nilagpasan siya nito. Ni hindi man lang siya pinansin.

Haayy! Napapalibutan ng masusungit tong paaralan nila, kaya maraming pinapatay eh.

**

A/N: Ansabaw hihihi

Master of Assassins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon