Chapter 5 : Mistaken

38 4 0
                                    

"Rain... You will be in Area A."

Area A?. May pinagkaiba ba yun sa Area B?. Pwedeng paki explain. Talagang nahihilo na ako dito.

"Kuya... You need to explain everything."

Sabi ni Terrence. Salamat Terrence life saver ka talaga.

"Fine. Pero Terrence, kailangan mong pumunta sa class mo."

Hindi na nagsalita muli si Terrence at umalis na at naiwan kami ni Kuya Jordan dito.

" Okay Rain... Anton De Luca Institute is different from any other schools. Why?. Dahil we seperated the wealthy students to the average ones. Hindi Pwedeng ipagsama ang dalawang class dahil gugulo lamang. Area B is where the Average students resides while in Area A or known as the Elites is where the special students are. Special because they are wealthy at anak ng mga sikat na personalidad. This all happens by the request of the Parents of the so called elites"

Tama naman... Ordinary people like me can't be associated with the elites. Talagang gugulo yun pero this kind of set up sa isang school. Napaka weird. Ngayon ko lang ito na encounter.

"Pero Kuya... Sabi mo sa A ako... Hindi po pwede yun. Diba sa mga Elites yun?. Pwede po bang sa B na lang po ako?"

Sabi ko. Hindi pwede ang isang kagaya ko ang nandoon sa Elites. Hindi para sa akin yun at lalong lalo na hindi bagay sa akin.

"Okay... If thats what you want. I'll give you the map, your schedule and section and also your uniform. "

Same lang pala ang uniform ng Elites at sa Average ang pagkakaiba ay ang kulay ng necktie at skirt. Sa Elites ay black habang sa Average naman ay dark blue May bag na rin at sa loob ay ang books na gagamitin at sapatos tapos may susi para sa locker.

" Hello?.... Stacy?.... Ngayon.... Okay just wait...Yes..."

Bigla na lamang umalis si Kuya Jordan ng office. Sinubukan ko siyang habulin pero nakalayo na ito. Bumalik ako sa loob at kinuha ang mga gamit. Paano ba yan?. Hindi ko pa naman alam ang daan palabas dito. Ah...subukan ko kayang tawagan si---Hindi ko pala dala ang phone ko.

Mukhang kailangan kong maghintay dito. Tumayo ako at tinignan ang sulok ng Room. May mini library, may coffee table rin. Pumunta ako sa window kung saan may isang vase. Napakaganda nung design. Kinuha ko yun at tinignan ng mabuti. Ang cute talaga---

"Kuya Jordan!!!!"

"Naku po!!"

Dahil sa gulat, nabitawan ko ang vase at nabasag yun. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.

"Sino ka?. Anong ginagawa mo dito sa Office ni Kuya Jordan?. Hmmm... Siguro magnanakaw ka."

Lumapit siya sa akin at akamang hahawakan ang magkabilang balikat ko pero agad ko siyang tinulak palayo.

"Sh!t..."

Hala... Yung kamay niya. May dugo.

"Sorry... Hindi ko sinasadya."

Tumayo siya mula sa pagkadapa at binalot ang sugat niya gamit ang panyo. Tinignan niya ako ng masama. Akala ba niya talaga na magnanakaw ako?. Yung vase!.

"Magbabayad ka!!!"

Tumakbo ako palabas ng Room nakasunod siya sa akin at hinahabol ako. Nagmadali akong pumasok sa elevator. Akala ko hindi na niya ako mahahabol pero nakapasok siya at kinuwelyohan ako.

"Akin na yung ninakaw mo!. Outsider ka!. Marami kayo ano?. He. Mabuti na lang at nahuli kita. Tsk. Lagot ka kay Kuya Jordan. Your gonna pay----Arghhhh!!!!!"

Napakadaldal niya. Hindi na niya napansin na bumukas na yung elevator kaya kinagat ko ang kamay niya at mabilis na lumabas sabay takbo. Tinignan ko kung nakasunod pa rin ba siya sa akin nang sa di inaasahan ay may nakabunggo ako.

"Ang sakit..."

Biglang may humila sa wrist ko ng napakalakas dahilan para mapatayo ako. Pagtingin ko isang lalake yun. Blangko ang ekspresyion. Wala ba siyang balak na bitawan ako?.

"Bitawan mo ako... Nasasaktan---"

"Oh!. Mabuti at nahuli mo yang outsider na yan. Galing siya sa office ni Kuya Jordan."

Tsk. Yung lalake naman kanina. Naiinis na ako sa kanya pero... May kasalanan din ako sa kanya. Tinignan ko ang may hawak sa akin. Ang sakit na ng wrist ko.

"Ano ba... Bitawan mo ako. Nasasaktan na ako."

Binitawan niya nga ako pero sobrang lakas naman dahilan para mapaupo ako sa sahig. Tumayo ako at magsasalita pa sana ng----

"Rain!!!"

Yung boses na yun. Si Terrence!. Mabuti na lang at nandito na siya.

"Terrence?. Kilala mo yang magnanakaw?"

"Si Rain?. Oo... Bakit mo naman---"

"Hindi ako magnanakaw. Terrence wala akong kinuha. Ewan ko ba sa pusang yan."

Nagulat naman sila sa sinabi ko. Ewan ko ba kung saan nang galing ang pusa sa sinabi ko.

"A-Ako? Pusa?. Grabe ka rin----"

"Terrence... Who is she. Paano yan nakapasok sa Office?"

Nagsalita na rin sa wakas ang isa pa naming kasama. Pero hindi ko gusto ang tono ng pagsasalita.

"Vincent. She's a new student here."

Vincent?. Parang narinig ko na yun ah. Saan ba?.... Hindi ko na maalala. Nakita ko naman nag smirk yung Vincent. Ano naman ang ibig sabihin nun?.

"Elite o Average?"

Tanong niya. Si Terrence na ang sumagot para sa akin.

"At ano naman ang ginagawa ng Isang Average dito?. Hindi ba niya alam na hindi pwedeng pumasok ang mga kagaya niya dito?. Only Elites can come here."

Sasagot pa sana ako ng magsalita si Terrence.

"Vincent, dalhin mo muna si Owen sa Clinic. Kuya Jordan will explain to you later. For now, kailangan na naming umalis."

Hinawakan ni Terrence ang kamay ko palayo sa lugar na yun. Pumasok siya sa sasakyan at sumunod naman ako.

"Terrence...mga kaibigan mo ba sila?."

"Oo."

Hindi ko akalain na kaibigan niya ang mga yun. Masyadong mabait si Terrence para sa kanila. At may kasalanan pa pala ako dun sa Owen. Kung hindi ko siya tinulak hindi sana siya nasugatan.

"Terrence. Ihinto mo na ang sasakyan. Nandito na tayo sa park"

Sabi ko. Hininto naman niya yun.

"Malapit lang ba ang bahay mo dito?. Pwede naman kitang ihatid"

"Ha?. Huwag na...Baka nakakaabala na ako eh."

"Pero---"

Sakto naman na nakita ko si Seth sa di kalayuan. Mabuti na lang at andun siya baka nagpumilit pa tong si Terrence ihatid ako sa bahay.

"See you tomorrow Rain"



See you tomorrow?. Sana hindi baka makita ko pa ulit yung mga kaibigan niya. As much as possible, kailangan ko silang iwasan.








-LOUISSE💙

The Girl In Distress (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon