Chapter 3 : The One Who Helped

38 6 0
                                    

"Dito po ba talaga tayo kakain?"

Pangatlong tanong ko kay Kuya Jordan. Kanina ko lang nalaman na he's 23 years old. Akala ko pa naman kasing edad ko lang siya.

"Yes... Actually I know the owner of this cafe restaurant."

Wow... Kilala niya ang may ari. Maganda naman dito. Halatang mamahalin. Hindi gaanong kalaki at yung designs... Parang nasa isang hardin. Yung mga tables at chairs ay gawa sa wood at may mga ibat't ibang klaseng halaman ang nakapalibot sa lugar. It was very calming.

"Kuya Jordan? Is that you?"

Napalingon ako sa nagsalita. A guy na mukhang kasing edad ko. May suot na salamin at naka simpleng dark blue polo shirt at short jeans.

"Terrence!. Ba't ka nandito?. Akala ko kasama mo sina Vincent?"

"Kuya... Nag d-drama parin ang kapatid mo. It's better if we just leave him alone. By the way. Who is she?. Is she..."

Biglang napaubo si Kuya Jordan nagtataka naman ako kung bakit.

"N-No... She's not what you are thinking. She's just a friend."

"Ah... Akala ko pinag palit mo na si Ate Stacy. Napaka wild pa nun."

"Sinabi mo pa."

Na out of place na ako. Hindi ba nila napapansin. Hay naku Rain. Bakit ba naman kasi pumayag ka na sumama sa kanya.

"Kumain ka na ba?. Sabayan mo na kami."

Aalis na ba ako?. Baka may kailangan pa silang pag usapan. Makainom na nga lang ng tubig---

"Ah...Rain I'm sorry. He's Terrence Montecarlo ang owner ng lugar na to. Actually, he's my brothers friend. Terrence, meet Rain siya ang nakahanap kay Softie. "

Halos maibuga ko ang iniinom kong tubig. Owner?. Eh ang batang bata pa niya kaya.

"H-Hello po."

"Naku Rain... Huwag ka nang mag po. Kasing edad mo lang yang si Terrence."

Napatingin naman ako kay Terrence. Nakangiti ito sa akin...Nahihiya ako. Kailan ba ako makaka alis dito.

"Masarap ba ang pagkain dito Rain?"

"Opo Kuya Jordan. Ngayon lang ako nakatikim ng ganitong kasarap na pagkain."

Ang sarap talaga ng lasagna nila tapos yung pizza at spicy chicken. Parang nasa langit ako habang kumakain.

"I'm glad nagustuhan mo. Mamaya may dessert pa."

Sabi naman ni Terrence. Mabait din itong si Terrence. Parating nakangiti at pala kaibigan.

Minutes passed nakita ko ang paparating na waiter na may dalang tray. Accidentally, natapilok ito at natapon ang dala niya. Hindi ko napigilan amg sarili ko at tinulungan siya.

"Kuya tulungan ko na po kayo."

"H-huwag na po... Costumer po kayo. Hindi pwede po, lagot ako sa may ari."

Hindi ako umalis at pilit na tinulungan siya baka masaktan siya sa mga nagkalat bubog.

Kukunin ko na sana ang tray ng may humawak sa kamay ko.

"Rain... Tumayo ka na diyan. Let me handle it."

Nakinig na lamang ako kay Terrence at bumalil sa kinauupuan namin. Maya maya si Terrence bumalik na rin.

"Rain.. You don't have to do it."

Sabi sa akin ni Kuya Jordan.

"Pero kailangan eh. Wala pong ni isa ang tumulong."

Dumating na rin ang inorder nila na dessert at sinimulan na namin itong kainin.

"Rain...Gusto mo bang mag aral sa Anton De Luca?"

Napahinto ako at nabigla sa tanong ni Kuya Jordan.

"Po? Anton De Luca Institute?."

"Yup"

Diyan nag aaral si Candy. Isa sa pinakasikat na school dito. Diyan nag aaral ang mga anak ng mayayaman. Hindi ko nga alam bakit dun nag aaral si Candy eh hindi naman kami ganon ka yaman mga average siguro. Maraming gustong makapag aral dun.

"P-pero... Ba't niyo po yan natanong?"

"That school is owned by his family."

Ano?

"Yes. Terrence is right. Anton De Luca Institute Is one of the known schools in this country. Back to earlier, I think you have what it takes to be a student there.?"

"I have what it takes?. Pero po hindi ako mayaman. Ordinaryo lang po ako."

"Hindi lang naman mayaman ang tatanggapin namin dun. We also need someone na mabait. Someone who have a good heart that is willing to help others. Someone like you. You helped me find Softie, I saw you gave food to those children when in fact gutom ka and now, you even help the waiter. "

"Hindi po ako nababagay dun. Pero kung gugustuhin ko naman po eh wala naman akong pera---"

"Don't worry about it, I can pay for those. Pero mukhang hindi ka papayag so may isa pang solusyon. Scholarship. So...Are you in?"

Malaking opportunity to. It's not everday na mangyayari to. Papa... Tatanggapin ko ba?. 

"Rain. You don't have to worry. Dun din kasi ako nag aaral. Pwede kitang tulungan tutal magkaibigan na naman tayo."

Papa... Wala naman sigurong masama kung tatanggapin ko itong offer ni Kuya Jordan. Baka ito ang sagot para magbago ang buhay ko.

"S-sige po..."




Someone's POV

"Bye Rain..."

We watched her leave the place. Nakatingin ako sa katabi ko na panay kain sa tirang cake.

"Biglaan yata yun Kuya Jordan. Your not that type to interfere regarding school matter. So why did you do it?"

He stopped eating and wiped his lips with a tissue before speaking.

"I think she can help him."

Him?. Ibig sabihin ay si...

"Yes... She can help him. Hindi man agad agad pero I know na mababalik niya siya sa dati."

Si Itsura ngayon ni Kuya Jordan, makikita talaga na seryoso siya. Sometimes he acts silly and there are rare times when he's serious.

"Rain... That girl... She's just so nice compared to her. Bakit ba kasi nagustuhan pa niya ang babaeng yun."









//Guys... How is the story so far?. Hehehe... Honest opinion ko, it's kinda boring. First few chapters pa naman kaya.... Go lang ng go....🏃‍♂️🏃‍♂️🏃‍♂️🏃‍♂️🏃‍♂️. //



-LOUISSE💙

The Girl In Distress (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon