Chapter 34 : Avoid

10 1 0
                                    

"Thanks talaga Rain ha. Sobrang nahirapan talaga ako sa homework namin sa Math kaya naman the food is on me. Kumain ka lang ng kumain. "

Ngiting sabi ni Owen. Nandito kami ngayon sa cafeteria kasama si Terrence, Emma at Arthur. Libre niya lahat ng pagkain namin. He seems to be in a good mood.

" Tsss... Kumain daw eh mukhang kulang pa yata yang binili mo sa sobrang takaw mo. "

" Hoy Emma!. Umalis ka sa table namin, hindi ka kasama sa libre."

" Oh shut up Owen. Nakakahiya kang tignan"

Inabutan naman ako ni Terrence ng sandwich which I gladly accept. Masaya kaming kumakain lahat ng umagaw sa atensyon ko ang pagbukas ng pinto sa cafeteria at niluwal nito si Vincent na papunta sa direksyon namin.

Binati siya nila Terrence at Umupo sa tabi ni Owen.

"Kumain ka na rin Vincent. My treat."

"Gosh. Talagang ipinagmalaki mo pa talaga."

Vincent didn't say anything at kumuha ng isa sa mga pinamili ni Owen na cola.Naalala ko tuloy yung huling pag uusap namin.

Flashback

"Sa tuwing nakikita kita, hindi ko ma explain kung ano ang naramdaman ko. Lumalakas bigla ang tibok ng puso ko. Minsan naman, naiinis ako kapag hindi mo ako pinapansin. Ayokong nasasaktan ka... H-hindi ko alam k-kung a-ano ang ibig sabihin nito..."

Nanatili pa rin akong nakayuko at napahawak sa dibdib ko na malakas ang pagtibok. Naramdaman ko ang mainit niyang kamay na nakapatong sa balikat ko.

"Your Falling"

He said kaya napatingin ako sa kanya.

"A-anong ibig mong sabihin?"

" Your Falling... And I don't know if Its a good thing or a bad thing."

"Ano ba yang pinagsasabi mo?. Hindi ko maintindihan."

Binitawan niya na ako at umiling. A faint smile was painted in his face. Magsasalita pa sana ako when he suddenly lean closer at may binulong sa tenga ko.

"Just give me some time to sort some things and I promise you, I'll be there to catch you."

He said at ginulo ang buhok ko leaving me clueless sa mga pinagsasabi niya.

End of flashback

Napapansin ko rin na hindi niya ako pinapansin. Binati ko siya kahapon at simpleng tango lang ang isinagot niya. Galit ba siya dahil sa sinabi ko?. I was just telling him the truth.

We finished eating at nagkanya kanya na kami. Bumalik ako sa classroom at tinatapos ang mga naiwan kong homework. Mga ilang minuto rin akong nagsusulat kaya nakaramdam ako ng pagod. Mabuti na lang talaga na nabaril ako sa left shoulder at hindi sa right. I was about to take a nap nang pumasok yung history teacher namin at tinawag ako.

"Rain please do me a favor. Pakidala ito sa faculty storage room. I have a meeting to attend at late na ako."

I bit my lip at nagdadalawang isip kung papayag. Hindi pa fully healed yung sugat ko. I turn around at tinignan ang iba kong kaklase. They're all busy doing their own stuff. Mukhang wala akong choice nito.

" Sige po. "

" Thank you so much Rain. "

I watch her leave. Napatingin ako sa dalawang box at dahan dahan itong inangat. Mabigat ito ng konti.

The Girl In Distress (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon