*Bang! Bang! Bang! *
Ayan na naman ang tunog ng putok. Wala akong makita pero dinig na dinig ko ang mga putok na mukhang galing sa baril.
Mommy!!!. Kuya!!! Daddy... I'm Scared.
Sino ka?... Bakit naririnig kita?...
Where's Daddy?...
Please... Tumahimik ka!. Lumayo ka sa utak ko!
*BANG! BANG! BANG! BANG! *
Binuksan ko ang mga mata ko at napaupo. Hingal na hingal at punong puno nang pawis ang mukha ko. I pulled out my hair at napapikit nang biglang sumakit ang ulo ko. Ano ba itong naririnig ko?. Hindi ko boses ito.
Tumayo ako at sumandal sa pader para makalakad nang tuwid. T-teka... Nasaan ako?. Hindi ko to kwarto---
Oo nga pala nasa condo ako ni Vincent. Sa naalala ko, nakatulog ako sa couch pero ba't nandito ako sa kama niya?. Ibig sabihin... Binuhat niya ako?. Nakakahiya naman...
Lumabas ako nang kwarto at sa couch talaga natulog si Vincent. Sakto naman nang biglang may nag doorbell at nagising si Vincent napansin niya akong takatayo kaya ngitian ko siya at dumiretso ito sa pinto.
"Yow!!! Bagong gising"
Sa boses pa lang, alam ko na si Owen yun. Dahan dahan akong nagtungo sa kitchen niya para uminom ng tubig kinuha ko yung glass and was about to pour some water nang may narinig akong mahinang tunog nang putok at may sumigaw. Hindi ko masyadong maintindihan ang sigaw nung boses kaya nabitawan ko yung baso.
"Rain...what happened?"
Nagtatakang tanong ni Vincent. Sa likod niya ay sina Arthur, Terrence at Owen.
"N-nabitawan ko lang yung b-baso... Huwag kang mag alala lilinisin ko ang k-kalat."
Nataranta akong lumuhod at damputin ang basag na baso nang pinigilan ako ni Vincent. He held both of my arms at pinatayo ako. Nakatingin lang ako sa sahig at parang wala sa sarili.
"Vincent anong nangyari sa kanya?"
"Why is she acting like that?"
"Dalhin kaya na natin siya sa ospital"
"Rain... Look at me. Sh!t what's wrong with you?" Bumalik lang ako sa katinuan nang mapansin ko ang bakas nang dugo sa paa ni Vincent kaya napatingin ako sa kanya.
"V-Vincent... Ang paa mo."
Inalayan niya ako at si Terrence para umupo sa couch habang si Owen at si Arthur ang naglinis. Kitang kita ko ang sugat niya na nagdurugo.
"Pasensya na... Kasalanan ko----"
"It's fine. What the hell happened to you?."
Tanong niya habang inabutan siya ni Owen nang isang tela at ginamit niya yun para pahiran ang dugo sa paa.
"Ah... Aksidente ko lang nabitawan ang baso. W-Wala na kayong dapat ipagalala. Hehehe..." please lang huwag na kayong magtanong pa...
"Sigurado ka ba?. Ba't ang putla mo tapos mukha kang nakakita ng multo kanina?. Baka masama ang pakiramdam mo..."
"Medyo masakit yung ulo ko kanina pero wala na ngayon. "
Sabi ko kaya tumahimik na siya. May inabot sa akin si Terrence na paperbag na may laman na mga damit. Tumawag kasi siya kagabi at nalaman na nandito ako. Sinabi naman ni Vincent ang nangyari.
BINABASA MO ANG
The Girl In Distress (Slow Update)
Подростковая литератураAkala ni Rain na ang kasalukuyan niyang buhay ay sadyang mahirap. Little did she know about what is coming ahead and the truth that will break her apart. Highest Rank Achieved : #2 in Distress [ 07/07/19] #4 in Bullied [09/14/19] Started: May 9, 20...