Nandito kami sa isang Italian Restaurant na Favorite ni Ate Stacy. After what happened kanina, she decided na I treet kaming lahat.
"Rain... I'm really sorry sa ginawa ko. Talaga lang mahal ko yung babe ko that's why I get jealous easily. Gosh I can't believe I just slap you. That's very unattractive of me."
Hindi ko na mabilang ang sorry na sinabi ni Ate Stacy. Mabait pala siya at ang sweet.
" Ang wild mo kanina Ate, para kang witch. Hahaha"
"Tsk. Tumahimik ka nga Owen baka ikaw ang susunod na masampal."
Saway ni Arthur. Dumating naman ang inorder niya na tomato pasta at pizza. Nagsimula naman silang kumain habang ako ay nakatingin sa plato ko na may lamang pasta at meatballs.
"Rain... Why aren't you eating?. Didn't you like it?. I can order something new."
"Huwag na po Ate Stacy..."
"Then why aren't you eating?"
Tanong naman ni Kuya Jordan.
"Talaga bang okey lang na kumain ako na kasama niyo?"
"Of course. Your my friend starting today so don't be shy"
Ngumiti naman ako at nagsimula na ring kumain. Napansin ko naman na nakatingin sa akin si Vincent. May dumi ba ako sa mukha nakakailang kasi eh.
"Rain eto oh... Sayo na"
Binigay sa akin ni Owen ang meatballs niya pero kinuha naman niya ang meatballs ni Arthur kaya nagtatalo sila. Habang sina Ate Stacy at Kuya Jordan ay masayang nag uusap. Ang sweet nilang tignan...
*cough *cough
Inabutan ako ni Terrence ng tubig at tissue. Habang tinitignan ko kasi sina Ate Stacy ay dumapo ang tingin ko kay Vincent na nakating parin sa akin with his cold stares. Kaya nagulat ako.
"Are you okay?. Kailangan mo pa ba ng tubig?."
"H-hindi na... Salamat Terrence."
Matapos naming kumain, Kuya Jordan decided to leave kasama si Ate Stacy sa second date nila. Naiwan kaming lima.
Biglang tumunog ang phone ni Vincent at sinagot naman niya ito, maya maya ay nagpaalam siya na umalis. Nagpaalam na rin ako na aalis dahil may kailangan pa akong puntahan.
Nandito ako sa isang maliit na Chicken Restaurant. Kailangan kasi nila ng mga tao susubukan ko na mag apply baka matanggap ako.
"Hello po..."
"Welcome to Rome's Chicken Restaurant ano po ang order niyo."
Sabi ng babaeng kasingtangkad ko na nakasuot ng white shirt at black jeans. Naka ngiti ito sa akin.
"Hindi po ako kakain. Gusto ko pong mag app---"
"Tangap ka na!!!"
Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko pero tangap na ako!?. Ang galing naman. Pero hindi naman si Ate ang nagsabi kundi yung maliit na matabang lalake na andun sa counter.
"P-po?. Talaga?"
"Oo. Ako ang may ari dito. May extra pa na uniform suotin mo na yun may ipapagawa ako sa iyo."
Ginawa ko naman ang sinabi ni Boss. Mabuti na lang at kasya ito sa akin. Yung ipinagawa sa akin ay I deliver ang mga order. May bike naman kaya hindi ako mahihirapan. Apat ang kailangan kong i deliver. Binigay na sa akin ang address at umalis na ako.
BINABASA MO ANG
The Girl In Distress (Slow Update)
Novela JuvenilAkala ni Rain na ang kasalukuyan niyang buhay ay sadyang mahirap. Little did she know about what is coming ahead and the truth that will break her apart. Highest Rank Achieved : #2 in Distress [ 07/07/19] #4 in Bullied [09/14/19] Started: May 9, 20...