Buong araw na wala siya sa mood. Hindi naman siya lutang pero ang kukuti niya masyadong nalunod sa nangyari kanina. Pero mas gusto niyang lunurin si Mr. Laxel.
Aba! Ang lakas ng loob ng mayabang na yun. Pagkatapos nitong insultuhin ang paaralan niya, magpapakita ang hinayupak at sasabihing gagawin siyang personal secretary?
Personal secretary my ass! Ba't di na lang ang dean ang in-offeran niya? Siguradong buong puso at bukal sa loob nitong tatanggapin ang alok niya. Tsss. Napairap siya sa hangin.
Mag-isa siyang naglalakad sa campus patungo sa kung ewan niya kung saan siya dadalhin ng mga paa.
"Yura? Yuraaaa!" Di niya akalain na makakasalubong niya ang dalawa niyang kaibigan.
"Ano ba Jone? Nasa gitna ka ng campus, mahiya ka naman." Sita niya dito. Ngumisi lang ang kaibigan saka agad na kumapit sa braso niya.
Ang landi!
"Sa'n ka nagpunta? Alam mo bang nag-exam kami kay Ms. Villanueva at hinanap ka niya! Lagot ka. May lumabas na usok sa ilong niya kanina." May pananakot na boses nito.
Inismidan lang niya ang kaibigan. Kala nito siguro sa kaniya eh batang uto-uto na maniniwala sa gago niyang kaibigan.
"Kaya nga. Pupuntahan ko ang pinakamagandang dalagang matanda yea~ sa buong campus. Sama kayo?" Natawa siya pati ang dalawang kaibigan sa sinabi.
"Pfft! Mag-isa kang pumunta dun! Ayaw naming madamay sakaling mahigh blood si maam." Natatawang sabi ni Kane.
Talaga ngang mag-isa siyang nagpunta sa office ni Ms. Villanueva. Traidor talaga ang mga hinayupak niyang mga kaibigan. Sinabihan lang siya ng mga ito na hihintayin na lang siya sa library. Ang galing!
Hindi naman siya natatakot kay Ms. Villanueva pero kinakabahan lang siya ng konti dahil baka bababa ang grade niya dahil hindi siya nakapag-exam.
Kahit ganon siya kabarumbado may pakealam pa rin naman siya sa grado niya no. Hindi nga lang halata.
Humugot siya ng hininga bago kumatok sa opisina ng propesora.
tok tok tok
Hinintay niya ang matinis na sagot nitong 'come in'. Ngunit wala. Walang sumagot.
Hala baka nag tampo?
Kumatok ulit siya pero wala talagang sumasagot kaya pinihit na lamang niya ang doorknob para pumasok.
Ngunit nagtaka siya dahil locked ito.
Hay! Wrong timing. Baka gumala na naman yun sa buong campus at di niya naabutan.
Malakas na bumuntong hininga siya at paalis na sana nang may tumawag sa kaniya.
"Ms. Gladiola?"
Nang lumingon ay agad na lumiwanag ang kaniyang mukha.
Si Ms. Villanueva!
"Maam! I miss you!" Nag-amba siyang yakapin ito kunwari pero namewang ang matanda.
"Where have you been Ms. Gladiola?!"
Mukhang favorite ng propesora ang linya na yun kapag nag missing-in-action siya.
Nginitian niya ng ubod ng tamis ang matanda.
"Ahm, nagkaproblema lang ng konti sa daan. May nakasalubong kasi akong asong ulol (Mr. Laxel) kanina kaya nahirapan akong dumaan sa campus. Mabuti na lang at may lamborghini siya kaya hindi siya na'Abogbog aYura'". Kwento niya na hindi naalis ang matamis niyang ngiti.
BINABASA MO ANG
Master of Assassins (Completed)
Fiksi UmumWho knows, a disastrous meeting with him would lead a disastrous experience to her? Hell. That's the perfect word you would experience if you stand on the way of the Mr. Chamber Laxel. But when they're together, a secret revealed little by little...