Chapter 14

2.6K 94 0
                                    

"Time's up. Go home and rest. Continue that tomorrow."

Napaangat siya ng tingin nang magsalita si Mr. Laxel.

Napakunot ang noo niya at sinilip ang kaniyang wrist watch.

Huh? Alas-tres pa lang ah? Dapat alas-otso pa ang uwi niya.

"Sir? Eh pero hindi pa po uwian."

Tinignan lang siya nito saka pinagdadampot ang mga gamit nito.

"I said go home."

Sandali na tinignan niya ang lalaki na seryosong naga-ayos ng mga file sa ibabaw ng lamesa saka humugot ng malalim na hininga.

Ano pa ba ang magagawa niya? Ayaw pa niyang magkandurog-durog katulad sa binato nitong cellphone kanina sa pader kapag pumalag pa siya dito.

"Fine." Sagot niya saka tahimik na tumayo at inayos na rin ang mga gamit.

Nang matapos ay bumaling siya sa kaniyang boss para sana magpaalam, ngunit muntik nang lumukso ang puso niya nang makita itong nakasandal sa lamesa nito at nakahalukipkip na nakatingin sa kaniya.

Napakaserysoso ng mukha nito. Gwapo nga, masungit naman. Lalo na ang mga mata nitong parang mga patalim na kahit sino ikamamatay kapag derecho kang tumitig dito.

Buti na lang hindi siya natatablan. Meron ata siyang guardian angel.

Tumikhim siya.

"Ahm, sir, mauna na 'ko." Binitbit na niya ang kaniyang backpack.

Oo, tama. Backpack ang dala niya. Nagsisi kasi siya kahapon kung bakit nagbusiness attire pa siya eh nagmukha lang siyang katulong sa sobrang haggard ng mukha niya pagkatapos ng kaniyang duty hour. Lalo na ang pagsuot ng heels at pagdala ng shoulder bag.

Ngayon ay nakablack jeans at long sleeved polo lang siya saka pinaresan ng puting rubber shoes. Atleast komportable siya.

Hindi na niya hinintay na makapagsagot ito at dali-dali niyang tinungo ang pinto.

Pero hindi pa niya naaabot ang door knob ay tinawag siya nito.

"Miss Gladiola..."

Dahan-dahan siyang humarap dito. Ayaw na niyang magpadalos-dalos sa pagtingin dito dahil pakiramdam niya na-trauma siya sa nakita kanina.

"A-ano po yun?"

Takte. Kelan pa siya naging magalang dito?

Umayos sa pagkakatayo si Mr. Laxel at humakbang sa dereksyon niya ngunit tumigil ng may ilang metrong distansya mula sa kaniya.

Namulsa ito at seryosong pinakatitigan siya.

"What you see, what you hear... leave it here."

Nang makalabas siya sa building ay parang nakahinga siya ng maluwag. Pakiramdam niya nasasakal siya kanina habang nasa iisang silid sila ni Mr. Laxel. Mabigat ang awra sa paligid at hindi niya maiwasang mapraning habang nagta-trabaho.

Baka magulat na lang siya may nakatutok nang kutsilyo sa leeg niya mula sa likod, o di kaya baril, o tsinelas, o kahit ano pa diyan. Nakakagulat lang kasi sa biglang pag-beast mode ni Mr. Laxel. Parang manglalapang tigre.

Ang most immovable face ever ay biglang nagtransform sa King Kong. Sinong hindi matatakot dun?

Naglakad siya papalayo ng Laxel Corp dahil gusto niyang mapag-isa at magisip-isip habang naglalakad.

Marami nang gumugulo sa isip niya ngayon. As in marami na! Unang-una, ay ang pagtatrabaho kay Mr. Laxel at ang pagtuklas sa totoong pakay nito sa kanilang paaralan. Pangalawa, ay ang pagiging misteryoso ng university president (sa pakiramdam lang niya), pangatlo ay ang krimen na nangyari kanina sa paaralan nila. At ang panghuli, ay ang kuryusidad sa nangyari kanina sa opisina ni Mr. Laxel, kung ano ang kanilang pinag-uusapan at bakit naging ganun na lamang ang reaksyon ni Mr. Laxel.

Master of Assassins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon