Chapter 12 : Not A Fool

19 4 0
                                    

Sa mga araw na lumipas, makikita mo na nagkakasundo ang ilang elites at average. Pero heto ako, nag iisang naglalad sa hallway dala dala ang mga papers na kailangan kong ibigay sa aming teacher. Hindi muna ako masyadong sumasabay kina Owen dahil parang nagagalit sa akin si Candy at dun ko nalaman na sina Owen, Arthur, Terrence at Vincent ang pinakasikat sa Anton De Luca dahil sila ang pinakamayaman, magaling sa kahit anong sports, at dahil na rin daw sa itsura nila kaya hindi basta bastang makakausap mo sila. Lalong lalo na si Vincent na kapatid ng may ari.

Pero kahit alam ko ang tungkol sa kanila pag kasama ko naman sila ay parang normal lang na students... Except kay Vincent. Laging wala at nakakatakot ang Aura.

"Miss... Eto na po yung homework na hinihingi niyo po."

"Salamat Rain... Makakaalis ka na"

Pabalik na sana ako sa classroom nang makita ko si Vincent na papasok ng school library pero may kakaiba sa kanya. Pa ika ika siya kung maglakad and I noticed his both fist are bleeding. Napaaway na naman ba siya?. Sinundan ko siya papasok at doon siya dumiretso sa pinakadulo kung saan walang masyadong student ang pumupunta. Malaki din talaga kasi itong library. Nagtatago muna ako sa isang book shelf at tinitignan kung ano ang ginagawa niya. Suprisingly, humiga ito sa sahig habang tinakpan niya ang mga mata niya gamit ang braso. He looks in pain at pagod.

Dahan dahan akong lumapit at kinuha ang panyo ko. Kahit man lang na pahiran ko yung dugo na umaagos.
Hahawakan ko na sana ang kamay niya ng bigla siyang bumangon at hinawakan ang wrist ko at napasandal sa pader.

"What the hell are you doing?"

He said while looking at me with those pair of cold eyes at walang ka ekspresyon man lang. Napalunok ako sa sobrang lapit ng mukha niya pero hindi ko iniiwasan ang mga titig niya instead, I saw loneliness.

"May sugat ka kasi---"

Hindi niya ako pinatapos at nag Tsss lang at umalis. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa ulo ko at sinundan ko pa rin si Vincent. Ngayon naman, papunta siya sa Cafeteria at bumili ng bottled water. Umupo siya sa isa sa mga upuan. Sinubukan niya itong buksan pero hindi niya ito nagawa. Dahil siguro sa mga sugat niya. His hands are too weak. He badly needs help.


"Vincent tulungan na kita."


Sabi ko at binuksan yun tapos binigay sa kanya instead na inumin niya, binuhos niya ito sa akin. Bakit ba siya ganyan?. Hindi ba siya masaya na tinulungan ko siya?.


"Why do you always appear infront of me?"


He said at bigla akong kinwelyuhan. Napakagat ako ng labi... He's scary. Nag iba yung mga titig niya. Halo halong galit, sakit at pananabik.


"G-gusto ko lang naman na tulungan ka."



He leaned closer and a smirk formed his mouth. Ewan ko ba kung naririnig niya ang paglakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.




"Tsss. I'm not a fool. Tell me, ano ba talaga ang gusto mo?. Money, Fame...."



Bigla siyang huminto and his hand reached to my neck at hinihimas yun kasabay nang paglapit ng mukha niya sa akin sabay bulong.



".... Or sex?. Yan naman ang gusto ng mga babaeng katulad mo. Am I right? "


H-hindi... Bakit niya sasabihin yun?. Naalala ko siya. Naalala ko nung muntik niya akong... Sa tuwing malalasing siya...kaya naman natatakot ako kapag umiinom siya...Sa lahat ng ginagawa niya, yun ang pinakatatakutan ko.




*slap!!! *



Then it hit me. Nasampal ko si Vincent. Alam kong masakit yun kahit kamay ko ay nasaktan. An angry red mark appeared on his face. Hindi ko mapigilang mapaluha dahil sa sinabi niya at sa mga naalala ko.



"H-hindi ko alam kung b-bakit ka ganyan sa akin... G-gusto ko lang namang tumulong. Pero sana... Sana inisip mo muna ang mga binibitawan mong salita..."



Tuluyan na ngang bumuhos ang mga luha ko. Nakayuko lamang siya habang nakapamulsa. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.



"I'm sorry sa pagsampal ko sayo."



Tuluyan ko na siyang iniwan dun at tumakbong papunta ng C. R.


Ilang minuto din akong nasa loob ng toilet cubicle at umiyak hanggang sa naalala ko na may class akong na miss. I decided na lumabas para naman makapag ayos hindi ko na rin namalayan na natuyo na din itong uniform ko na basang basa kanina.



"Ang landi mo rin noh."



Si Candy ang nagsalita habang nakasandal sa nakasarang pinto.



"Anong ibig mong sabihin?"


"Akala ko mo ba hindi ko nakita ang ginawa mo sa Cafeteria kanina. Bakit ka ba lapit ng lapit kay Vincent!."


Nagulat ako sa biglaang pag sigaw niya. Nagkakamali siya. Si Vincent naman talaga ang unang may ginawang mali.

"Sinubukan ko lang namang tulungan siya eh..."

Bigla niyang hinatak ang buhok ko. Ramdam ko ang matulis niyang kuko sa anit ko.

"Ang lakas ng loob mo na sampalin si Vincent!. Sino ka para gawin yan ha!. Nakakahiya ka talaga!!!."

Sinampal niya ako habang hawak hawak ang buhok ko. Napaluha ako sa sakit. Dahil hindi ko na kinaya ang sakit ay hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at pilit siyang tinulak



"Candy Tama na!!!"



"Bitawan mo ako!. Matagal na akong naiinis sayo!"



Walang bumibitaw sa amin hanggang sa narinig kong may pumihit ng doorknob. Biglang lumuwag ang pagkakapit ni Candy sa buhok ko at tinulak ang sarili patungo sa pader at nawalan ng malay... H-hindi ko maintindihan... Anong nangyari----



" OH MY GOSH!!!"



"Hala si Candy nawalan ng malay."


"Ikaw! Anong ginawa mo sa kaniya!"




Madaming students ang pumasok at tinignan kung ano ang nangyayari. Someone carries her dahil nawalan ng malay. Nanatili akong nakatayo at hindi naintindihan ang nangyayari.



"Kabago bago mo pero nagsimula ka ng away!!!"


"Oo nga. Kasalanan mo kung may mangyayaring masama kay Candy."


Kasalanan ko?. Pero wala akong ginawa... Hinatak ko lang naman siya palayo sa akin dahil nasasaktan ako. Bakit pinag bibintangan nila ako?







-LOUISSE💙

The Girl In Distress (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon