Chapter 23

2.3K 80 2
                                    

Dalawang araw ang nakaraan matapos ang shooting incident sa kanilang university ay muling piansara pansamantala ang paaralan upang ipasailalim sa imbestigasyon.

Habang siya naman ay abala sa pabalik-balik sa ospital upang dalawin ang kaibigan niyang hanggang ngayon hindi pa rin nagigising. Pero nabawasan na ang ilang mga aparatus sa katawan nito kung kaya medyo maluwag na ang pakiramdam niya.

"Jone, samahan mo'ko mamaya sa university ah?"

Tumingin naman sa kaniya ang huli na nakukunot ang noo.

"Sa university? Eh teka, diba pinasara iyon?"

"Oo."

"Eh bakit ka pupunta dun? Delikado pa run, saka baka marami pang pulis na nagiimbistiga doon kaya baka hindi tayo papasukin."

Umupo siya sa couch na nasa loob ng private room ni Kane.

"Kasi nakalimutan ko yung duplicate key mo dun sa locker. Baka mawala nandun pa naman project nating tatlo kay prof Villanueva. Maghuhukay talaga tayo ng puntod natin."

Humalukipkip naman si Jone. "Ba't ba napakamakalimutin mo? Nung nakaraang araw nakalimutan mo yung libro sa philosophy, sinakto mo ring may insidente. Ngayon naman duplicate key lang?? Manood ka kaya ng porn para active yang utak mo."

Muntik nang lumuwa ang mata ni Yura sa sinabi ng kaibigan.

"Seryoso Jone? Yan ba sekreto mo?"

Lumapit rin ito sa inuupuang couch.

"Tss. Wag na tayong pumunta. Bantayan na lang natin dito si Kane."

"Eh maya-maya kina tita na dito yung magbabantay, ano. Tas, ayaw mo  nun, makikiusyuso na rin tayo." Tinignan niya ang kaibigan na may pilyong ngisi. "Aminin mo, di ka ba naiintriga sa nangyari? Ikaw pa, numero uno kang chismosa eh." Sabi niya saka malakas na tumawa. Pero natigil yun nang binatukan siya ni Jone.

"Ah chismosa pala ha? Wala kang kasama mamaya." Sabi nito na parang nagtatampo saka akmang tatayo.

"Joooone sige naaaaaa" sabay hatak ng damit nito. At doon na sila nagsimulang mag-asaran.

"Pst oy, oy. Tignan mo oh, ang daming pulis sa gate. Pano tayo makakalusot diyan?" Tanong ni Jone habang naglalakad sila patungong university.

Tinignan niya ito ng masama.

"Bopols ka ba? Syempre hindi tayo dadaan diyan." Sabi niya sabay ngisi.

"At saan yun?" Intrigang tanong nito.

"Saan pa edi sa secret agenda natin."

"Ulol. Mas sindikato ka pa mag-isip kesa sa kriminal." Sabay silang natawa sa sinabi nito.

"Arghh... kasalanan mo to Yura." Naiinis na pinagpagan ni Jone ang sarili matapos itong mahulog sa pader na inakyat nila.

"Para kang hindi class breaker ni prof Villnueva ah."

"Tss. Oh sa'n na tayo sunod?"

"Derecho tayo sa locker natin. Pero dun tayo dadaan sa hagdan ng water tank. Derecho yung daan ng hagdan sa palapag ng classroom natin. Baba na lang tayo pagkarating dun."

Tumingin sa kaniya na parang di makapaniwala si Jone.

"Woah, ibang klase ka mag-isip Yura. Para ka talagang tulisan. Pa-session nga minsan."

Natawa siya dito saka naunang maglakad.

"Tingin ko may nagro-roving dito kaya kailangan nating  mag-ingat." Sabi niya sabay tingin-tingin sa paligid. Nakasunod naman sa kaniya si Jone.

Master of Assassins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon