It's been days nang huli kaming mag usap ni Vincent. Minsan ko na lang siya nakikita at alam kong iniiwasan niya ako. Ako rin naman, iniiwasan ko na magkasalubong kami. Sa totoo lang, gusto kong mag sorry sa mga sinabi ko sa kanya para kasing nasobrahan yun. Hindi ko naman alam kung paano ko siya kakausapin. Wala rin naman siyang balak magsalita kaya ganito muna kami.
"Rain... Are you sure your not gonna eat?. Tapos na ang exams dapat mag celebrate tayo."
"Wala talaga kase akong gana Emma."
Kanina pa ako binibigyan ng pagkain ni Emma pero wala talaga akong ganang kumain. Ewan ko ba ba't ako nag kakaganito. Nag paalam si Emma na umalis dahil may practice pa siya kaya naman naiwan akong mag isa. Naisipan kong maglakad lakad na muna ng biglang nag text sa akin si Kuya Jordan na puntahan ko siya sa office.
"Nandito na po ako..."
Pagbukas ko nang pinto, sinalubong ako ng yakap ng isang babae. Walang iba kundi si Ate Stacy. Nandito pala siya.
"Hi Rain. I miss you!!!"
"Hello po Ate Stacy."
Kaya pala ako pinapapunta ni Kuya Jordan ay dahil binigyan niya ako ng Invitation card.
"Kuya Jordan, kaninong birthday?. Sayo po ba?"
Tanong ko.
"No. Pretty sure na kilala mo na ang Ama ko right?. Sinabi sa akin ni Arthur at si Dad himself. Its he's birthday that we are celebrating and he invited you."
"T-Talaga po ba?. Alam niyo po Kuya Jordan, mabait po ang Papa niyo."
Ngumiti naman siya sa sinabi ko. Akala ko nakalimutan na ako ni Sir. Cairo hindi pala.
"There will lots of important guest and foreign guest. Kaya naman dapat appropriate ang suot mo sa theme."
Birthday lang naman ng isa sa pinakamayan na tao at imbitado ako. Paano ba yan?. Wala akong alam sa mga ganyan. Tanging sa T. V. lang ako nakakita ng mga ganyang event. Sa pagkakaalam ko, tuxedo's at mg mamahaling dresses ang mga suot nila. Saan naman ako mag hahanap nang ganyan?.
Magsasalita na sana ako ng inunahan ako ni Ate Stacy.
"You won't have to worry a thing. Ako ang bahala sayo."
Ngayong gabi ang sinasabing party. Kailangan ko pang tumakas sa bahay para lang maka alis. Nandito ako ngayon sa bahay ni Ate Stacy at kasalukuyang nandito sa kwarto niya at tinitignan siya na naghahanap ng damit. Sobrang laki ng room niya may malaking bed may sofa at T. V din sa loob. May seperate room siya kung saan andun ang mga mamahaling damit, ibat ibang klase ng sandals at jewelries.
"Look Rain, I think this dress will suit you."
Pinakita niya sa akin ang isang royal blue dress na may sleeves na see through tapos tube kagaya nung kay Elsa. Below the knee yung dress tapos may maliliit na snowflakes design sa baba na pinatungan naman ng see through na tela. The dress is so magical parang ginawa ito para isuot sa isang snow princess.
"Ate Stacy... Sobrang ganda po ng damit nato. Siguro ang mahal nito... Okay lang po ba talaga na suotin ko to?"
Tanong ko habang hinawan ang damit na nakahiga sa kama.
"Of course you can wear it. Look Rain, most of my dresses here are my own designs. Baka nakalimutan mo na I'm quite a famous designer sa Paris."
Oo nga naman. She's a fashion designer and a model. Pero ang isang kagaya ko ang susuot nang isang mamahaling damit... Babagay kaya ito sa akin?.
BINABASA MO ANG
The Girl In Distress (Slow Update)
Novela JuvenilAkala ni Rain na ang kasalukuyan niyang buhay ay sadyang mahirap. Little did she know about what is coming ahead and the truth that will break her apart. Highest Rank Achieved : #2 in Distress [ 07/07/19] #4 in Bullied [09/14/19] Started: May 9, 20...