Chapter 40

2.1K 65 10
                                    

Pupungas-pungas na nagising si Yura at agad na napabangon nang makitang wala na si Sofi sa kinahihigaan.

Naku lagot. Baka nahuli siya sa paggising.

Mabilis niyang inayos ang higaan saka nag-ayos ng sarili bago lumabas.

Pero nagtaka siya nang makitang wala ang mga tao sa loob.

Kinabahan siya. Baka iniwan na siya ng mga ito dahil nahuli siya ng gising.

Nakahinga siya ng maluwag nang pumasok sa pinto sina Bei at Tron kasama ang ilang myembro at tauhan.

Pero napapitlag siya nang sinipa ni Tron ang isang sandbag at agad iyong nawasak at nagkalat sa sahig ang laman ng sandbag.

"Fvck!" Pasigaw na mura nito.

Kita ang pagkuyom ng panga at panlilisik ng galit nitong mga mata.

Tinignan niya ang mga kasama nito na sina Bei, Van, Teio, Kurd at Melor. Pareho ang mga ekspresyon ng mga mukha nito. Nakukunot ang noo at parang balisa.

Teka, anong nangyayari? At nasaan si Sofi?

Napahilamos ng mukha si Tron at namumula ang buong mukha nito.

"That person... he or she used that unknown poison and this is not a joke anymore." Mahina ngunit mabibilis na paghinga na sabi ni Tron.

Poison? Anong poison?

Nakita niyang lumipat ang tingin sa kaniya ni Bei at agad na sumeryoso ang mukha nito.

"Yura, go along with Montreal and Calgua. Look after our documents during our sail. Now."

Hindi na siya nagtanong pa at agad sinunod si Bei kahit na gusto niyang usyusuhin kung ano ang problema.

Mabilis siyang naligo at nagbihis. Sinigurado niya ang lahat na mga papeles na nakapaloob sa makapal na envelope ay dala niya.

Nang makalabas siya ay nagsi-sakay ang lahat sa mga nakahilerang van at kaniya-kaniyang sasakyan.

Doon siya sumabay sa sinasakyan nina Van at Kurd. Sila ata ang magmamanipula ng barko at mga armas gayong wala na si Gin.

Tatlo lang sila sa loob ng sasakyan ni Van at tahimik lang siyang nakaupo sa backseat. Habang sina Van at Kurd naman ay nag-uusap tungkol sa mga plano nila para mamaya.

"And to Sofi, she looks horrible by that scene. Who the fvck did it?"

Agad na napukaw ang kaniyang pandinig nang marinig ang pangalan ni Sofi.

Kanina pa niyang hindi napapansin sa paligid si Sofi ah. Nasaan kaya yun?

Napatingin siya sa harap kina Van at Kurd.

"Mga sir?"

Agad namang napatingin sa rear view mirror si Van at bahagyang lumingon naman si Kurd.

"Yes?"-Kurd.

"A-Ahm... Sorry po sa istorbo, pero magtatanong lang po sana ako kung nasaan po si maam Sofi?" Mahinang wika niya habang yakap yakap ang envelope.

Nagtinginan saglit ang dalawa bago sumagot si Kurd.

"Haven't you heard? She's dead."

Tumigil ang kaniyang paghinga sa sagot nito.

Dead? P-Paano?

"P-Patay ho? K-Kailan? S-Sino ang p-pumatay sa kaniya?" Nanginginig na tanong niya ulit.

Huminga ng malalim si Kurd at sumandal ng maayos sa kinauupuan.

Master of Assassins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon