Nakahiga ako sa kama at sinubukang matulog pero nawala na yung antok ko. Akala ko ba nagaalala siya sa akin?. Bigla bigla na lang umaalis siya. Hay... Ang laki laki ng bahay nila pero wala namang katao tao.
"Hmmmm...Ang bango..."
Umupo ako sa pagkakahiga at napapikit habang pumasok sa ilong ko ang mabangong amoy nang ulam. Nagutom tuloy ako...Nagluluto siguron si Manang Fe.
Lumabas ako nang kwarto at pumunta nang kusina.
"Manang Fe ang bango----Vincent?!" Napalakas yung boses ko nung binangit ko ang pangalan niya kaya napasulyap siya sa akin pero binalik ulit ang atensyon niya sa pagluluto.
Marunong pala siyang magluto?. In fairness... Bagaybsa kanya ang naka apron. Haisssttt... Ang sarap siguro nun. Nagugutom na talaga ako...
*Growlll*
Napahawak ako sa tiyan ko at iniiwasan ang tingin niya. Pinahiya talaga ako ng tiyan ko. Sana hindi niya narinig. Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad paalis nang kitchen nang tinawag niya ako.
"Where are you going?"
"Sa kwarto... Matutulog."
"I thought your hungry?" Inaasar talaga niya ako. Kitang kita naman sa mukha niya. Narinig niya talaga yung kanina.
Hindi ako nagsalita at kumuha na lamang ng plates na gagamitin namin at nilapag yun sa table. Umupo ako habang nilagay niya sa lamesa yung niluto niya. Tuna pasta ang niluto niya at hindi ko alam kung masarap ba ito since ngayon ko lang ito matitikman.
"Kumain ka na" he said at inalis ang suot suot niyang apron at umupo.
Kumuha ako nang maliit na portion at tinikaman ito... Ang sarap!!!. Magaling talaga siyang magluto... Saan kaya niya ito natutunan?. Marunong naman akong magluto pero malayong malayo ito sa kanya.
Kumain lang ako nang kumain at walang nagsalita sa amin hanggang sa nabusog ako.
"May dumi ka sa mukha..."
Sabi niya at inabutan ako nang tissue pero hindi ko kinuha yun at kumuha nang sarili kong tissue. Tumayo siya at kinuha ang plate niya at kukunin na sana yung sa akin pero inunahan ko ito. Hindi ko alam bakit bigla ko yun ginawa basta bigla na lang lumabas sa isip ko yung naguusap sila nung babae...
"Kasama mo pala si Owen kanina?."
"Oo" sabi ko na nasa ibang direksyon na nakatingin.
"Why didn't you say na pupunta ka nang library?. Alam mo naman na ako ang mag uuwi sayo sabi ni Jordan"
"Nakalimutan ko"
"Did you enjoy his company?"
"Oo"
"May problema ka ba?" he said na may halong pagkairita ang tono.
"Wala." Why am I acting this way?. Naiirita ako sa mga kinikilos ko pero hindi ko naman mapigilan.
"Then why the f*ck you won't talk to me?" pasigaw niyang sabi... He's mad.
"Ba't mo ba ako sininigawan?. Nakakainis ka. Why won't you speak in a calm and friendly way kagaya nung babae kanina."
It's too late nang ma realize ko ang mga salitang binitawan ko. Nakataas ang isang kilay niya at binibigyan ako nang what do you mean look.
Tinalikuran ko siya at napahawak ako sa mukha ko. Nakakahiya... Bakit ko ba sinabi yun?.
" Are you jealous?" he teasingly said kaya hinarap ko siya.
BINABASA MO ANG
The Girl In Distress (Slow Update)
Teen FictionAkala ni Rain na ang kasalukuyan niyang buhay ay sadyang mahirap. Little did she know about what is coming ahead and the truth that will break her apart. Highest Rank Achieved : #2 in Distress [ 07/07/19] #4 in Bullied [09/14/19] Started: May 9, 20...