2 weeks have passed since yung pagkikita namin nina Kuya Jordan at Terrence. Ngayong araw, hindi ako pumasok sa school. Bukas na yung first day ko sa Anton De Luca. Ngayong araw, magkikita kami ni Kuya Jordan para makag ready ako bukas. Maaga akong bumangon at naghanda ng pagkain para kina Mama at Candy pagkatapos ay umalis. Hindi ko parin nasabi sa kanila na Sa Anton De Luca na ako mag aaral. Ano kaya ang reaksyon ni Candy pag nalaman niya?.
Nandito ako sa park para hintayin si Kuya Jordan ng biglang...
"Rain?... Ba't nandito ka?. May pasok ata ngayon. Nakalimutan mo ba?"
Si Seth. Hindi ko rin pala nasabi sa kanya.
"Eh kasi----"
"Rain!"
Sino naman yun---
"Terrence?... A-anong ginagawa mo dito?"
"Hindi makakapunta si Kuya Jordan, so he sent me instead."
"Pero... Wala ka bang class ngayon?"
"Meron... But I can always ditch whenever I want."
Magsasalita pa sana ako ng biglang nagsalita si Seth. Nakalimutan ko na nandito pala siya. Sorry Seth...
"Teka nga lang... Nag aalala ka dahil may klase siya eh ikaw?. Diba meron ka rin. Pero... Sino ka ba? ."
Sinabihan ko si Terrence na ako na ang explain kay Seth. Bakit kasi hindi ko na lang sinabi kaagad kay Seth.
"Seth. Siya si Terrence kaibigan ko. Alam mo kasi... Hindi na ako sa Gerardo mag aaral."
"Ano?.Why? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"Kasi biglaan din eh. May nag offer kasi sa akin scholarship. Malaking opportunity na iyon. At alam ko gugustuhin yun ni Papa para sa akin. Sorry talaga dahil hindi ko nasabi kaagad sayo."
Nakita ko ang malungkot na ekspresyon sa mukha ng bestfriend ko. Matatagalan yata kami sa pag uusap.
"Rain. Maghihintay lang ako sa sasakyan. Mukhang kailangan niyong mag usap."
Bulong sa akin ni Terrence. Mabuti na lang at naintindihan niya ang sitwasyon ko.
"Galit ka ba? Sorry na... Nahirapan lang kasi akong sabihin sayo eh. Baka kasi iisipin mo na iiwan kita. Alam mo naman na ikaw lang ang tangin bestfriend ko."
Oo. Siya lang ang tanging kaibigan ko. Sa school kase, walang kumausap sa akin dahil sa nangyari nung first day ko doon. Hindi ko naman alam na binutasan ni Candy ang skirt ko gamit ng gunting kaya ang ginawa ko tinahi ko yun. Kaya pagpasok ko sa classroom, sinabihan ako ng weird at walang ni isa ang nakipagkaibigan sa akin. Nung dumating si Seth pilit kong iniiwasan ang sarili ko sa kanya kahit gusto niya talaga akong kaibigan. Kaya ayun.
"Hindi naman sa ganon. May gusto din kasi akong sabihin sayo..."
"Ano yun?"
Tanong ko. Kumunot ang noo niya at bahagyang pumikit. May nangyari ba sa kanya?. Mukhang may problema siya eh. Kinakabahan ako sa sasabihin niya...
"Uhm... W-wala... Diba sabi mo hindi ka na mag aaral sa Gerardo?. Eh saan ka naman balak mag aral?"
Ba't iniba niya ang usapan?. Tsk. Tong si Seth talaga. Kinabahan tuloy ako.
"Sa Anton De Luca na ako mag aaral."
"ANO?!. Diba sabi nila... School for the Rich Kids yun. Grabe ka Rain... Pinag palit mo ako para lang dun"
"Hindi naman. Malaking opportunity kasi ang scholarship eh."
