Chapter 32 : Don't You Dare

8 1 0
                                    

Dalawang araw simula nung nawalan ako nang malay. Palagi ko iniisip yung imahe nung lalakeng duguan. Yung mga sinasabi sa akin nang matanda ay bumabagabag rin sa akin. These days, Im really curious about who I am and about my real family. Walang sinabi sa akin si Papa kaya talagang mahihirapan akong malaman ang pagkatao ko.

"Rain? Why aren't you eating?. Hindi ka ba nagugutom?"

Bumalik ako sa realidad ng magsalita si Emma.

"Hindi pa naman Emma. Kumain ka na lang muna diyan."

Sabi ko. Nandito kami ngayon sa mall. Nagyaya kasi siyang mamasyal. Wala naman akong ginagawa kaya pumayag na ako.

Nagpasyal pasyal kami tapos pumasok sa mga mamahaling stores. Haysst.... Marami rami din ang binili ni Emma. Gusto niya sana ako bilhan pero hindi ako pumayag. Pagkatapos ay nanood din kami ng movie. Natapos ang pinanood namin na nakaramdam ako ng gutom kaya niyaya ko siya na kumain na muna since it's already lunch time.

Papasok na sana kami sa isang restaurant nang may nahagip ang mata ko na isang pamiliar na mukha. Dali-dali ko itong sinundan papunta sa labas ng mall sa may parking lot. May tinatawagan siya kaya naman nagtago ako sa isa sa mga kotse.

// Hello?...

Talaga?...

sige,papunta na ako. Magbabayad si Vincent Lucciano sa ginawa niya. Tignan lang natin kung matatalo pa niya ako.... //

Si Vincent?!. Bakit niya kilala si Vincent?. Sino ba ang lalaking to?. Bakit pamiliar siya?. Kailangan itong malaman ni Vincent, I have a feeling na may mangyayaring masama.

Bilis kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Vincent.

//Hello?... //

//Vincent----//

Hindi ko natuloy ay sasabihin ko nang may biglang humablot ng phone ko. Sa di inaasahan, yung pamiliar na lalake pala yun. Nakita niya ako.

"Akala mo hindi ko alam na sinusundan mo ako?. Sino ka at bakit---"

Nahinto siya sa pagsasalita dahil sa boses na nang galing sa telepono.

//Hello?... Rain?... Why aren't you talking? //

Binaba niya kaagad ang tawag ngumisi.

"Kung sinuswerte ka nga naman. Kilala mo pala si Vincent Lucciano. Kaano ano ka ba niya? Girlfriend---AH!. Kaya pala pamiliar ka sa akin. Ikaw yung babaeng kasama niya nung araw na muntikan niya na akong mapatay."
(Refer to Chapter 19)

"A-anong ibig mong sabihin?"

Nanginginig kong tanong. Gustuhin ko namang umalis pero nakahawak ang isang kamay niya sa wrist ko.

"Hindi mo ba naalala?. Ako yung estudyanteng muntikan na niyang mapatay. Kung hindi ka dumating baka sa sementeryo na ang bagsak ko."

Kaya pala pamiliar siya. Ibig sabihin ba nito ay gaganti siya?. Nakaramdam ako nang sakit sa pagkakahawak niya kay naman nag pumilit akong kumawala. Pero imbes na bitawan, tinakpan niya ang bibig ko at pilit pinapasok sa isang sasakyan. Kahit anong gawin kong pagtakas ay hindi ko magawa dahil mas malakas siya sa akin.

"Ano ba!. Bitawan mo ako!!!. Ano ang gagawin mo sa akin!!!. TULONG!!! TULONG!!!"

Sigaw ako ng sigaw at hinahampas ang bintana when I felt something hard hit my head and everything went black.

Nagising ako sa matinding kirot na naramdaman ko sa ulo. Teka... Bakit hindi ako makagalaw?... At nasaan ako?.

" Gising ka na pala..."

The Girl In Distress (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon