Ngina. So pinagkamalan nilang pinlano niya itong lahat? Na pupunta doon si Mr. Laxel na hindi nila alam at... at...
Ibig sabihin nun si Mr. Laxel ay... benefactor na ng Vester University?
Unti-unting lumaki ang mga mata niya at doon na niya nagets ang sinabi ng presidente.
Akala ng mga ito itinago niya sa kanila na tinanggap sila ni Mr. Laxel mula dun sa Laxel Corp at kinuntsaba si Mr. Laxel na i-sekreto lang ito at ito mismo ang magsasabi sa kanila ng personal.
What the eff??
Bumuka ang bibig niya upang magpaliwanag ngunit bigla siyang niyakap ng university president.
"Thank you so much Ms. Gladiola. This means a lot to me."
Tumango na lamang siya at hindi na makapag-salita. Bahagya siyang napatingin sa gawi ni Mr. Laxel na kasalukuyang nakadekwatrong naka-upo. Muntik na siyang mahilo nang mahuli itong nakatingin rin ito sa kaniya.
His icy stare. Ramdam niya hanggang sa kaniyang kinatatayuan ang kalamigan nito.
Nag-usap ang presidente, admins, dean at si Mr. Laxel. Siya ay naka-upo lang sa isang spare chair na nakita lang niya sa gilid. Hindi niya alam kung saan siya lulugar kasi hindi naman siya dinismiss ng presidente kaya nanatili siya sandali. Kaso parang naging unwanted na siya doon sa opisina dahil hindi na siya napansin ng mga ito.
Nagpasya siyang umalis na dun ng tahimik at nang makapunta siya kay Ms. Villanueva at makapag-explain kung bakit hindi siya nakapag-exams. Nasa bandang hagdan na siya ng main building nang biglang may humawak sa braso niya at hinila siya nito pababa.
"Hoy. Hoy. Bitawan mo nga ko! Ano baㅡ"
Naramdaman na lamang niyang nakadikit na ang likod niya sa malamig na pader na nasa gilid ng main building at sumalubong ang pares ng kombinasyong abo at itim na mga mata.
Sandali siyang natigilan.
"M-Mr. Laxel." Halos pabulong niyang sambit sa pangalan nito.
Tingin niya may problema siya sa lalamunan kaya yun yung lumabas na boses niya sa halip na pagalit.
No. He just feels nice, right? Sumagot naman ang kontrabidang inner voice niya.
Sana talaga tumahimik na tong nakakabwisit na boses na nasa utak niya. Kahit two minutes lang. Or hours or years.
Pinilig niya ang ulo at tumikhim ng malakas.
"Mr. Laxel ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, ha? Di mo ba alam isa itong harassment?" Taas noo niyang sita dito, nilalabanan ang kumikiliti sa sikmura niya.
Sandali siyang tinignan ng malamig ng lalaki at gumalaw ang panga nito.
"Remember what I said about business?"
Kumunot ang noo niya.
"Business means negotiate, and negotiate means benefit."
Lumunok siya. "Oh, tapos?"
His head moved... a little lower. Napaatras naman ang mukha niya kahit dikit na dikit na ang ulo niya sa pader.
Iniwas lang niya ang mukha niya. Nakakahiya naman kasi baka may makita itong open pores sa mukha niya o di kaya white heads or pimples.
"And do you know what benefit means?" He asked calmly yet his formidable stare, straight to her eyes, can make her frozen right where she stood.
She breathe silently. "W-what?"
She flinched, alarmed, when his arms moved. Tinukod nito sa magkabilang gilid ng ulo niya ang mga kamay nito.
Dapat nabugbog mo na tong lalake na to, Yura. Dapat naallergy ka na sa presensya niya at lalo sa lahat kanina mo pa dapat siya tinulak sa sobrang lapit niya. Bakit hindi mo ginawa? Anong nangyari sa makapangyarihan mong kamao?
She felt dazed. Nahilo na siya sa kakaisip ng bagay na yun. At mas lalo siyang nahilo sa posisyon nila ng presidente ng Laxel Corp.
"You."
She shot up a glance at him, confused.
"You are the benefit in exchange of, me, being a benefactor of your school."
Biglang napantig ang tenga niya at automatic na tumalim ang kaniyang mata.
"Anong sabi mo?"
Tumahimik ito sandali at humugot ng hininga.
"It's because I accepted the deal, that means I could also gain a benefit, a wise benefit. And that benefit is you." Umangat ang gilid ng labi nito... ng konti. "You will be my personal secretary from now on."
Halos lumuwa ang mata niya sa narinig at kumati ang anit niya sa pagkairita.
"Excuse me? Anong pinagsasabi mo, ha? Anong benefit at anong personal secretary? Hoy! Sa pagkakaalala ko, ha, ininsulto mo ang paaralan namin, ilang beses ka pa ngang humindi. Ang dami mong pang arte tas lakas ng loob mong sabihin na aalipinin mo ako?? Bakit di mo gawing alipin yung presidente namin tutal siya naman ang kinausap mo, hindi ako! Jusko, tumaas presyon ko sa 'yong demunyo ka!" Sabay hilot sa sentido niya.
Ngayon narealize na niya ang feeling ng ma-high blood. Siguro kinarma na siya ni Ms. Villanueva sa ginawa nila noong araw dito.
Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa to walang buhay ang hayop na kaharap niya. Pero sa sobrang tigas ng kabuuan nito imposibleng matablan ito.
He suddenly retreated from leaning, she sighed in relief though she felt a bit of disappointment.
Disappointment in what? It's not like I enjoyed that breathtaking, electrifying, intoxicating momentum with him. In fact, I'd like to grab his neck and bash his head in the hood of that Lamborghini.
But that thought made her inner her shot up her brows. Like she's having a hard time believing her wildfire grudges.
Tumayo ng tuwid ang lalaki at namulsa na parang namasyal lang ng Rizal Park. Nakatanaw ito sa malayo.
"I'm expecting you in my office tomorrow. 1 pm sharp. And don't be late." Saad nito na parang bang dinidiktahan siya ng kung ano ang dapat niyang gawin.
Namewang siya at sasagot na sana kaso tinalikuran siya ng bastos na lalake.
"Hoy. Sandali Mr. Laxel! Sandali!" Pigil niya dito, kaso sa laki ng mga hakbang nito hindi na niya naabutan at sumakay na sa pinagyayabang nitong magarang Lamborghini Murcielago LP640.
**
A/N: Natagalan ang update kasi I tried to make it 5 chapters in a row. Kaso di kaya ng powers. So hanggang tatlo lang hehe.
Anyway, enjoy reading.
BINABASA MO ANG
Master of Assassins (Completed)
General FictionWho knows, a disastrous meeting with him would lead a disastrous experience to her? Hell. That's the perfect word you would experience if you stand on the way of the Mr. Chamber Laxel. But when they're together, a secret revealed little by little...