Chapter 5

3K 119 4
                                    

Sumunod naman siya sa babae. Hindi niya mawari kung ano nga ba ang posisyon nito dito sa kompanya dahil sa napaka unusual nitong dating. Hindi katulad sa ibang empleyado, ang babaeng ito naman ay nakasuot lamang ng black fitted slacks, black peterpan collared blouse at pinaresan ng black high heels.

Seryoso ang mukha nito na para bang walang ni katiting na kasiyahan sa tanang buhay nito.

Nang makapasok sila mula sa mataas na pinto, bumungad sa kaniya ang mabigat na pakiramdam. Hindi niya alam ngunit bigla siyang kinabahan.

Anong nangyayari?

Ineksamin niya ang buong silid na pinasukan nila. Hindi katulad doon sa labas na may welcoming ambiance dahil lahat ay nagkikislapan ang mga kagamitan mula kisame hanggang sahig. Ngunit sa nag-iisang silid naman na ito, animo'y parang bampira ang nakatira dito. Gawa sa black marble tiles ang sahig, ang dingding naman ay napinturahan sa kombinasyong kulay black at grey. Nakasabit doon ay mga gothic paintings na hindi niya mailarawan. Kakaunti lamang ang gamit sa loob ng malapad na silid maliban lamang sa malaking bookshelf na nakaharap kasalungat ng isang office table.

Napadako ang tingin niya sa office table. Gawa sa smokey glass ang lamesa. May nakapatong na kakaunting dokumento, pencil stand at steel made na desk name plate na may pangalang:
Chamber S. Laxel
CEO/President, Laxel Corp.

Halos lumuwa ang mata niya sa nabasa.

CEO? President? Hindi admin ang makakaharap niya kundi CEO?

Bigla niyang natutop ang dibdib. Hindi siya matakutin pero ang kabog ng dibdib niya hindi niya mawari kung para saan iyon.

Ang silid ay madilim at tanging ang liwanag mula sa glass wall na may makapal at mataas na itim na kurtinang nakakabit doon ang tanging nagbibigay linaw sa kapaligiran nitong silid. At mula doon ay may nakatayong mataas na lalake. Nakatalikod ito habang nakapamulsang nakatanaw sa siwang ng bintana.

Nakasuot ito ng itim na fitted slacks, puting polo na nakatupi ang sleeves nito hanggang siko at makintab na itim na leather shoes.

"Mr. Laxel? The representative of Vester University is ready, sir." Magalang ngunit may pagkastriktong anunsyo ng babae.

Bahagyang gumalaw ang ulo ng lalake at sumulyap sa gawi namin. He gave a curt nod and that's the signal to the woman to excuse herself out of the room.

At nang silang dalawa na lamang ng lalake ang nandon, biglang domoble ang kabog ng dibdib niya at naramdamang unti-unting nanlalamig ang mga kamay niya.

What the hell Yura? Isang madilim na silid lang ang nakita mo hindi ipis ano ba?!

"Vester University huh?" Biglang nanindig ang buhok niya sa batok sa lamig ng boses nito. Frigid as ice.

Hirap na napalunok siya bago magsalita. "Yes sir."

Lumingon ito sa kaniya and she can't help but to shudder as she met his dark eyes, dark as the cloudy and thunderous storm. Wala iyong emosyon maski ang mukha nito.

He strode coolly along to his office table, sat coolly and stared coolly.

Bloody coolly of him!

"Sit." Mahina ngunit may awtoridad ang boses nito.

Napalunok ulit siya at mabibigat ang mga paang humakbang papalapit sa visitor's chair na kaharap ng mesa nito.

At nang sa wakas ay naka-upo na, doon na lamang niya nakita ang kabuuan nito. He has a strong, chiselled body with an impassive, yet, Adonis-like face.

Master of Assassins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon