Chapter 30

2.4K 95 1
                                    

Yura was finally discharged. Pagkatapos ng dalawang araw na pagkulong ni Mr. Laxel sa kaniya sa loob ng hospital ay sa wakas makakalanghap na siya ng sariwang hangin. Para na rin kasing nasasakal siya sa loob ng kaniyang silid dahil buong magdamag siyang binabantayan nito. Kung hindi ito ang nag-babantay, eh si ateng naka-black suit ang nagbabantay sa kaniya.

Pero hindi niya maintindihan. Simula nang bumisita sa kaniya si Jone eh nagkaroon ng bantay sa labas ng kaniyang silid. At nagtaka pa siya nun kung bakit nakarating na si ateng blacksuit doon sa ospital at sinabing ito na daw ang magbabantay.

Seriously? Mukha ba siyang pre-schooler na kailangan ng guardian most of the time?

Di bale, at least nakalabas na siya ngayon.

Kasalukuyan silang nagba-biyahe patungong... hindi niya alam.

Kanina pa niya ito tinatanong kung saan sila pupunta, kaso nga pipi pala ang kinakausap niya.

"So for the nth time, Mr. Laxel, saan tayo pupunta?" Pangungulit niya dito.

*insert cricket sound*

Napapalatak siya sa sobrang pagkadismaya sa lalaking 'to.

"Sasagot ka o sasagot ka?

Silence. And more silence.

"Ba't ba ayaw mo 'kong sasagutin? Lugar lang naman tinatanong ko mahirap bang bumuka ang bibig, ha?" Gigil niyang saad dito.

"Silence." Payak nitong sagot.

She scoffed. "Silence? Alam mo ba kung ilang decibels ang silence?"

"Yes. It's zero decibels." Walang-emosyong sagot nito.

"O, alam mo naman pala. Kaya siguro di mo minsan nasasagot mga tanong ko dahil bingi ka na. Bingi sa sobrang silence mo." Kutya niya dito.

Narinig niya ang pagpigil ng tawa ni ateng naka-blacksuit na siyang nagmamaneho.

Nilingon siya ni Mr. Laxel na masama ang tingin sa kaniya kaya napaatras siya.

Tss, di mabiro.

"I'll take you in a safer place." Sa wakas, sumagot din ito.

"Eh bakit pa ba? Sa bahay ko na lang kasi. Safe naman dun ah. Di naman alam ng mga kengkoy na yun ang bahay ko no."

"Nah. You'll stay in my place."

Mabilis na napalingon siya dito habang nanlalaki ang mga mata.

"S-Sa bahay mo?"

"Hmm."

Sa bahay niya? Hala, hindi pwede. Baka ano kasi, baka... b-basta!

"Wala na bang tawad? Final na bang sa bahay mo?"

"Hmm."

Tss. Ang tipid magsalita. Mahal siguro ang katumbas ng isang tinaga nito.

Di nagtagal ay nakarating na sila sa bahay nito. Bigla siyang kinabahan.

Uwaah bakit?

"Get off." Sabi nito at naunang lumabas ng sasakyan.

"Aba, ibang klase. Binagyuhan ata ang lalaking yun at nalipad ang magandang asal niya." Napailing-iling siya at akmang bababa na rin siya nang napatingin siya kay ateng naka-black suit na nasa driver's seat.

Mukhang hinihintay siya nitong makababa.

Kinalabit niya ito sa balikat kaya napatingin ito sa kaniya sa rear view mirror.

"Yes, miss Yura?" Seryosong tanong nito.

"Ateng, gusto ko lang marinig ang sekreto mo. Pa'no ka nakakatagal sa lalaking yun? Ni hindi ka ba nakaramdam ng pagnanais na masakal siya?" Seryosong tanong din niya.

Master of Assassins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon