Chapter 37

1.8K 54 0
                                    

"Yura..."

Bigla siyang napamulat.

Her breathing suddenly stopped for a moment when he uttered her name.

His voice... his voice sounds... longing.

Pero sandali. Paano? Paano nito nalamang siya?

Natigil ang katanungang iyon nang bitawan ni Mr. Laxel ang kaniyang mga kamay and quickly encircled his arms on her waist.

Then, she felt him planting gentle kisses on the side of her head until he reached down to her earlobe.

"I miss you... I missed you so much. Please come back..." He whispered and hugged her tightly.

Hindi niya alam kung ano ang ire-react niya.

Part of her, claiming justice to her heartbreak and won't listen to him, while the other part, terribly wants to give in, stay by his side and forget those hurtful words he threw to her.

Bigla siya nitong pinihit paharap at sinandal sa pader.

Her face still covered with a thick mask, only her eyes were exposed.

She saw his face, his immovable face. But she noticed the difference of his looks from now.

He looked distressed, his gazes are soft, whiskers grown on both of his cheeks and over all, he's looking at her desperately.

His eyes were like... begging.

Lumapit ito sa kaniya, mas malapit pa habang hindi inaalis ang mataman na tingin nito sa kaniya, hanggang sa nagkadikit ang kanilang katawan.

He gently cupped her face, caressed it with his thumb.

"Please come back to me. I won't mind whatever your scheme right now, if you want to wreck me, I'll let you, I swear I won't mind, but please... come back and stay..." His voice broke and plead.

Hindi niya alam kung bakit nakokonsensya siya but she could feel he's hurt.

And it urges her to embrace him back.

But a sudden bang was heard outside of his house. Automatic na napalayo sa kaniya si Mr. Laxel kaya kinuha niya ang pagkakataong iyon na makatakas.

Sinipa niya papalayo si Mr. Laxel kasabay ng sunud-sunod na putok.

She knew, Mr. Laxel would find out first the cause of commotion kaya hindi na siya nito natuunan ng pansin.

Mabilis na tumakbo siya papalabas balik sa kusina nito habang hinahanda ang kaniyang grappling hook.

"Yura!" Rinig pa niyang tawag sa kaniya ni Mr. Laxel.

Patuloy lang siya sa pagtakbo, alam niyang sumugod ang Black Snipes upang tulungan siyang makaalis doon.

Lumingon ulit siya upang tignan kung sumusunod si Mr. Laxel, pero wala.

Nang makarating na siya sa tapat ng mataas na pader ay muli niyang inihagis ang hook saka nagmamadaling umakyat.

Nariyan pa rin ang palitan ng putok. Mukhang nagising ang mga naninirihan doon sa village kung kaya mas nadagdagan ang gulo.

Nang makababa ay sinalubong siya ni Emma na nakasakay sa kaniyang Honda Rebel na bigbike.

"Sakay, bilis!"

Umangkas siya sa likod nito at agad na pinaharurot ni Emma patungo sa kanilang base.

Hindi muna niya inalis ang kaniyang gear dahil alam niyang maraming mata sa paligid na nakamasid sa kanila ngayon.

Bumalik ulit sila sa warehouse, kasunod nila ay ang dalawang van na gamit ng Black Snipes.

Dali-daling bumaba si Emma sa kaniyang bigbike saka madilim ang mukhang nagmarcha ito papasok ng warehouse.

Sinundan niya ito.

"Miss Emma," tawag niya habang halos takbuhin ang kaniyang yapak upang masundan si Emma.

"Miss Emma, ano'ng nangyari? Bakit namatay ang mga cctv? Paanongㅡ"

Hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin nang umikot bigla si Emma at malakas siyang sinampal.

Napasinghap siya at napahawak sa kaniyang pisngi.

"Lampa!" Nanlilisik ang mga mata nito habang dinuduro siya. "Simpleng gawain pumalpak ka pa! Wala kang kwenta!" Akmang susugurin siya nito nang nagsidatingan ang ilang myembro ng Black Snipes.

"Enough!" Bulyaw ni Teio kay Emma. "Hindi niya kasalanan yun. The cctv was intentionally shut down, by Schwarz Rabe I suppose, as well as to our communication. Nawala bigla ang connection ng tawag ni Yura after ko siyang babalaan. If that is the case, matagal nang pinaghandaan ito ng Schwarz Rabe."

Hindi sumagot si Emma. Nakatingin lamang ito sa kaniya habang nagpupuyos at umiigting ang panga.

Nagmamarcha itong lumabas at nilampasan siya nito sabay bunggo ng balikat nito sa kaniya.

Siya naman ay nasaktan sa ginawa ni Emma. Alam niyang malaki ang galit nito sa kaniya dahil siya ang sinisisi sa pagkamatay ni Jone at pinanghawakan nito ang kaniyang sinabi na babawi siya.

Pero wala din naman siyang alam na iyon ang mangyayari eh.

Nanatili siyang nakatayo habang hawak-hawak pa rin ang kabilang pisngi niya. Pakiramdam niya namanhid iyon.

"Yura..." Narinig niyang tawag sa kaniya kaya umangat siya ng tingin.

Si Bei iyon at lumapit ito ng bahagya sa kaniya habang nakasiklop ang mga kamay sa likod. Mataman siya nitong tinitignan.

"Go and rest. You need that for our tomorrow's journey." Seryoso nitong utos.

Pasimple niyang sinulyapan isa-isa ang mga myembro nito na seryosong nakatingin lang sa kaniya bago binalik ulit kay Bei at marahang tumango.

"Opo..." Malumanay niyang sagot at dumerecho siya sa female quarter upang magpahinga.

Habang nakahiga sa kutson ay di maalis-alis sa kaniyang isip ang pagkakakilanlan sa kaniya ni Mr. Laxel ng ganun lang kadali.

Paano nito nagawa iyon? Akala niya nang mahuli siya ay agad siya nitong papatayin. But he recognized her immediately.

Ngayong may ideya na ito na kumakasapi siya sa Black Snipes, ay paniguradong kalaban na ang turing nito sa kaniya.

Fvck. I'm going to hell for this.

Mura niya sa kaniyang sarili bago nagpaduyan sa pagod at antok.

**

Master of Assassins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon