Chapter 16 : Stupid

24 3 0
                                    

Kasama ko sina Owen, Arthur at Emma dito sa Cafeteria. Nagpumilit kasi si Emma na samahan ko siya tapos gusto din namang kumain ni Owen na kasama ako kaso ayaw niya kasabay si Emma.

"Tsk. Kainis talaga. Emma may mga kaibigan ka naman diba?. Ba't di ka sa kanila sumabay?"

Asar na tanong ni Owen. Inilapag ni Emma ang hawak niyang sandwich at kinagat ang labi bago ito humarap sa amin.

"Eh gusto ko si Rain ang kasama ko. Rain and I are friends. Hehehe..."

She said habang nagpumilit na ngumiti. Pero napansin ko ang unti unting namumuong mga luha sa mata niya.

"Emma..."

"Sorry... May meeting pa nga pala kami sa club. I'll see you guys later."

Sabi niya at nagmadaling umalis. Napatingin ako kay Owen. Nakatingin lang siya sa direksyon ni Emma at huminga ng malalim. Siguro may Issue si Emma sa kaibigan and the fact na sinabi yun ni Owen...

" Owen... Follow her. "

Maikling sabi ko at tumango naman siya. Naiwan kami ni Arthur. Maya maya ay tumayo naman siya at sinabi na susundan niya ang dalawa. Baka daw kasi mag aaway lang yun. Kaya ngayon, ako naman ang naiwan dito sa cafeteria. Nawalan tuloy ako ng ganang kumain. Nakaupo lang ako nang nakarinig ako ng may naguusap tungkol sa akin.

"Tsk... Ang swerte niya kasama niya sina Arthur at Owen."

"Oo nga. Alam mo ba na nakita ko silang magkausap nina Terrence at Vincent."

"Talaga?!. Gosh. Silang apat na pinaka sikat, pinakagwapo at pinakamayaman dito sa school?."

"Oo. Nakakaingit talaga."

"Hindi naman siya maganda."

"Feeling sikat talaga eh."

Hindi na ako komportable dito kaya naman, naisipan ko na umalis na muna. Tumayo ako at yumukong papunta sa labas ng may nakabangga ako kaya naman natapon ang dala niyang tray na may laman na orange juice at burger.

"OMG!. Candy okey ka lang?"

Bakit ba lagi na lang kami nagkakasalubong ni Candy. Pilit ko naman siyang iniiwasan. Masama niya akong tinignan pati na rin yung mga tao sa paligid.

"Sorry... Hindi ko sinasadya."

"Hindi sinasadya?. Obvious naman na sinadya mong gawin yun kay Candy eh."

Magsasalita pa sana ako ng biglang umalis si Candy at pumunta doon sa kabilang table at kinuha ang juice tapos ay bumalik ito sa dati nitong kinatatayuan.

"Alam mo naman siguro kung ano ang gagawin ko dito sa juice."

Sabi niya. Alam na alam ko. Ibubuhos niya yun sa akin kaya naman tumango ako sa sinabi niya. Hindi ako lalaban dahil may kasalanan naman talaga ako ayoko na mas lumala ang mangyayari.

Pumikit ako at hinintay ang pagbuhos niya pero dumaan na ang ilang minuto, walamg nangyari. Kaya naman naisipan ko na imulat ang mga mata ko at laking gulat sa nakita. Si Vincent nasa harap ko at hawak hawak ang kamay ni Candy. Sa tabi ni Vincent ay si Terrence.

"V-Vincent"

Yan lamang ang nasabi ni Candy bago ibinuhos sa kanya ni Vincent ang hawak niyang juice. Lahat ay nagulat sa nangyari pati na rin ako.

"Vincent ano ba yang ginagawa mo?"

Sabi ko sa kanya pero hindi ito nagsalita instead hinawakan niya ang wrist ko at hinila palabas ng cafeteria at iniwan ang lahat na nakatingin sa amin.

Namalayan ko na lang nasa labas na kami ng building na malapit sa school garden. Ba't niya ba ako dinala dito?. Nang bitawan na niya ako ay dun ko lang napansin na napakalaki ng lugar at napakaganda. Punong puno ng halaman at bulaklak. Sa gitna, may isang bench.

"Ang ganda naman dito..."

Bulong ko sa sarili ko. Tahimik dito kaya maririnig ang kahit konting ingay.

*meow....meow....*

Pusa? Ano naman ang ginagawa ng pusa dito?. Tinignan ko ang paligid ko kung saan maaring nandoon ang pusa.

Ayun!. Nakita ko na. Nanood sa itaas ng puno. Maliit pa ang pusa kaya mahihirapan talaga itong bumaba. Mabuti na lang at may suot akong shorts sa ilalim ng skirt ko kaya makakaakyat ako ng mabuti.

"Where the hell are you going?"

Nagulat ako ng biglang nagsalita si Vincent. Nakalimutan ko ata na may kasama ako. Tinuro ko yung puno at sabay naglakad patungo roon. Nagsimula na akong umakyat.

"The f***k!. Bumaba ka na nga diyan!"

Hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy lang. Nakaupo na ako sa isang sanga at pilit na inaabot ang pusa. Takot na takot ito at parang nag dadalawang isip na lumapit sa akin.

"Kitty... Huwag ka nang matakot..."

Sabi ko pero umatras ito at sa isang iglap ay nahulog ang pusa kaya napapikit ako at hinintay ay pagtunog ng munting katawan niya na hahampas sa sahig.

Pero lumipas ang ilang minuto ay wala akong narinig. Yun pala ay nasalo iyon ni Vincent at tuluyan nang tumakbo papalayo ang pusa. Mabuti na lang at nasala niya.

"Vincent thank--"

Pababa ako ng madulas ang inaapakan kong sanga. Akala ko talaga mahuhulog ako mabuti na lang at nakakapit ako. Nang makababa na ako ay pinagpag ko ang skirt ko at naka hinga ng maluwag.

"Aray!. Ano yun?"

Sabi ko sabay himas sa noo. Tinignan ko ng masama ang katabi ko na nakatingin din sa akin. Pinitik kasi niya ang noo ko.

"Stupid."

Stupid?. At bakit naman ako naging stupid?. Baka yung sarili niya ang itinutukoy niya.

"Your always in trouble you make me wanna protect you."

Tignan mo, nagsasalita mag isa. Hindi ko masyadong narinig ang sinabi. Siya tong stupid nagsasalita sa sarili.

Aalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang balikat ko.

"Bakit?"

Tanong ko.

"May sugat ka."

Sabi niya sabay turo sa tuhod ko. Tinignan ko ito ng ilang segundo tapos ay siya naman. Hindi ko napansin na nasugatan pala ako.Ngitian ko siya at sinabing okey lang.

"Maliit na sugat lang to. Sige aalis na ako."

Akala ko makakaalis na ako pero hindi. Lumuhod ito sa harap ko at may kinuha sa bulsa niya. Isang panyo. He unfolded it at itinali sa tuhod ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya yun and suddenly parang naging tahimik ang paligid at tanging ang pagtibok ng puso ko lang ang naririnig ko. Hindi ko alam bakit nagkakaganito ako.

Rain... Kalma... Puso ko, please kumalma ka.

"Masakit pa ba?"

Hindi ko namalayan na nakatayo na pala siya at nakatingin sa akin.

"H-ha?... Ah... Hindi na... S-sige thanks pala. Sige alis na ako. Bye...."

Nang tuluyan ko na siyang tinalikuran at naglakad palabas, doon lamang ako nakahinga ng maluwag at hindi na rin mabilis ang pagtibok ng puso ko.













//Yo Yo Yo Guys!!!.Sa wakas naka pag update na rin ako. I can't tell y'all what happened this past few days as to why hindi ako naka pag update but... Your gurl is back!. Thanks for reading this chapter ☺️. Vote and comment!! //







-LOUISSE💙

The Girl In Distress (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon