Chapter 13 : Pretend

20 4 0
                                    

"Uhm... Mr. Jordan Lucciano, Nandito na po si Rain Cruz ang sinasabi ng students na nagsimula ng gulo sa girl's room."

Sabi ng Principal na halatang kinakabahan na kaharap si Kuya Jordan. Kahit naman ako ay kinakabahan siya ang owner, makapangyarihan siya.

" Thanks. You may now leave. "

Naiwan akong nakatayo at nakayuko sa harap ni Kuya Jordan. I don't know kong dapat ko pa ba siyang tawagin na Kuya sa nangyari ngayon.

"Uhm... Ku--- S-Sir Lucciano, Sorry po sa nangyari ngayon."

I said and bit my lip to avoid any liquid escapes my eyes. Narinig ko ang pag galaw ng upuan at mya yabag ng paa palapit sa akin. Pagkatapos naramdaman ko na lang may humawak sa magkabilang balikat ko.

" Rain... Sabihin mo sa akin ang nangyari and please, don't call me Sir. Call me what you usually do."

Umupo na muna kami sa isang sofa na malapit sa isang aquarium. Nakayuko pa rin ako. Hindi ko kayang tignan si Kuya Jordan.

"Sige na. Tell me everything."

Sinabi ko sa kanya ang lahat. Simula nung nakita ko si Vincent sa library, nung tinulungan ko siya sa Cafeteria, yung mga sinabi niya sa akin at ang nangyari sa amin ni Candy.

"K-Kuya... Maniwala po kayo. Wala po akong ginawang masama kay Candy. Bigla na lamang po siya nawalan ng malay. H-hindi ko po alam bakit."

Hindi ko na napigilang umiyak habang sinasabi ko yun. Hinahaplos naman niya ang likod ko na mas lalo pang nagpaiyak sa akin.

" Look I believe you. And for what Vincent had done, ako na ang humihingi ng Sorry. You see... He's been through a lot pero hindi excuse yun na gawin niya yun sayo. He's not like that before."

He's not like that before?. Ano naman ang nangyari sa kanya noon na nakapagbago sa kanya. Is it that bad para manakit siya?.

" Ano po ba ang nangyari kay Vincent?. "

Tanong ko.

"Sa susunod ko na lamang sasabihin. As for your classmate Candy, we don't know what happen but Rain naniniwala ako sayo."

It's nice to hear that from Kuya Jordan. Na naniniwala siya sa akin. Kahit paano may isang tao na kumakampi sa akin.

"Owen, Arthur. I know your there. Pumasok kayo."

Nakikinig pala sa amin silang dalawa?. Pero hindi ko naman napansin. Pumasok sila sabay tingin sa akin.

"Kuya, kailangan niyang pumunta ng Clinic. May mga scratches siya sa leeg."

Sabi ni Arthur sabay turo. Hinawakam ko ang leeg ko at nakaramdam ako ng hapdi. Hindi ko napansin.

"Sige... Nasaan pala si Terrence?"

"Kasama si Vincent. Nakipag away na naman. Hayyy... Ewan ko ba sa kapatid mo."

Sinamahan naman ako nina Arthur at Owen papuntang Clinic. Gising na kaya si Candy?. Sana okey lang siya. Sana walang masamang nangyari....

Nakarating na kami sa wakas sa clinic. Sinabi ko naman na Iwan na nila ako dahil kaya ko na. Mabuti na lang at napapayag ko si Arthur at siya na ang bahala kay Owen na ayaw umalis. Pumasok ako at umaasang gising na si Candy--

"Mabuti na lang talaga at walang nangyaring masama sayo. Masakit pa ba ang ulo mo?"

"Oo... Konti. Napalakas kasi ni Rain ng hampas ang ulo ko sa pader."

A-ano?. Bakit yan ang sinasabi niya. Wala akong naalala na tinulak ko siya. Siya pa nga yung nagsimula.

"I hate her. Akala ko mabait yun pala ay malandi. Yung una sina Owen at Arthur tapos si Vincent?. Subukan niya lang lumapit kay Terrence kakalbuhin ko talaga siya."

"Sige Candy. Aalis na kami kailangan mong magpahinga."

Nagtago naman ako at hinintay umalis ang mga kaibigan niya. Maya maya ay pinuntahan ko si Candy.

"At bakit ka nandito?. Umalis ka nga."

"Candy... Alam mong hindi ko---"

Hindi niya ako pinatapos. Tumayo siya at hinarap ako.

"Sinadya ko yun."

"Bakit?"

"Simple lang. Hindi kita gusto. Naiinis ako sayo."

Dahil lang sa hindi niya ako gusto?. Pwede naman niya ako hindi pansinin. Bakit kailangan niyang mag sinunggaling.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang taong hindi ko inaasahang dumating.

"Candy!"

Tumakbo siya papunta kay Candy at tinitignan kung may sugat ito. Pagkatapos ay bigla na lamang akong hinampas ng dala niyang bag.

"Bakit mo ba ginawa yun kay Candy? Paano kung napahamak siya dahil sa kagagawan mo?. Napaka walang hiya mo talaga. Pag dating natin sa bahay. Dumiretso ka sa kwarto mo at hindi ka kakain ng tatlong araw maliwanag!"

"Pero Mama, wala naman po akong ginawang---"

Sinampal lang naman niya ako at hinawakan ng mahigpit ang braso ko.

"Tumahik ka diyan!. Tandaan mo, kapag nangyari to ulit, hindi ako magdadalawang isip na palayasin kita sa bahay."

Niyakap ni Mama si Candy na ngayon ay umiiyak. Panay sabi ni Mama na wala ng mananakit sayo at gagamutin ko ang sugat mo. Samantalang ako, kahit yakap man lang.... Wala.

" Mama naman... Bakit ba hindi niyo ako pakikingan. Nagsisinungaling po si Candy hindi ko naman po talaga siya---"

Hindi ko aakalain ang sunod na ginawa sa akin ni Mama, hinatak niya ang buhok ko at pilit ako pinaluhod.

"Lumuhod ka at humingi ng tawad kay Candy. Wala kang karapatan na sabihin na sinungaling siya!!!.Kung gusto mo pang mabuhay, sabihin mo!!!"

Para matapos na at makaalis ako, sinunod ko ang sinabi ni Mama. Ang lumuhod at humingi ng tawad.


Owen's POV

Pabalik na kami ni Arthur sa Office ni Kuya Jordan pero nag aalala pa rin ako kay Rain.

" Arthur, Mauna ka na may pupuntahan lang ako. "

Tumakbo ako pabalik ng Clinic nang nakita ko si Vincent nakatayo sa labas ng pinto. Tsk. Malaki ang pinagbago niya. Hindi na siya ang Vincent na kilala ko.

"Vincent...Anong ginagawa mo diyan?"

Tanong ko. Tinignan niya ako ng ilang segundo tapos ay naglakad palapit sa akin.

"I hurt my hand. Walang tao sa clinic kaya aalis na muna ako."

Sabi niya. Eh nasaan si Rain?. Napagamot na kaya niya ang sugat niya?. Before I knew it, Iniwan na ako ni Vincent hahanapin ko na lang muna si Rain. Aalis na sana ako nang bumukas ang pinto ng clinic. Teka akala ko walang tao?. Eh bat nandito si Rain.

"Rain... Okey ka lang----"

May kakaiba sa kanya. Magang maga ang pisngi at pulang pula ang mukha. Anong nangyari?. Sino ang may gawa niyan?. Magtatanong sana ako ng bigla siyang ngumiti at naglakad palayo sa akin.

Gusto ko sana siyang habulin at makausap pero sa tingin ko, gusto niya munang mapag isa. Tsk. Si Vincent talaga ang nagsimula ng lahat ng ito.








-LOUISSE💙

The Girl In Distress (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon