"S-Sorry, pero hindi po ako ang anak niyo."
Sabi ko pero hindi niya binitawan ang kamay ko na hawak hawak niya. I can see pain in her eyes...Bumuhos ang mga luha niya sabay hawak sa pisngi ko.
"L-Leng... T-tumakas ka na... P-paparating na sila... Parating na si Kuya mo...Masama.... Masama"
Hindi ko alam pero bigla na lamang akong napaiyak. Bigla na lamang siyang napaupo at sinabunutan ang sarili niya. Kaya lumuhod ako at hinawakan siya sa balikat. Naawa ako at parang sumikip ang dibdib ko sa nangyayari sa kanya.
"T-tumayo na ho kayo... Walang masamang mangyayari sa inyo."
Sabi ko. Huminto siya sa pag iyak at hinawakan ako sa magkabilang braso. I bit my lip dahil naramdaman ko ang kuko nito na bumaon sa aking balat.
"Hindi...Hindi...TUMAKAS KA NA!!!... TUMAKAS NA KAYO!!!!"
Sumisigaw na siya kaya natakot ako.
"B-Bitawan n-niyo ako..."
Napapikit ako habang malakas niya akong niyugyog.
"MASAMA!!! MASAMA!!! L-LENG!! PAPATAYIN NIYA TAYO!!!"
"Lola!!! "
"Rain!"
Nakapikit pa rin ako pero naramdaman ko na humiwalay na sa akin ang matanda... Biglang nanghina ang tuhod ko at tuluyan na akong napaupo sa sahig habang tinatakpan ko ang tenga ko...
*BANG!*
"KUYA! DADDY!..."
"BABY JUST STAY THERE!!!"
*BLAG *
*BANG*
*CRASH*
May naririnig na naman ako... Mga putok, sigaw at isang batang babae na umiiyak. Ang sakit talaga nang ulo ko. Parang pinalo nang ilang beses...
"Rain?. What's wrong?!"
Naramdaman kong may humawak sa mukha ko at tinatapik tapik ito nang mahina. I opened my eyes pero instead na makita ko kung sino yun, I saw a dead body of a man. He was lying facing the floor at nakapaligid sa kanya ang maraming dugo. It only lasted for seconds then pumikit ako at dumilat muli and there I saw Vincent looking so worried.
"V-Vincent... Yung matanda..."
Nasa likod lang pala namin yung matanda na umiiyak rin at may binubulong sa sarili. Hawak hawak naman siya ng isang babae.
"S-Sorry sa ginawa nang Lola ko. Hindi niya yun sinasadya..."
Sabi nung babae habang pilit pinapakalma yung matanda. Tinulungan ako ni Vincent na makatayo pero nanginginig pa rin ang tuhod ko sa nangyayari pati na rin sa nakita kong imahe.
"Tinawag n-niya kasi akong anak..."
Sabi ko. Nakakunot ang noo ni Vincent habang tinitignan niya ako.
"Palagi niya yan sinasabi kapag may nakasalubong siya....Pero h-hindi masamang tao si Lola. Sadyang may nangyari sa kanya kaya siya nagkakaganito... Pasensya na talaga..."
"Mas mabuting bantayan mo siyang mabuti. Look at what she's done."
Sabi ni Vincent with authority. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at tinignan ang matanda na umiiyak pa rin at piliy tinatakpan ang tenga. Bakit ganun na lang ang reaksyon ko?. Bakit ba ako umiyak?. At ano yung nakita kong imahe... Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari... Idagdag mo pa yung minsan na naririnig kong mga putok na mukhang galing sa baril.
BINABASA MO ANG
The Girl In Distress (Slow Update)
Teen FictionAkala ni Rain na ang kasalukuyan niyang buhay ay sadyang mahirap. Little did she know about what is coming ahead and the truth that will break her apart. Highest Rank Achieved : #2 in Distress [ 07/07/19] #4 in Bullied [09/14/19] Started: May 9, 20...