Isang linggong hindi nakapasok sa trabaho si Yura at sa kaniyang pagbalik ay tinambakan agad siya ng mga gawain ng kaniyang mapagmahal, maaalahanin, at higit sa lahat ay sooobrang bait niyang boss. (heard the sarcasm?) Di ba ang sweet? Sa sobrang sweet nito ang sarap hablutin ng leeg nito at pilipitin sa kaniyang palad.
Argh! Nakakainis! Makikita ng lalaking yon, makikita niya!
Habang nagta-type siya sa laptop ay panay ang kaniyang pagsulyap ng matalim sa lalaking prenteng naka-upo at nakataas pa sa mesa ang mga paa.
Ha! Aba't bumabawi.
Tss, di bale. Makakabawi rin siya.
Habang abala siya sa pagmumura kay Mr. Laxel sa kaniyang utak ay may biglang sumingit na ideya sa kaniyang isip. At automatic na napatingin sa gawi ni Mr. Laxel na ngayon ay busy sa pagbasa at pirma ng sunud-sunod na nakalatag na mga folders sa mesa nito.
Hmm, bakit kaya hindi? Navivisualize niya ang kaniyang inner her na nakadekwatrong naka-upo at tumatango-tango ng may pagsang-ayon sa kaniyang ideya.
Himala at magkatugma na sila ng iniisip ng kaniyang konsensya at walang may bumabalakid.
Napangisi siya at tumayo. Kunwaring nag-inat-inat siya at dumaan sa harap ng mesa ni Mr. Laxel.
"Araaay, ang sakit ng likod ko ouch..." Mahinang daing niya habang umaarteng pinupugpog ang kaniyang likod. Alam niyang naririnig naman siya nito. "waah ang sakit pati kalamnan ko, baka di ko alam pati kaluluwa ko inaarthritis na, awww." Sambit niya sa sarili at kunwaring ngumingiwi sa sakit habang nags-stretching.
"Stop that stupid acting of yours. What do you want?" Napatigil siya sa ginagawa at magpo-portesta sana nang marealize din niyang parang tanga nga siya sa kaniyang ginagawa.
"O-oy, grabe ka. Sinong nagsabing nag-aacting ako? Duh, ang sakit kaya sa katawan pag-nakaupo ng buong araw. Palibhasa ikaw, pinaglihi sa bato kaya sanay kang naninigas diyan." Mataray niyang kantiyaw dito.
Ngunit parang wala lang narinig si Mr. Laxel at nagpatuloy lamang ito sa ginagawa pero kailangan niyang masabi dito ang kaniyang naisip para makatakas siya sa trabaho.
Tumikhim siya.
"Ehem, sir, ano yung sinabi niyo kanina?"
"I said," tumigil siya saglit sa pagbabasa at umahon ng tingin. Her heart skipped a beat when she caught his spine-chilling stare.
Spine-chilling diba? Eh ba't skipped a beat? Dapat manigas ako, pero parang kabaliktaran ata ang epekto sa'kin.
"...stop that stupid acting of yours." Payak nitong sagot.
And that broke an ice between them, or baka sa kaniya lang?
"Argh! Hindi yun! Yung huling sinabi mo pagkatapos nun?" Eksaheradang demanda niya.
Hindi sumagot si Mr. Laxel. Sa halip, ay nagbingi-bingihan ito at nagpatuloy sa pagkaabala. Mukhang alam na nito ang laro niya.
Nakakainis!
"Psh, fine! Ako na lang ang magsasabi, tutal likas na pipi ka. Ang sabi mo, 'What do you want?'" Taas kilay niyang sabi dito pero wala pa ring pake ang huli na mas ikinapikon niya.
Huminga siya ng malalim upang kumalma.
Kalma Yura, kalma.
"Tinanong mo 'ko ng 'What do you want?' ,di ba?" Ulit niya.
"So?" Walang pakealam na sagot nito.
"Since nagtanong ka naman at mapilit ka, yung gusto ko eh mag-cool off for a while sa trabaho." Derecho niyang sabi dito.
BINABASA MO ANG
Master of Assassins (Completed)
General FictionWho knows, a disastrous meeting with him would lead a disastrous experience to her? Hell. That's the perfect word you would experience if you stand on the way of the Mr. Chamber Laxel. But when they're together, a secret revealed little by little...