Habang naglalakad ako papuntang school, hindi ko maiwasan na mapaiyak nang maalala ko kung ano ang nangyari kagabi.
FLASHBACK
Pagkauwi ko sa bahay, sinalubong ako ng sampal ni Mama. Galit na galit siya. Si Candy naman ay nanonood lamang habang may nakakatakot na ngiti.
"Walang hiya ka talagang bata ka. Hindi ka na nahiya sa akin?. Sinong may sabi na dun ka sa Anton De Luca Mag aaral?"
"Mama-----"
Hindi naman ako nakapagsalita dahil hawak hawak ni Mama ang buhok ko at hinila papunta sa Cr at inilubog ang ulo ko sa balde na punong puno ng tubig. Hindi ako makahinga at parang mamatay ako.
"Anong akala mo sa sarili mo? Sinuswerte?. Baliw ka na yata. Tandaan mo ni piso wala akong ibibigay sayo!!!"
Binitawan niya ako at kinaladkad palabas.
"Mama ang sabi niya may scholarship daw po siya, eh wala namang ganon sa school eh. Baka nga nag makaawa siya dun."
Sabi ni Candy. Dahil sa sinabi niya mas nagalit si Mama at kinuha ang walis at ipinalo ito sa akin. Naramdaman ko ang kawayan na dumampo sa braso at binti ko. Wala akong nagawa kundi ang umiyak.
" Hindi ka na nahiya bata ka. Wala ka talagang naidulot na maganda!!!"
END OF FLASHBACK
Kahit masakit ang katawan ko at namamaga ang mga mata ko ay pilit ko parin na pumasok. Nakasuot ako ng medyas na hanggang tuhod at isang jacket para maitago ang mga pasa ko.
Pagkadating ko sa classroom ay halata na ako ang pinag uusapan. Alam ko dahil sa suot ko. Ang init init pero naka jacket at medyas ako. Hindi ko na lang yun pinansin.
Natapos ang first subject namin. Nilapitan ko si Candy na nag se-selfie at sinabing gusto kong makipag usap. Pumayag naman siya at pumunta sa C. R. mabuti na lang at walang tao.
"Candy... Tungkol kagabi---"
"Tsk...tsk...tsk...Kawawa ka naman. Ba't naman kasi sa dinami daming school, dito mo pa talaga balak mag aral."
"Mali yung sinabi mo kagabi. Hindi ako nag makaawa. Totoong binigyan ako ng scholarship. Ba't ka ba nagsinungaling?"
Sabi ko. Hindi ako nag makaawa. Si Kuya Jordan Mismo ang nag alok sa akin.
"Wow... Ang swerte mo naman kung ganon. So ano ang sinasabi mo?. Na sinungaling ako?"
"Oo...Nagsinulang ka kaya sinungaling ka"
Bigla niyang hinawakan at hinatak ang buhok ko. Napakagat ako sa labi dahil sa sakit. Bakit ba niya ako ginaganito?. Ang sakit...Huminga ako ng malalim at hinawakam ang magkabilang braso niya at malakas siya na tinulak kaya napasubsob siya sa sahig. Sakto naman na bumukas ang pinto at pumasok sina Amy at Lin.
"Candy."
Lumapit silang dalawa kay Candy at tinulungan siyang makatayo. Nagulat na lamang ako nang makitang umiiyak siya. Bakit siya umiiyak?. Malakas ba yung pagkatulak ko?. Hindi ko naman yun sinasadya eh.
"Tinanong ko lang... *hulk*... naman si Rain bakit ganyan ang suot niya tapos... *hulk*... nagalit siya at tinula niya ako"
Hindi. Nagsisinungaling siya. Hindi yan Totoo. Alam niya kung ano ang nangyari at siya ang nagsimula.
"Hindi yan Totoo----"
"Rain... Akala ko pa naman na magiging friend ka namin."
"Ang sama ng ginawa mo."
BINABASA MO ANG
The Girl In Distress (Slow Update)
Teen FictionAkala ni Rain na ang kasalukuyan niyang buhay ay sadyang mahirap. Little did she know about what is coming ahead and the truth that will break her apart. Highest Rank Achieved : #2 in Distress [ 07/07/19] #4 in Bullied [09/14/19] Started: May 9, 20...