Chapter 24 : He Found Me

19 1 0
                                    

Arthur's POV



It's been exactly three days nang huling makita namin sa Rain. Hindi siya pumasok nang school. Sinubukan namin siyang tawagan pero hindi siya sumasagot. Kahapon lang ay tinawagan niya si Owen pero agad din na binaba.

"Nag aalala talaga ako sa kanya... Paano kung may nangyaring masama... Baka magaya siya sa Ate ko."

Sabi ni Owen na bakas sa mukha ang pag alala. What happened sa Ate niya sobrang nakakaawa. Abused by her own father kaya naman ganyan ang pag alala ni Owen sa kanya lalo na naging malapit na siya kay Rain, kaming lahat ay napalapit sa kanya. She's not like other girls na nakipag kaibigan dahil mayaman kami. She's different.

"Owen calm down... Baka masama ang pakiramdam niya and decided not to come."

Terrence said. Biglang tumayo si Owen at ginulo ang buhok.

"Nakita mo naman siguro ang mga pasa at sugat niya. Sinabi ko sa inyo she's being abused. Nasabi na rin niya sa akin noon she won't admit it... Ayaw niya na nag aalala tayo sa kanya."

I sigh habang pinapakalma si Owen.

"Maghintay lang tayo sa sasabihin ni Kuya Jordan. Sabi niya he'll fix everything before he will go to paris."

Wala ni isang nagsalita sa amin. Were all worried... Worried sa kaibigan namin na may pinagdadaanan. Nasira ang katahimikan nang biglang pumasok si Vincent and as usuall may pasa sa mukha at dumudugo ang kamao. Nakikipag away na naman. Kailan ba niya balak tigilan ang kabaliwan niya. Humiga siya sa katabing sofa na inuupuan ko. Kung nagtatanong kayo kung nasaan kami, Nandito kami sa bahay nila Vincent at Kuya Jordan. Wala si Tito Cairo dahil bumalik na nang Italy for work.

"Guys... I've made my decision."

Hindi namin napansin na nasa harap na pala namin si Kuya Jordan.

"We're going to get Rain from her house. Hihingi tayo ng tulong sa pulis."

Napansin kong umupo si Vincent mula sa pagkahiga at nalilitong tinignan ang kapatid niya.

"What happened?"

Seryosong sabi niya na ikinagulat namin. Simula nung nangyari ang araw na yun, Vincent changed. Walang pake sa sarili at sa iba the fact na nag tanong siya means he cared a little for Rain which is new.

"We haven't seen her for three days. At nalaman namin na she was being abused mukhang she's in a dangerous situation ngayon."

Sabi ni Terrence na nanatiling kalmado habang sinasabi yun. Out of us, siya talaga ang pinaka kalmado minsan naiisip ko kung may kaluluwa pa ba yan. Matapos magsalita ni Terrence ay agad na tumayo si Vincent at nagmadaling lumabas nang bahay na ikinatataka ko.

"Let's follow him... Mukhang alam niya kung nasaan siya."

Hindi na kami nagsalita at sinundan siya at sumakay sa sarili naming sasakyan. Bakit nasabi ni Kuya Jordan na Alam niya kung nasaan si Rain?.

Nakapagtataka....





**************************





Rain's POV

Hindi ko na alam kung ilang araw na ako nakakulong dito sa magulo kong kwarto. Nasa isang sulok lang ako habang yakap yakap ang binti ko at hawak hawak ang isang bagay na naging kasama ko dito.

Nung araw na nalaman ko na hindi nila ako totoong anak ay kinulong ako ni Mama dito. Sinubukan kong tawagan si Owen para humingi ng tulong pero kinuha ni Mama ang cellphone ko. Hindi ako binibigyan nang makakain o kahit tubig man lang at nung nag away si Mama at Uncle Felix ay pumasok si Mama sa kwarto at ako ang binuhusan niya nang galit. Hinang hina ako at gutom. Wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak.

The Girl In Distress (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon