"Mama... May gamot po ba kayo sa sakit ng ulo?"
Tinanong ko si Mama na nanonood ng isang palabas.
"Bakit?. Huwag mong sabihin may lagnat ka kaya masakit ang ulo mo?. Hoy Rain ginagawa mo lang yan na rason para maging tamad ka. Tse... Magluto ka na nga lang ng Breakfast para sa amin ng kapatid mo."
Napabuntong hininga na lamang ako habang naglalakad papuntang kusina at nagsimula nang magluto.
Habang nag hihiwa ako ng bawang ay aksidente kong nahiwa ang daliri ko dahil sa sobrang pagkahilo. Nilagyan ko lamang ito ng band-aid at nagpatuloy ulit.
" Rain!!!... Nakakainis ka talaga!. Diba sabi ko labhan mo itong pink dress ko kahapon?."
"Candy... Pasensya nakalimutan ko, may ginagawa pa kasi akong homework eh."
"Huwag na. Iba na lang ang susuotin ko. Nakakainis ka talaga."
Bago maka alis si Candy ay inapakan niya ang paa ko. Hindi ko nalang iyon pinansin.
"Mama... Candy... Kakain na po."
Umupo na silang dalawa sa mesa habang ako ay nakatayo sa gilid. Hindi ako pwedeng sumabay sa pag kain. Ayaw ni Mama. Kaya naman minsan ay hindi ako makakain dahil inuubos nila.
Napapikit ako dahil nagsimula na namang sumakit ang ulo ko.
" Pweeeeeee.... RAIN!. Walang hiya kang bata ka!"
Nagulat na lamang ako ng biglang tumayo si Mama.
"B-Bakit ho---"
Bigla niyang binuhos ang pinagkainan niya sa mukha ko. At hinampas ako ng hawak hawak niyang pinggan sa braso.
"Tinatawag mo ba na pagkain yan?. Bwiset... Pinapakain ka ng maayos nung bata ka tapos ganito ang gagawin mo sa amin?!"
"H-Hindi ko po sinasadya... Masama lang talaga ang---"
"Tumahimik ka. Ang sabihin mo tamad ka!. Tse... Makaalis na nga. Linisin mo yang kalat diyan"
Bumuhos ang luha ko habang kinuha ang pinggan na nasa sahig.
*SPLASH*
"Bagay yan sayo."
Naghalo halo na ang amoy ng Ulam, kanin at Juice sa katawan ko. Habang nililinis ko yung kalat ay panay naman ang iyak ko.
Papa... Ba't ganito sina Mama at Candy sa akin?. Nung buhay pa kayo hindi naman sila ganun eh. Bigla nalang silang nagbago. Hindi ko po maintindihan bakit galit po sila sa akin. Kung nandito pa sana si Papa...
Umalis ng bahay sina Mama at Candy kaya naman ay umalis din ako. Nakaupo lang ako sa Bench dito sa park. Naubos na ang luha ko kakaiyak sa bahay kanina.
"Rain?"
Napalingon ako sa tumawag.
"Seth... A-anong ginagawa mo dito?"
"Naglalakad lang. Nice timing. Tatawagan pa sana kita mamaya para kamustahin ka... Okey ka na ba?"
Tanong niya at umupo sa tabi ko. Mabuti na lang at huminto na ako sa pag iyak.
"Masakit pa rin ang ulo ko eh."
Bigla niyang kinapa ang noo ko. At sumimangot.
"Rain... Mainit ka pa rin. 2 days na yan. Kailangan mo na sigurong pumunta ng Ospital."
"Hindi na kailangan..."
"Teka lang... Umiiyak ka ba?. Sino ang nagpaiyak sa Queen ko?"
Hinampas ko siya sa likod. Yang my Queen talag niya ang corny.
"W-wala lang to."
"Sabihin mo nga... May nangyari ba sa bahay niyo?"
Sasabihin ko ba?. Ayokong mag alala si Seth. Kaya ko pa naman eh.
"I know na hindi mo talaga sasabihin ang nangyari pero... You can cry if you want. You can have my shoulder."
Hindi na ako nakapag pigil at bumuhos na naman ang mga luha ko. Akala ko ubos na...
"Akala ko hindi ka na hihinto sa pag iyak."
Napangiti naman ako sa sinabi ni Seth.
"Sorry... Nabasa tuloy ang shirt mo."
"It's okay. I'm glad your smiling. Pero still... Kailangan mong pumunta sa Ospital. Nilalagnat ka pa rin."
"Hindi na kailangan"
Sa huli,walang nagawa si Seth. Talagang matigas daw ang ulo ko. Umalis na si Seth pagkatapos dahil may gagawin pa siya. Ako naman ay naiwan dito sa park. Dahil nga ay hindi pa ako nakakain, minabuti ko munang pumunta sa isang malapit na bakeshop. Mabuti na lang at may pera ako sa bulsa.
"Ate...pabili nga po nang tatlong pandesal."
Babalik na sana ako ng park pero may nakita akong batang nakaupo sa gilid ng kalsada habang yakap yakap niya ang isa pang bata na mas maliit pa sa kanya. Dahil naawa ako, mas minabuti ko na ibigay ang pagkain sa kanila.
" Bata... Eto may dala akong pagkain sa inyo.
" Talaga po? Para sa amin yan?. Salamat po talaga. Salamat po. "
I pat his head lightly tapos umalis na. Huminto ako sa paglalakad ng nakaramdam ako ng gutom.
*Honk! HOnk!*
Saan ba galing ang ingay na yun?.
" Rain!!!"
"Kuya Jordan?"
Siya nga. Akala ko makakalimutan niya ako. Hindi ko naman siya nakalimutan lalong lalo na si Softie. Bumaba siya sa sinasakyan niya at pinuntahan ako.
"Akala ko Hindi na kita makikita. Look I feel bad dahil wala akong naibigay sayo kapalit sa pag sauli mo ni Softie."
"Eh...hindi naman po kailangan yun eh."
"Okay...ganito na lang. I haven't eaten yet. Samahan mo akong kumain. My treat."
"P-pero---"
"You can't say no. Besides... Binigay mo na ang pagkain mo sa mga batang yun hindi ba?."
Wala na talaga akong choice kundi ang sumama kay Kuya Jordan. Hay naku Seth. Akala ko ako lang ang matigas ang ulo may mas mas malala pa pala sa kin.
"Sige po... Payag na ako"
//And there you have it... Chapter 2. It's a bit lame tho. Guys... Continue to read the next chap. Tnks!!! "
-LOUISSE💙
BINABASA MO ANG
The Girl In Distress (Slow Update)
Teen FictionAkala ni Rain na ang kasalukuyan niyang buhay ay sadyang mahirap. Little did she know about what is coming ahead and the truth that will break her apart. Highest Rank Achieved : #2 in Distress [ 07/07/19] #4 in Bullied [09/14/19] Started: May 9, 20...