Chapter 36

2.1K 72 0
                                    

Kasalukuyan siyang nakatanaw sa labas ng malawak na bintana. Malalim ang pag-iisip at naging manhid.

Muling nanumbalik sa kaniya ang huling pagharap nila ng taong minsan niyang pinaniwalaan, pero pinili nitong pagtabuyan siya.

Wala sa sariling tumulo ang kaniyang mga luha. This had been her scenario whenever she's alone. Every night, she would cry silently in the dark until she fell asleep.

When she woke up, she felt numb. Para bang isa siyang ligaw na kaluluwa na hindi alam ang patutunguhan.

She'd been grieving, her heart terribly shattered and she's lost.

Natagpuan na lamang ang sarili niya na kumakasapi na sa grupong nagngangalang Black Snipes. They said, Mr. Laxel and his companions are enemies. The aforementioned group was formed due to the anger of the former members of Schwarz Rabe long time ago, and that was the start of the rivalry of both groups.

Nang gabing yun, nang makalabas siya ng building, ay doon niya nakilala ang Black Snipes, as they said they were looking for Jone. Nagtaka siya nung una kung paano ng mga to nakilala si Jone, pero isninantabi niya muna iyon. Hindi niya alam kung paano siya sumama sa mga ito, but she only remembered when they said;

'Maghihiganti kami kay Chamber Laxel'

Her heart shouts the same kung kaya sumama siya. As time passed by, she learned that they're assassins. Hindi pa masyadong nag-sink in sa kaniya ang katagang iyon. Hanggang sa isang gabi, ay nasaksihan niya ang totoong trabaho ng mga ito.

Nakita niya ang pagbihag ng mga ito sa mga taong sabi nila'y kalaban. Tino-torture ang mga ito sa pamamagitan ng paglatigo, pagputol ng dila, daliri o kung ano pa hanggang sa mamatay. Sometimes, they would puncture their eyes and drown them in a drum filled with salted water.

Naalala niya ang pagtuklas sa mga sekreto ni Mr. Laxel. She found something similar from those.

The torture room.

She closed her eyes as she surmise how much cruel the group of Mr. Laxel are.

If that is the case, then she should not regret being part of Black Snipes.

Lots of things playing in her mind, what could she might contribute into this group.

Revenge. That's it... revenge.

"Listen, all of you..." Bei gathered them together.

Nasa warehouse pa rin silang lahat at hinahanda ang lahat ng ikakarga nila sa barko.

"Two days from now, we're all going to sail to Greece. Ready yourself. And before we leave, l decided to give everyone a task. Task to ensure nobody or nothing hindrances to this operation."

Isa-isa niyang binigyan ang lahat ng miyembro ng Black Snipes ng mga misyon, with the assisstance of their men. At lahat ng iyon ay konektado sa Schwarz Rabe.

Hanggang sa natuon sa kaniya ang atensyon ni Bei. Mataman siya nitong tinignan.

"Yura..." seryosong tawag nito.

Napayuko siya ng bahagya at napalunok. Di lingid sa kaniya na ito ang namumuno sa kanilang grupo at nasaksihan ang bagsik nito.

"How have you been so far?"

"M-Maayos naman po." Halos pabulong na sagot niya.

"Good. I think it's time to prove your loyalty to us."

Napasiklop ang dalawa niyang kamay at mahigpit na piniga iyon dala ng kaba niya sa sinabi nito.

Ano kaya ang ipapagawa nito sa kaniya?

Master of Assassins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon