Chapter 45. FINALE

2.8K 94 3
                                    

(I added an audio above, para mas mafeel niyo habang binabasa niyo to. Char!)

**

Tahimik na naka-upo siya sa swivel chair habang nakasiklop ang dalawang kamay sa ibabaw ng mahabang mesa.

"How are you?" Malamig na tanong ng taong kaharap niya.

"That's supposed to be my line. How are you?" Balik na tanong niya dito.

Isang malamig na katahimikan ang sandaling namayani.

"Still breathing."

They both stared each other for a moment.

"Good." Tipid niyang sagot.

"So, it was you, after all?" Ito naman ang nagtanong.

"Yes."

"How?"

Hindi siya umimik.

A week after the war on ship, Mr. Laxel survived from death. Dalawang araw itong na-coma, hanggang sa nakarecover ito. At ngayon, ito ang nag-initiate na makipag-usap sa kaniya.

Huminga siya ng malalim bago sumagot.

"With the help of Noryss Fuentebella." Inabot ng kaniyang daliri ang high ball glass sa kaniyang harapan at nilaro-laro ang takas na moist sa labas nun. "She was there since I was a kid. She was the one who hid me after my parents' death, changed my identity, taught me how to fight as an assassin and all. When I felt like it's time to make my move, and conform to myself that I can fight already, I was the one who planned behind from the start. Ginamit ko ang pagkakataong naging presidente si Fuentebella ng Vester University at ako naman ay umaktong isang normal na estudyante."

"At ng panahong iyon, ang mga magulang mo ang namumuno sa mga assassins. Kinilala ko lahat, pati ikaw, na siyang alam kong magiging tagapagmana ng trono. And when I Iearned that every prestige universities run after your name to be your beneficiary, I suggested Fuentebella to send representatives every year. Hanggang sa dumating ang tamang panahon na ako ang pinadala, na pinagplanuhan namin ni Fuentebella, bilang representative. At ang pinag-usapan namin, ay kunin ang atensyon mo. It went well though. We succeed. Pinaghandaan namin ang pagkikita niyo ni Fuentebella nung araw na pumunta ka sa university. And I knew, you're already familiar with her dahil ikaw na ang namumuno, you have to know the history, of course."

"At dahil alam mo nang buhay pa ang matagal nang nawawalang dating pinuno, nagkaroon kayo ng pag-asa na meron pa kayong alas para patumbahin ang Black Snipes, at iyon ay sa tulong ni Fuentebella. Umayon lahat ng plano namin. Lalo na nung nagsimulang gumalaw ang Black Snipes at sumulong sa university. They got curious about your connection of said university and finally discovered that Fuentebella is still alive. Nagpapasok sila ng hasang assassin para mag-infiltrate at patayin si Fuentebella, that man disguised as an instructor, pero inunahan ko siya. Ako ang pumatay sa kaniya. Hanggang sa sunud-sunod nang sumulong ang mga tauhan. At sa pagkakatong iyon, nag-anyong estudyante naman ang dalawang tauhan ng Black Snipes, you sent your men to protect the president, and I am the anonymous killer who dispatched those intruders."

"Until Jone Ortega happened. Sinadya kong makipaglapit sa kaniya dahil alam kong sa simula pa lang ay myembro na ito ng Black Snipes at uhaw sa paghiganti sa inyo. Her parents were killed during the war between Schwarz Rabe and Black Snipes long time ago. At pinsan niya ang pinagkakatiwalaang myembro ng Black Snipes na si Emma Melys, at nang mamatay si Jone, that added the fuel of anger of Black Snipes towards Schwarz Rabe. Napagdesisyunan namin ni Fuentebella na hatiin ang plano. Siya ang tutulong sa inyo, at ako naman ang papasok sa Black Snipes."

"Remember that night you drove me away? Ginamit ko ang pagkakataong iyon para makapasok sa kabilang grupo."

Nakita niya ang paggalaw ng masculo sa pisngi nito, pero wala pa ring emosyon ang mukha.

Master of Assassins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon