"Uwaaah nakakamiss dito, waaaah!" Napatakbo siya nang makitang papalapit na sila sa obstacle ng race cars.
Magmula sa kanilang nilalakaran ay makikitang marami nang tao sa underground.
Di siya nagkakamali ng pinuntahan at saktong may laban na naman ngayon.
"Uwaah ang ganda diba?" Tanong niya sa kasamang tuod. Nakapamulsa ito habang naglalakad na animo'y parang nasa music video lang. Mahangin pa naman ang lugar dahil nasa open field ito kaya siguro nagmo-moment.
"No." Payak nitong sagot.
Napasimangot siya. "Anong no? Ang ganda kaya dito. At mas maganda kung nandun na tayo nanunuod. Daliii !" Sabi niya sabay naunang tumakbo.
Nang nakipagkumpulan siya sa mga nagwawalang manunuod ay hinanap niya agad ang kaniyang bestfriend, si Kent. Alam niya kasing hindi ito kahit kelan naging absent sa isang race.
She spotted him talking to other gamblers caused her smile widen.
"Dude!" Masiglang tawag niya dito.
Napahinto sa pag-uusap ang huli at lumingon sa kaniya.
Lumiwanag ang mukha nito at sinalubong siya.
"Hey, dude!" agad siya nitong sinalubong ng yakap. "I missed you. How've you been?" Kumawala ito ng yakap para makaharap siya.
She rolled her eyes heavenwards.
"God! I feel so distressed nowadays. So, I wanna unwind for a while." Sabi niya habang nakasimangot saka niyakap niya muli ito. "I missed you too."
He chuckled and patted her head.
"Aww." Kumawala siya sa yakap. "Hey, I heard the news about your school, and you said your friend got shot too. How was her, and you?"
Oo, nabalitaan ng kaibigan niya ang nangyari at agad siya nitong tinawagan dahil nag-alala daw ito sa kaniya.
How sweet of him.
"Ayun, wala pa ring malay si sleeping beauty, wala pa kasing prince na dumaan." Tumawa siya nga mahina. "At ako, eto ako pa ang nag-aruga sa tonta."
Natawa si Kent at pinanggigilan nito ang pisngi niya, gaya sa kanasanayan nito.
"Ano ba?! Tigilan mo nga yan. Tuktukan ko anit mo eh." Mataray na sabi niya sabay irap.
"Ehem."
Natigilan siya nang may narinig siyang tikhim mula sa kaniyang likuran.
Medyo napalaki ang kaniyang mga mata nang maalala na kasama pala niya ang kaniyang boss.
Lumayo siya kay Kent saka nilingon ito.
Seryoso ang mukha nito pero napansin niyang may pagkakaiba ang emosyon nito. Hindi ito ang usual nitong poker face kundi may bahid din ng pagkainip.
Tss. Oo na kasalanan niya yun.
Pero ngumiti siya saka hinawakan ang braso nito. Hinatak niya papalapit sa pwesto ni Kent saka pinakilala.
"Dude siㅡ" Natigilan siya saglit dahil hindi niya alam kung paano niya i-aaddress si Mr.Laxel. Kung kaswal ba o pormal pa rin. "S-siㅡ"
"Chamber. I'm Chamber Laxel." ito na ang nagpatiuna sa pagapakilala sa sarili, na ikinagulat niya dahil hindi nito gawain na magsayang ng laway.
He met Kent's eyes with no emotion.
But that's for Kent's perception only.
"Kent Einwell. Or just Kent." Ani ng kaibigan niya habang nakangiti at nakipagkamayan pa ito kay Mr. Laxel.
BINABASA MO ANG
Master of Assassins (Completed)
General FictionWho knows, a disastrous meeting with him would lead a disastrous experience to her? Hell. That's the perfect word you would experience if you stand on the way of the Mr. Chamber Laxel. But when they're together, a secret revealed little by little...