Nagising siya nang maramdamang gumalaw ang kama.
Madilim ang kwarto at hinuha niya hating-gabi na kaya wala siyang maaninag.
Hindi siya gumalaw sa kinahihigaan at nakiramdam sa paligid.
"Brislaide, gather them all. I'll be there in a few minutes." Narinig niya ang boses ni Mr. Laxel sa mababang boses, at wari niya ay may kinakausap ito sa kaniyang cellphone.
Sino si Brislaide? Tanong niya sa kaniyang isip.
Napag-isip-isip siya. Ito na siguro ang kaniyang pagkakataon upang malaman kung sino nga ba si Mr. Laxel. Maliban sa kaniyang nakikitang Mr. Laxel araw-araw, alam niyang meron pa itong personalidad na tinatago.
Muli niyang ipinikit ang kaniyang mga mata nang marinig ang mga yapak nito.
Naramdaman na lamang niya ang pagbuhat nito sa kaniya. Nagpatuloy siya sa pagtulog-tulugan hanggang sa narinig ang pagbukas at pagsara nang pinto at naramdamang inihiga siya ulit sa kama.
Hinuha niya nasa kabilang kwarto na siya. Naramdaman niya ang pagdampi ng labi nito sa kaniyang noo at ang pag-alis nito sa kama.
Hanggang sa lumabas na ito ng kwarto kaya naman napagdesisyunan niyang bumangon at sundan si Mr. Laxel. Alam niyang may lakad ito base sa kaniyang narinig.
Patiyad na lumakad siya sa sahig at dahan-dahang binuksan ang pinto. Tumingin-tingin siya sa paligid kung mayroong presensya ni Mr. Laxel.
Wala. Mabuti kung ganun.
Tuluyan siyang lumabas ng kaniyang kwarto at nakiramdam sa kaniyang paligid dahil baka bigla na lamang lumusot si Mr. Laxel.
Pero maya-maya ay narinig niya ang pagbuhay ng makina sa labas ng bahay.
Sasakyan yun ni Mr. Laxel.
Dali dali niyang sinungaw ang kaniyang ulo sa bintana upang tanawin kung siya nga ito. Nakita niya ang papalabas na sasakyan nito sa mataas nitong gate.
Mas mabuti.
Nang tuluyan na itong makalabas ng compound ay dere-derecho siyang lumabas ng bahay.
Okay na siguro na pantulog niya ang kaniyang suot.
Nagtago siya muna sa mga tanim at sumilip sa labas ng gate. Nakita niya ang sasakyan ni Mr. Laxel na tumigil sa hindi kalayuan sa bahay nito at... at may kinakausap na mga lalaki?
Sinu-sino naman iyon?
Ang iba sa mga ito ay nakasuot ng formal black suit ang iba naman hindi. Tumatango-tango pa ang mga ito habang kinakausap ni Mr. Laxel.
Muling tumakbo ang sasakyan ni Mr. Laxel at may sumunod dito na isang itim na van. Tauhan niya ba ang mga yun?
Nawala ang kaniyang atensyon nang ang iba sa mga kalalakihan na kinausap bago lang ni Mr. Laxel ay naglalakad papunta sa bahay nito. At nang nasa bandang harapan na ang mga ito ng gate ay nakita niya ang paglabas nga mga kalalakihan ng kani-kanilang mga armas.
Napasinghap siya. Mabuti na lang at natakpan niya agad ang kaniyang bibig baka marinig pa siya edi palpak ang kaniyang plano.
Parang nakuha na niya kung ano ang pakay ng mga ito. Siguro sila yung mga taong pinapabantay ni Mr. Laxel sa labas ng bahay nito.
Shit. Paano kaya ako makakalusot nito? Baka isumbong nila ako kay Mr. Laxel pag nagpakita ako sa kanila.
Muli siyang bumalik sa loob ng bahay at nagdesisyong magpalit ng damit.
Pero hindi pa siya tapos sa kaniyang plano ngayon.
Dumaan siya sa likod ng bahay. Hindi man niya kabisado ang buong kabahayan pero nang makakita siya ng pader sa laundry area nito ay agad siyang naka-isip ng ideya.
BINABASA MO ANG
Master of Assassins (Completed)
General FictionWho knows, a disastrous meeting with him would lead a disastrous experience to her? Hell. That's the perfect word you would experience if you stand on the way of the Mr. Chamber Laxel. But when they're together, a secret revealed little by little...