Chapter 14 : Felix

14 2 0
                                    

Rain's POV

Simula nung nangyari kay Candy, hindi na ako pinapansin ng mga kaklase ko kahit ng ibang students. Masama ang tingin nila sa akin. Mas gumulo ng malaman ng ibang students na nasampal ko si Vincent. Dahil dun, nakatanggap ako ng mga hate letters araw araw sa locker ko kadalasan ay sinasabihan na lumayo ako sa kanila dahil malandi ako. Pero kahit naman na lumayo ako eh sila naman ang lumalapit sa akin lalong lalo na sina Owen, Terrence at Arthur.

Pero ang kinalulungkot ko, ay ang hindi na pag contact sa akin ni Seth. Hindi na niya ako tinatawagan kung ako naman ang tatawag ay walang sumasagot. Hindi naman niya siguro ako iniiwasan.

Kasalukuyan, nandito ako sa bahay at hinuhugasan ang pinagkainan nila Mama ng biglang may kumatok sa pinto.

"Rain!!!. Ano ba. Hindi mo ba naririnig yun?. Buksan mo ang pinto!"

Sigaw ni Candy habang nanonood ng T. V. Nagmadali akong binuksan ang pinto. Nanghina ako nang makita ang taong kasama ni Mama.

"Tiyo Felix..."

Pumasok silang dalawa ni Mama sa kwarto. Pero bago niya sinara ang pinto lumingon siya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Akala ko hindi na siya babalik. Iniwan siya ni Mama dahil hindi niya kayang bigyan si Mama ng Pera at ng mga gusto niya. Kaya laking gulat ko nang makita silang dalawa at magkahawak ang kamay. May pagbabago kay Tiyo Felix. Mas dumarami ang tattoo niya at may hikaw na rin siya at higit sa lahat, mas lumaki ang pangangatawan niya.



Nakatingin ako sa dalawang litrato na nakapatong sa isang mesa malapit sa kama ko. Yung usa ay kaming dalawa ni Papa at ang isa ay yung kami naman ni Seth. Nagtataka pa rin ako kay Seth. Hindi ko na talaga siya nakakausap. Baka nga eh nag change yun ng number. Hindi naman niya siguro ako nakalimutan. Namimiss ko na ang bestfriend ko.

Habang nakatingin lang ako sa dalawang litrato, bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Rain pupunta kami ni Candy sa salon, ikaw na ang bahala sa bahay. At magluto ka na rin nang hapunan. Kailangan pagdating namin may pagkain na. Ikaw na ang bahala sa Tiyo Felix mo. "

Sabi ni Mama at lumabas. Sinundan ko sila at nagpumilit na sumama. Ayokong maiwan kasama si Tiyo Felix. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari basta hindi pwede.

" Mama... S-sige na po... "

" Matigas din talaga yang ulo mo. Sinabi nang hindi. Tse. Bitiwan mo na nga ako."

Wala na akong nagawa. Kaming dalawa ang naiwan dito. Dahan dahan akong pumunta sa kwarto ni Mama at doon, si Tiyo Felix natutulog. Nakainom ito dahil may iilang bote sa ilalim ng kama. Dahil tulog pa siya, dali dali akong nagluto para hindi niya ako maabutan sa kusina mabuti na lang at nung natapos ako ay tulog pa rin siya. Umakyat na ako sa kwarto at nakatulog.





*BLAG!!!! *




Napamulat ako at napabangon sa pagkakahiga dahil sa ingay. Nung binuksan ko ang pinto, Nasa labas si Tiyo Felix at dumurugo ang mga kamay nito sa sahig ay isang basag na salamin.

"A-ano po ang nangyari---"

Hindi na ako nakapagsita ng bigla niyang hinila ako pababa ng hagdan gamit ang buhok ko. Mga apat pa na baitang bago makarating sa baba ay bigla na lang niya ako binitawan kaya nagpa gulong gulo ako. Ramdam ko ang sakit sa braso, hita at binti ko.

Hindi ko na napigilang umiyak. Pababa na siya sa hagdan kaya mabilis akong tumayo pero nahawakan niya ako sa balikat at inihirap ako sa kaniya.

"Akala mo ba nakalimutan ko ang ginawa mo sa mukha ko hayup ka!."

Naalala ko. Nung isang araw na lasing na lasing siya at pumasok sa kwarto ko. Naramdaman ko na may humawak sa binti ko paakyat sa hita kaya mabilis akong bumangon. Bigla niyang tinakpan ang bibig ko at hinihimas himas ang mukha ko pababa sa leeg at inaanoy amoy ang buhok ko. Iyak ng iyak lang ako. Nakita ko si Candy na sa labas at alam ko na nakita rin niy ako pero imbes na tulungan, tinalikuran niya ako. Akala ko katapusan ko na. Mabuti na lang at may mabasaging vase ako at yun ang ginamit ko pang hampas sa ulo niya. Dumaan ang isang parte ng basag na vase na hawak ko sa mukha niya kaya nagkaroon ng malaking sugat.

"Nang dahil sayo, kinatatakutan ako!!!. Bwiset ka!."

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa balikat at biglang hinampas sa pader na may malaking picture frame. Dahil sa malakas na pagkahampas, nabasag yung frame. Puno ng galit ang mga mata niya.

"Maawa na po kayo, bitawan niyo po ako..."

Pagmamakaawa ko pero hinampas niya lang ako sa sahig. Naramdaman ko ang paghapdi sa tagiliran ko. Kahit na masakit na masakit na yung katawan ko ay pilit akong tumayo at pumunta sa pinto palabas ng bahay. Sakto naman na dumating sina Mama at Candy.

" M-Mama..."

Nakita ko ang pagkagulat sa muka ni Mama.

"Ano ang nangyari sayo?"

Sabi niya at tumakbo papunta kay Tiyo Felix na nakaupo habang minamasahe ang ulo.

"Argh... Sorry Tina, Masakit ang ulo ko kaya hindi ko masyadong maaninag ang dinaraanan ko."

Sabi ni Tiyo Felix at tinulungan siya ni Mama papasok ng kwarto. Ayan na naman siya sa pagsisinungaling niya. Bakit kailangan pa niyang magsinungaking eh kahit naman malaman ni Mama ang totoo siya pa rin ang pakikingan.

" Tsk tsk tsk... Hay... Kawawang Rain. Goodluck na lang sayo."

Sabi ni Candy sabay pasok sa kwarto niya. Maya maya ay lumabas si Mama at hinila ang buhok ko.

"Diba sabi ko ikaw na ang bahala kay Felix?. Bakit hindi mo siya kayang alagaan ha?. Nagtatamad tamaran ka na naman. Hindi ka prinsesa dito. Kaya gawin mo ang lahat na ipinag uutos sayo!!!. Linisin mo yang kalat diyan at huwag na huwag kang lalabas ng kwarto mo!. Ayaw ko makita yang pagmumukha mo. "




-LOUISSE💙

The Girl In Distress (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon