Chapter 19 : I'm Bored

17 1 0
                                    

"Stay..."

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Huminga ako ng malalim at pilit kinalma ang sarili ko at umupo na lamang. Mabuti na lang at binitawan na niya ang kamay ko. Wala pa rin ang nagsalita sa amin. Naiilang ako at gusto ko na bumalik doon pero ayaw gumalaw ng paa ko.

Naramdaman ko na gumalaw siya at parang nay inilagay sa tabi ko pagtingin ko, isang maliit na kulay pink na box. Kinuha ko ito at binuksan. Isang cute na kulay asul na teddy bear na kasing laki ng palad ko. Mukhang ito ang birthday gift niya sa akin. Hindi ko akalain na bibigyan niya ako.

"Thank you Vincent"

Sabi ko at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko siyang ngumiti at ginulo ang buhok ko. He just smile. First time yun and it wasn't a smirk it's a pure smile.

"Rain!!! Halika dito!!"

Narinig kong tawag ni Emma kaya pinuntahan ko siya at umupo sa tabi niya.

"Mukhang close na kayo ni Vincent."

Bulong niya sa akin.

"H-ha?. H-hindi naman siguro."

"Eh ano yung kanina?. Magkatabi pa kayo."

"Inaya ko lang siya na kumain. Hindi pa kasi kumakain eh."

Sabi ko.

"Alam mo ba, hindi mahilig yang si Vincent sa mga ganito kaya nga we're so surprised na pumayag siya na sumama so that means... You two are really close."

Hindi na ako nagsalita pa kasi baka ano pa ang ang masabi ko.

"Rain... Time for the second surprise"

Sabi ni Kuya Jordan then may kinuha siya na box at binigay sa akin. Binuksan ko ito at nagulat ako sa laman.

"K-Kuya Jordan..."

"Maganda ba?. That is the newest phone model. Napansin ko kasi na yung ginagamit mo na phone ay sobrang luma na."

"T-Thank you po. Nagyon lang may nag regalo sa akin ng ganito!!!"

Sumigaw naman si Ate Stacy na siya ang susunod kaya naman kinuha niya ang malaking box at binigay sa akin. Binuksan ko at naglalaman ang box ng isang silver na shoulder bag na may design na constellation maganda yun at unique.

" Thanks po Ate Stacy... Sobrang ganda po nito."

"Glad you like it. That bag is one of a kind. I made that design for my Stacys Space Collection."

Si Ate Stacy, aside sa modelling ay isa din siyang fashion designer at may sariling store na sikat sa paris. Kaya naman sobrang swerte ko na makatanggap ng regalo na galing sa kanya.

Sunod naman ay si Emma.

" Magugustuhan mo talaga itong regalo ko sayo Rain."

Sabi niya

"Tsk. For sure vodoo doll ang laman niyan."

Bulong ni Owen na rinig na rinig ni Emma kaya sinamaan siya nito ng tingin. Binuksan ko iyon at naglalaman yun ng isang necklace na may pendant na broken heart at sa likod ay may nakasulat na Emma BFF (BestFriendForever).

" Tadaaa!!!. Nasa akin ang isa!"

Pinakita niya ang ang sa kanya na may pangalan ko rin. Ang cute naman nito----

"Hoy Emma sino ang nagsabi sayo na kopyahin mo ang regalo ko?"

"FYI, Mas nauna akong bumili sayo."

The Girl In Distress (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon