Chapter 11 : Anton De Luca II

22 4 0
                                    

Ngayon na araw na magsasama sama lahat ng Elite at Average sa iisang lugar. Kagabi pa si Candy excited at panay kuwento niya kay Mama nito.

"Rain tapos ka na bang magluto diyan?"

Tanong ni Mama habang inaayos ang buhok ni Candy. Gusto niya daw kasi na maganda siya matagal din siyang nag ayos sa kwarto.

Inilapag ko na sa mesa ang hotdog at kanin.

"Tapos na po Mama."

Umupo naman siya sa mesa dala dala ang maliit na salamin niya sumunod sa kanya si Mama.

"Naku, Anak ang ganda ganda mo talaga. Sigurado akong marami ang magkakagusto sayo."

"Talaga po ba Mama!!!... Yieeee... Excited na ako makita yung mga elites!. Promise po Mama, Ikakasal ako sa isang Elite para yumaman tayo!!!"

Kapwa silang nagtilian sabay apir. Naiingit ako kay Candy dahil close siya ni Mama. Umupo ako sa upuan para makapagsimula na kaming kumain.

" Hep hep hep... At sinong nagsabi na uupo ka?. Tumayo ka diyan. "

" Pero----"

"Maghintay ka na matapos kami saka ka kumain o di naman ay umalis ka na lang. Candy... Kumain ka na, special day mo to."

Napakagat ako ng labi habang tinitignan sila. Umalis ako at sinilip silang muli. Ang saya saya nilang tignan habang kumakain. Pumunta ako sa kwarto ko at nagbihis. Umupo ako sa kama pagkatapos at tinignan ang litrato namin ni Papa.

" Papa... Okey lang po ako. Kakayanin ko po lahat. Miss na miss ko na po kayo."

Kapag sakto na yung ipon ko, aalis agad ako dito. Lalayo ako at magsisimula ulit. Papa sana maintindihan mo kapag dumating ang panahon na yun kapag magtagal pa ako dito ng ilang taon, baka hindi ko na makayanan.

Nakarating na ako sa Bagong Anton De Luca. Hindi naman malayo sa dati nitong lugar. As usuall, may malaking gate. Pumasok ako at doon, isang puting pathway at sa gilid nito ay napapalibutan ng grass. Naglakad ako hanggang sa nakarating ako ng Main building. Malaki ito at sigurado akong nasa likod ang iba pa na building at natatakpan dahil sa laki ng building nato. Sa gilid naman ay isang malaking parking space for sure sa mga students na may sariling sasakyan. Same pa naman ang section ko ang pagkakaiba lang ay nasa third building ito sa left side ng Main building.

Nakarating na rin ako sa wakas. 5th floor section 2-B. Yung classroom ay hindi kagaya nang dati. Mas maganda at mas malaki ang space dito. Napansin ko yung mga babaeng classmates ko ay hindi mapakali. May nag aayos ng buhok at nag m-make up parang si Candy lang. Mukhang excited din sila sa pagdating ng mga elites.

"Good Morning Students. Welcome to the new Anton De Luca Institute. Now... The reason why you are all gathered here today is for our beloved owner wants to greet you all. Now please welcome Mr. Jordan Lucciano."

Nagpalakpakan naman kaming lahat at lumabas na nga si Kuya Jordan in a formal attire. He looks manly and different sa Kuya Jordan na nakakausap ko. I heard whispers na nagsasabi na ang hot niya at ang handsome.

" Good Morning Students. As you all know, Elites and Average will be in one place. So you are now all students no elites nor Average. I hope you all will get along well."

Bumalik na kami ng classroom pagkatapos. It turns out, wala kaming kaklase na Elite kaya maraming na disappoint.

" Girl sayang akala ko pa naman na makikita ko na si Terrence ko o si Owen. "

" Ako rin. Gusto kong mahawakan si Arthur ikaw Candy?. Sayang yung hairstyle mo"

"Hindi masasayang yan. Nasa iisang lugar na naman tayo for sure, makikita ko si Vincent ko."

Napakunot ako. Arthur? Terrence? Owen? Vincent?. Coincidence ba na same ang pangalan na sinasabi nila at sa mga Elite na nakilala ko?. Ang weird naman nun. Ah... Sama pa rin pala ang uniform namin. Kaya makikilala pa rin kung Elite ba o Average baka kasi next year pa balak palitan ang designs ng uniform.

"Excuse me, Rain are you here?"

Biglang tumahimik lahat at napatingin sa nagsalita sa may pinto. Pati na rin yung mga kaklase kong mga lalake na hindi matahimik. Sino ba kasi yung nagsali---

"Rain!!!.Finally nakita na rin kita"

Emma?. Paano niya nalaman nandito ako?. Tumakbo siya papasok ng silid at niyakap ako.

"Emma... Paano mo ako nahanap?"

Nag pout naman siya at umupo sa katabi kong upuan na bakante. Ngayon ko lang napansin ang cute na hairstyle niya yung kagaya nung kay pucca.

"I asked Kuya Jordan. Ang layo ng classroom mo nasa second building ako naman sa second building same with Arthur and Owen. Sina Kuya Terrence at Kuya Vincent mukhang sa building kasunod dito."

Napangiti naman ako at niyakap si Emma sabay thank you rin. Nagulat pa siya pero hinayaan naman niya ako. Pinuntahan niya talaga ako dito kahit malayo sa classroom niya. She's really cute.

"Wow pare ang ganda..."

"Oo nga halatang elite."

"Girl... She's so pretty pero bakit kausap niya si Rain?."

"Baka magkakilala sila"

"Talaga...may kilala siya na isang elite?"

Pinag uusapan na kami dito sa classroom. Ewan ko ba kung nahalata ba ni Emma. Nakangiti lang kasi siya habang hawak ang kamay ko. Minabuti ko na lumabas na muna kami pero nakita ko naman si Owen at Arthur na paparating.

" Rain!!! "

Isinigaw pa ni Owen yung pangalan ko dahil dun nagsitinginan ang mga students sa hallway. Niyakap kaagad ako ni Owen at kinurot ang magkabilang pisngi ko.

"Rain!!!. Na miss kita. Tagal natin di nagkita. Maganda ang naging desisyon ni Kuya Jordan!"

Hindi pa rin niya binibitawan ang pisngi ko kaya si Arthur na ang gumawa ng paraan. Kinurot niya din ang pisngi ni Owen kaya napabitaw siya. Nag sitawanan naman sila pero ako nanatiling tahimik. Pinaliligiran kasi kami. May mga sumisigaw sa pangalam nina Arthur at Owen. Sikat ba sila?. This attracts so much attention at delikado yun. Mabuti na lang at tumunog yung bell hudyat ng susunod na klase.

Pagpasok ko sa classroom ay pinaligiran ako nina Candy, Amy at Lin. Tinitignan nila ako nang puno ng tanong sa mga mukha nila.

"May kailangan ba kayo?"

Tanong ko at nag tinginan naman sila bago nagsalita.

"Bakit mo kilala sina Arthur at Owen?."

"At niyakap ka pa talaga ni Owen."

"K-kasi... Kaibigan ko sila..." sagot ko. Hindi ko maintindihan bakit nagtawanan sila eh totoo naman ang sinabi ko.

"Huwag ka ngang magpatawa. Hindi kailanman magiging kaibigan mo sila. Impossible yun. Diba Lin?"

"Oo nga. Baka napagkamalan ka lang nina Owen at Arthur."

Hindi na lamang ako nagsalita at umupo na lang sa sarili kong upuan. Bakit hindi sila naniniwala?. Kaibigan ko naman sila talaga. Habang nag iisip ako niyan, napakagat ako ng labi at nakaramdam ng takot sa mga titig ni Candy sa akin.






-LOUISSE💙

The Girl In Distress (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon