//Yow guys!!! I've decided to make each chapters longer. And also I'm working on a new story... So enjoy reading this chapter po. Vote and comment❤️❤️❤️. //
Palabas ko ako ng building ng maalala ko na naiwan ko pala ang jacket. Nakikita ang braso ko na punong puno ng pasa. Paano ko ito maitatago?. Bakit ba kasi sumama pa ako kay Owen. Yakap yakap ko ang sarili ko at hinahanap ang daan palabas dito sa Lugar ng mga Elites. Napansin ko naman ang mga tinginan ng ibang mga Elites. Nagtataka siguro sila bakit ang isang Average ay napadpad dito.
Mabuti na lamang at malapit na akong makalabas dito kaya nagmadali na ako, baka kasi maabutan pa ako ni---
"Rain! Saan ka pupunta?"
Si Owen. Ba't nandito siya?. Akala ko hinahanap niya sina Terrence... At may dala pa siyang tatlong pizza box. Sorry Owen pero kailangan ko nang umalis.
Tinalikuran ko si Owen at aakamang aalis pero hinawakan niya ako sa braso.
" A-aray... "
Binitawan niya ako at gulat na gulat ang mukha niya habang nakatingin sa braso ko na punong puno ng pasa.
"Anong nangyari diyan?"
"W-wala..."
Akala ko makakaalis na ako pero hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa likod ng isa sa mga building dito.
"Sinong may gawa niyan sayo?"
Tanong niya.
"N-nahulog ako sa hagdan."
Sagot ko. Umupo siya sa damuhan at huminga ng malalim. Bakit ganyan siya?. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya umupo na lang din ako.
"H-hindi ako naniniwala sayo. Rain It's only been 2 days ng magkakilala tayo but you can tell me anything. Makikinig ako. Sige na."
Kailangan ko nga ng makakausap ngayon. Kaya nga tinawagan ko si Seth. Pero nagdadalawang isip ako... Ngayon ko lang nakilala si Owen. Hindi ko alam kong mapagkatiwalaan ba siya. All my life, dalawang tao lang ang pinagkatiwalaan ko. Si Papa at si Seth...
"Alam mo ba na may kapatid akong babae?. Si Ate Olivia. Nasa america siya noon kasama si Papa at Mama habang ako nandito kasama ang Lolo ko. Akala ko, masaya ang buhay nila doon hanggang sa isang araw, umuwi si Mama kasama si Ate. Nagbago ang kapatid ko. Sumunod namang umuwi si Papa. Nalaman ko na lang kaya pala nagbago si Ate dahil sa nangyari sa kanya doon. Si Papa kinukulong niya si Ate at minsan pinagbubuhatan ng kamay. She was abused by our father. Nakikipaghiwalay kasi si Mama dahil si Papa may ibang babae. Ayaw ni Papa kaya naman he abuse them. Galit na galit ako. For 4 years... Yun ang dinanas nila."
Gulat na gulat ako sa mga nalaman ko. Bakit kinukwento sa akin ni Owen ang lahat ng yun. Family matters nila yun.
" Kaya naman sa lahat ng ayaw ko ay ang sinasaktan ang isang tao lalo na t babae. "
Hindi ko mapigilan na mapaluha. Naawa ako sa nangyari sa Mama at kapatid niya. Talagang nasasaktan si Owen sa sinapit nilang dalawa. Mahal na mahal talaga niya ang Mama at Ate niya.
" Ibuhos mo ang lahat ng sama ng loob mo."
Hindi ko na napigilan ang umiyak. Owen... Magtitiwala ako sayo... Dahil sinabi mo nga na magkaibigan tayo.
"Nasasaktan ako...*sniff *... G-ginawa ko naman lahat para... *sniff*...sa kanila pero bakit... Bakit galit parin si Mama?... *T-talaga bang h-hindi niya ako mahal?... *sniff*... Ako lang ang ginaganito niya... Si Candy hindi niya pinagagalitan, kinukulong o ipinagbabawal...Namimiss ko na ang Papa ko. Ang Papa ko na nagmamahal sa akin. Ang Papa ko na siyang pumoprotekta sa akin. *sniff*"
BINABASA MO ANG
The Girl In Distress (Slow Update)
Fiksi RemajaAkala ni Rain na ang kasalukuyan niyang buhay ay sadyang mahirap. Little did she know about what is coming ahead and the truth that will break her apart. Highest Rank Achieved : #2 in Distress [ 07/07/19] #4 in Bullied [09/14/19] Started: May 9, 20...