"Sabagay... Matalino ka naman talaga. Tsk. Mamimiss kita bestfriend"
"Alam mo, afford mo kaya dun. Mayaman ka diba?."
Sasagot pa sana siya ng biglang tumunog ang phone niya. Kinuha niya yun at may binasa.
"Sorry Rain... Kailangan ko ng umalis... Baka ma late pa ako eh. Nasaan nba yung lalake kanina?"
Nakita naman niya si Terrence na nakatayo malapit sa isang sasakyan at tumakbong pinuntahan siya. Ano ba balak niya?. Pagkatapos niya itong puntahan ay tumakbo naman siya paalis ng lugar sabay sigaw ng Bye sa akin. Dali dali ko namang pinuntahan si Terrence.
"Sorry Terrence pinaghintay pa kita."
"Wala lang yun. By the way sino ba yun?"
"Ah... Bestfriend ko...Teka,may sinabi ba siya sayo?"
"Oo... Sabi niya siguraduhin ko raw na mabuti ang intensyon ko."
Kulit talaga nitong si Seth. Pinagbantaan pa si Terrence. Pumasok na si Terrence sa sasakyan teka... Siya ba ang magdedrive?
"Pumasok ka na Rain."
Umupo na ako sa tabi niya. Naiilang pa ako ng konti sa kanya. Subukan ko kayang kausapin siya.
"Ahm... Terrence matanong ko lang. How old are you exactly?. Curious lang ako."
"18"
18?. Tapos may sariling sasakyan at may sariling Restaurant?. Grabe... Ang galing naman nun.
"Nagtataka ka siguro bakit may sarili akong restaurant when I'm just only 18. I've always wanted a cafe restaurant since I like to bake and cook kaya for my 18th birthday, binigyan ako ng Mama ko ng sariling Cafe Res."
Wow... Restaurant as a gift?. Normal ba yun?. Ako nga eh relo at payong lang sapat na. Pero ang galing kasi alam niya ang magluto. Parang si Papa... Mahilig magluto. Naalala ko naman siya.
Huminto kami sa tapat ng isang malaking gate... Nasaan ba kami?. Bumukas yun at doon, malawak na lugar at magagandang buildings na maraming students na naglalakad...teka ang uniform na yun. Nandito na ba kami sa Anton De Luca?.
"Actually... Pinapasundo ka talaga sa akin ni Kuya Jordan. He's right here at the moment at inaasikaso ang pag transfer mo."
Woah...sobrang laki ng lugar para tawaging school. Ang ganda tapos ang linis. Akala ko bababa kami pinaandar kasi ulit ni Terrence ang sasakyan.
" Hindi pa ba tayo bababa? "
" Hindi Pa. Area B palang itong nakikita mo. Sa Area A tayo pupunta."
Umikot ang kotse papunta sa left side ng Area tapos may daan na naman papunta sa likod. May gate din dito
" Nandito na tayo sa Area A ng Anton De Luca Institute. "
Napanganga ako sa mga nakikita ko. Mas maganda dito compared sa una. Glass windows, fountain, at elevator.
"Terrence... School pa rin ba to?. Parang hindi eh."
"Oo Rain. Kuya Jordan will explain everything to you."
Nagsimula na kaming pumunta sa isa sa mga building at sumakay ng elevator. Bumaba kami sa 5th floor. Tahimik lamang ang lugar. Sa dulo, may isang pinto. Dun kami pumasok ni Terrence.
"Kuya Jordan... We're here."
//Another Chapter done. Vote and comment guys👍👍👍👍. Tnks for Reading😊//
-LOUISSE💙
BINABASA MO ANG
The Girl In Distress (Slow Update)
Teen FictionAkala ni Rain na ang kasalukuyan niyang buhay ay sadyang mahirap. Little did she know about what is coming ahead and the truth that will break her apart. Highest Rank Achieved : #2 in Distress [ 07/07/19] #4 in Bullied [09/14/19] Started: May 9, 20...