Nakauwi na ang dalawa niyang kaibigan. Siya naman ay saglit na nagpaiwan sa convinient store na pinagtambayan nila. Malapit lang naman yun kasi sa bahay niya.
Malalim ang kaniyang pag-iisip tungkol sa nangyari sa university nila.
Paulit-ulit na tanong niya sa isip ay:
Bakit siya pinatay? Bakit siya pinatay? Bakit siya pinatay?
Hindi Sino ang pumatay?
Argh! Pesteng patay-patay na yan. Ba't ba niya pinoproblema yun eh trabaho yun ng pulis? At isa pa, mas dapat niyang pagtuunan ng pansin ang pakay niya kay Mr. Laxel pati na ang trabaho niya ngayon bilang private secretary nito.
Shet. Ba't kasi naka-detective mode ngayon ang utak niya? Sarap na ngang i-untog sa pader ang kaniyang ulo. Pero hindi pa naman siya baliw para gawin yun.
Tinignan niya ang oras sa kaniyang wrist watch.
Maga-alas onse pa lang ng tanghali at may oras pa siyang matulog. Pambawi lang ng pagod niya no.
At saka blessing in disguise ang nangyari sa kanilang university dahil nakatakas siya sa graded recitation nila sana mamaya sa Philosophy subject nila.
Ha! Masyadong mabait ang araw sa'kin ngayon. Just you wait Chamber Laxel, mamaya ka sa'kin!
ㅡ
Naalimpungatan siya sa sunud-sunod na ingay na nanggaling sa kaniyang bedside table.
Pupungas-pungas niyang kinapa ang ibabaw ng tokador at hinampas ang maingay na alarm clock. And it went silent again.
Ah. A perfect silence for a nap.
She was under the spell of sleep tight and swooning over the softness of the bed.
She was dreaming about how comfortable, idle and easy going her day in the office. Sitting comfortably infront of computer, sipping tea while crossing legs, and smiling energetically the whole time.
Until someone kicked the door open...
And appeared the devious face of a damn son of a brute.
'Stop dawdling Miss Gladiola! Work faster! I need the papers in short time!'
Napabalikwas siya ng bangon at napadaing.
Hayop talaga. Kahit sa panaginip di siya tinatantanan ng pag-aalburuto ng pesteng Mr. Laxel na yun.
"Argh!" Inis na napahilamos siya ng sariling palad.
Makikita ng lalaking yun, makikita niya!
ㅡ
Wala siya sa mood nang pumunta sa Laxel Corp. Mukhang natakot sa kaniya ang guard ng building dahil siguro nakikita nito ang usok na lumalabas sa kaniyang ilong kaya hindi ito nakabati sa kaniya ng 'magandang tanghali'.
At nang makakasalubong na naman niya ang mataray na receptionist ay agad itong napaatras nang tinapunan niya ito ng matalim na tingin. Balak pa ata nun na bwisitin siya, pwes, may nakauna na sa kaniya.
Nang makatungtong na sa ikalimang palapag, nakangiting binati siya ng mga receptionists caused her hardly to be able to greet them back, nicely.
She's still fuming when she reached in front of the big and tall double doors of Mr. Laxel's office.
BINABASA MO ANG
Master of Assassins (Completed)
General FictionWho knows, a disastrous meeting with him would lead a disastrous experience to her? Hell. That's the perfect word you would experience if you stand on the way of the Mr. Chamber Laxel. But when they're together, a secret revealed little by little...