Chapter 10

2.8K 105 1
                                    

Nagdadalawang isip siya kung papasok ba siya ngayong araw o aabsent. Maaga naman siyang bumangon kanina hindi dahil may pasok siya kundi sa malalim na pagiisip tungkol kay Mr. Laxel. Hindi siya makatulog ng maayos kagabi.

I'm expecting you in my office tomorrow. 1 pm sharp. And don't be late.

Psh. 1 pm? Sinadya nito siguro dahil wala siyang klase sa oras na yun. Pero pano nito nalaman?

Hay, nago-over acting na naman tong utak niya.

Nakapagdesisyon na siya. Hindi siya papasok ngayong araw. Paniguradong magugulat si Mr. Laxel.

Napangisi siya.

-

Nang makababa ng taxi ay parang navisualize niya ang unang beses niyang pag-apak sa lugar na'to.

Agad siyang napatingala kung saan tanaw niya ang napakataas na tuktok ng building at bumalik ang mga mata sa entrance nito.

Napako ang tingin niya sa malaking landmark nitong LAXEL CORP.

Huling sinabi niya sa sarili nung nagmartsa siya palabas ng building ay hinding-hindi na siya ulit aapak dito. Hay, sinong makapagsabi ng kapalaran?

Phew! Pumasok ka na nga, mukha kang tanga diyan.

Napasimangot siya sa boses nagsalita na naman sa utak niya.

Hindi siya hinarangan ng guard nang derecho siyang pumasok ng building. Pero hindi siya nakaligtas sa engot na receptionist na tumanggap sa kaniya nung nakaraang araw.

"Excuse me, miss." Humarang ito sa daan niya. "If my memory serves right, you were the representative of Vester University?" Kumukunot ang noong tanong nito sa kaniya.

Nginitian niya ito ng ubod ng tamis.

"Yes. Your memory wasn't corrupted yet." Sarkastikong sagot niya dito. Tumaas naman ang kilay ng huli.

"Do you have any appointment, miss?" Recite nito ng hospitality line pero may tono ng pagtataray.

Tumango siya pero hindi nabura ang ngiti niya.

"Yes. With Mr. Chamber Laxel."

Lumaki ng bahagya ang mata nito nang marinig ang pangalan ni Mr. Laxel.

"With Mr. Laxel?" Nag-cross arm ito sa harap niya at tumaas ang kilay. "I heard he rejected all representatives. And there were no more dealings so you may go. Mr. Laxel is quite busy to entertain a..." Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. "...mere student." Pagtataboy nito sa kaniya at mukhang hindi talaga siya nito padadaanin.

Pero hindi siya nagpatinag. Pinush pa niya ang pinaka the best niyang fake smile.

"I think pinatulan mo yung fake news, miss. Kung nireject niya ako, bakit benefactor na siya namin?" Painosenteng tanong niya dito. Natigilan ang kaharap niyang babae at natahimik kaya kinuha niya ang pagkakataong yon para makalusot.

"Hehehe, excuse me, miss. I shall see him now before he'll beat me to death." At dere-derecho siya sa elevator nang hindi man lang niya hinayaang makapagreact ito sa sinabi niya.

Habang sakay ng elevator, patawa-tawa siya sa reaction ng mukha ng receptionist.

Hahaha! Parang tanga.

Ting!

Pero natigil yon nang bumukas ang elevator at napalitan ang katuwaan niya ng kaba.

Shet. Ang bilis naman. Ba't kasi nasa 5th floor yung office niya?

Huminga siya ng malalim bago lumabas ng elevator.

Master of Assassins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon