Chapter 39

2K 75 7
                                    

"Where's Gin?" Tanong ni Sofi nang hindi nila ito mahagilap sa buong warehouse.

Lahat ay napakibit-balikat dahil hindi naman ng mga ito nakita ang huli.

"He should've be here. Kailangan niyang i-test ang mga bagong dating na mga armas. Tss, asan na kasi ang gagong yun?" Inis na wika ni Sofi.

"Baka kung saan na nagpunta yun. Ikaw," Sabay turo ni Kurd sa isang tauhan nila. "Libutin mo nga sa labas, baka tumatambay lang yun. Bilis."

Agad itong sinunod ng tauhan.

Nakahalukipkip si Sofi habang bahagyang nakasimangot. Hanggang sa nalipat ang tingin nito kay Yura na tahimik lang na nakamasid at ginagawa ang naka-tokang gawain.

"Ikaw, Yura, what's the progress in your work?"

Mahinang tumikhim muna siya bago sumagot.

"Ahm... natapos ko na pong gawin lahat Miss Sofi, ipapacheck ko na lang ho kay Sir Bei."

Tumaas ang isang kilay nito. "Mabuti."

Nawala ang atensyon nito sa kaniya nang makita ang tauhang inutusan ni Kurd na nagmamadaling pumasok sa warehouse.

Puno ng takot ang mukha nito at natataranta.

"Maam! Boss!" Hinihingal na sigaw nito.

Lahat sila ay napakunot ang noo saka nilapitan ito ni Kurd.

"What happened?" Takang tanong nito.

"B-Boss... s-s-si sir G-Gin po... si sir Gin po!" Nanginginig nitong sambit.

Nalukot ang mukha ni Kurd. "Ayusin mo nga ang pananalita mo. Ano si Gin??"

"B-Boss, si s-sir Gin ho, p-patay na!"

Narinig niya ang pagsinghap ni Sofi habang nanlalaki ang mga mata nito.

"Anongㅡ? Shit. Where?" Kalmadong sagot ni Kurd pero halata sa mukha nito ang pagkabalisa na rin.

Nakuha ang atensyon ng lahat ng mga tauhan pati myembro sa balitang iyon kaya nagkumpulan sila upang marinig din ang balita.

"S-Sa likod po. Sa i-imbakan ng mga box trucks." Namumutlang sabi nito.

Sa reaksyon ng mukha nito ay hindi naman ito siguro imbento lang.

Napatiim bagang si Kurd pati na rin sina Teio, Melor at Van.

"Let's go!" Naunang nagmadaling lumabas si Teio saka sumunod ang iba.

Tahimik na sumunod rin si Yura upang makiusyuso.

Narating nila ang likod ng warehouse at nagulantang sila sa nadatnan.

Halos sabay silang lahat natigilan nang makita sa malayo pa lang ang isang taong nakahiga sa lupa.

"Fvck!" Mura ni Kurd saka naunang lumakad papalapit doon.

Habang sumusunod sila patungo dun, ay marahas na napahilamos si Kurd ng kaniyang mukha, tila ba ay nagtitimpi ito o ano.

Napatakip siya ng bibig nang makita ang kahihinatnan ng lalaking nakahandusay.

Bahagyang nakaangat ang isang kamay nito na tila ba ay nanigas na, may dumadapo na ring ilang langaw doon. Pero mas nakakaagaw-pansin ang dulo ng isang patalim na nakadungaw sa bukana ng bibig nito. Walang awang itinarak ang patalim sa lalamunan nito at pakiwari niya ay malalim ang pagkabaon niyon lusot sa bungo dahil may lumalabas na dugo sa batok nito.

Shit. Ang brutal.

"Tang.na. Mukhang target talaga tayong isa-isahin." Buntong-hininga ni Melor.

Master of Assassins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon