"Kane, Jone, sa'n ba tayo pupunta?" Tanong niya sabay kamot ng ulo.
Kanina pa kasi sila paikot-ikot sa buong campus ng Vester university dahil naghahanap sila ng mapagtatambayan kasi nga nag-cutting class na naman silang tatlong bibi.
"Akyat bakod na lang kaya tayo?" Suhestyon ni Kane.
Binigwasan naman siya ni Jone.
"Shunga ka ba? Marami nang cctv dub sa likod dahil sa nangyari kaya cancel muna dun. Saka na pag kailangan natin ng emergency exit."
"Ayoko na rin sa library. Pinaghihinalaan na tayo ng librarian dun." Sagot naman niya.
"Onga." Sang-ayon ni Kane.
"Alam ko na!" Napatingin silang dalawa ni Kane kay Jone habang ito naman ay nakangisi na parang baliw.
ㅡ
"Hmm... sharap talaga ng kwek-kwek. Paabot nga ng chicken skin." usal ni Kane habang puno pa ng pagkain ang kaniyang bibig.
"Tirhan mo'ko ah?" Sagot ni Yura.
Abalang-abala silang tatlo sa paglantak ng street foods. Kung inaakala niyo nasa gilid sila ng kalsada kumakain, nagkakamali kayo.
"Oh diba, magaling akong pumili ng hide-out?" Pagmamayabang ni Jone.
"Ba't di natin naisipan to noon no? Mas maganda dito, mas exciting! Hihihi" Saad ni Kane at humagikhik pa ang tonta.
Nagtatago kasi sila sa octagon ng kanilang university ground. Hindi agad sila makikita doon since naka-upo sila sa sementadong sahig. Wala kasing pagala-gala na estudyante sa ganung oras dahil nagbalik na ang energy ng kanilang university dean na si Dr. Pagnayon at naglilibot na naman ito sa buong campus.
Nag-ninja nga lang sila pati sa pagbili ng streetfoods eh.
Mga halos 30 minuto silang nagtagal doon bago mag-ring ang bell hudyat na tapos na ang kanilang klase.
Dahan-dahang inangat ni Jone ang kaniyang ulo upang silipin kung nagsilabasan na ang mga estudyante at para na rin makasabay sila dito
"Uy, tara na. Shift subject na." Bulong ni Jone.
Tumango naman silang dalawa ni Kane at patago silang lumabas ng octagon at sumabay sila sa mga naglalakad na mga estudyante na para bang hindi sila nag-cutting.
Nagtinginan silang tatlo at sabay napahagikhik.
Nang nasa tapat na sila ng main building, hindi nila inaasahan ang sumunod na pangyayari.
Bigla na lamang narinig ang sunud-sunod na putukan.
Malakas. Maingay. Lahat ay biglang nagkagulo.
Ang mas nakakapanlumo ay isa-isang natutumba ang mga tao sa paligid. Duguan at... tadtad ng bala sa katawan!
"Yura, Kane! Tang.na takbo, dali!" Sigaw ni Jone nang makitang hindi sila makakilos sa biglaang komosyon.
Yuko-takbo ang kanilang ginawa. Sa sobrang paghuhumentaryo ng dibdib niya, wala siyang nagawa kundi tikom ang bibig at patuloy lang sa kanilang pagtakbo.
Ano'ng nangyayari? Yun lamang ang paulit-ulit na tanong sa kaniyang utak.
"Kane, Yura, dun tayo sa mechanical departㅡ" Nang lumingon sa kanila si Jone ay nagulantang ito nang makitang hindi na nila kasabay si Kane.
"Tangina, Yura! Asan na si Kane?!"
Kumabog ng malakas ang kaniyang dibdib at kunot-noong lumingon dahil hindi din naman niya napansin na wala na pala sa tabi niya ang huli.
BINABASA MO ANG
Master of Assassins (Completed)
General FictionWho knows, a disastrous meeting with him would lead a disastrous experience to her? Hell. That's the perfect word you would experience if you stand on the way of the Mr. Chamber Laxel. But when they're together, a secret revealed little by little...