Chapter 7 : Self Proclaimed Friend

18 2 0
                                    

"Owen Lim!!!"

Sa dinami daming lugar dito, Ba't dito pa talaga sa cafeteria ako dinala ni Emma. Ang daming tao at ang worst pa, mga Elite silang lahat. Ang ikinagugulat ko lang ay ang cafeteria mismo. Parang nasa isang Restaurant ako. May mga chef na nag s-serve ng mga high class foods. Ang layo layo sa cafeteria namin.

"Nandito na pala ang prinsesa ng mga daga---Ikaw?"

Nakikilala pa pala ako ni Owen. Sabagay, ako naman ang dahilan ng sugat sa kamay niya.

"Yes... So tell me, Anong ginawa mo kay.... What's your name pala?"

"R-Rain"

"Anong ginawa mo kay Rain?. You really are---"

Pinigilan ko si Emma na magsalita dahil hindi naman niya alam ang nangyari.

"Emma, wala siyang ginawang masama. Uhm... G-gusto ko sanang humingi ng Sorry. Dahil sa akin nasugatan ka tuloy. Hindi ko naman sinasadya eh."

Sabi ko.

"Ah...ikaw pala ang dahilan kaya nagmukhang pilay si Owen."

Ngayon ko lang napansin na may katabi pala si Owen.

"Arthur Shut up. Hindi ako pilay. Masakit lang talaga ang sugat ko."

"Ang OA mo naman parang bakla."

Pabulong ma sabi ni Emma pero halatang narinig ito ni Owen tumayo at nilapitan si Emma.

"Tumahimik----"

Hindi siya nakapagsalita ng biglang dumating si Terrence at nilagay ang kamay niya sa bibig ni Owen.

"Emma. Huwag mo nang gagawin ulit yun. Rain pasensya na sa kapatid ko."

"O-Okey lang. Sige aalis na ako."

Tapos na akong humingi ng tawad. Wala na akong dapat gawin pa dito at kailangan ko ng bumalik.

"Wait. Samahan mo muna kaming kumain para naman makilala kita. Mukhang ako lang kasi ang hindi nakakilala sayo."

Sabi nung nag ngangalang Arthur. Tumangi ako pero pinilit naman ako ni Emma at Terrence. Wala naman sigurong masama kung kakain ako.

"Ako nga pala si Arthur. Ikaw siguro si Rain. Sinabi sa amin ni Kuya Jordan na tinulungan mo daw siya sa isang bagay kaya kayo naging kaibigan."

Kaibigan... Tinuring pala ako ni Kuya Jordan ng Kaibigan. Ang ganda pala sa pakiramdam ang ganun.

"Really?. You know what...Kuya Jordan only had a few girl friends. Your lucky to be one it."

Sabi naman ni Emma habang kumakain. Maya maya ay may dumating na mga chef at nilagyan ng pagkain ang table namin. Tig iisang slice kami ng red velvet cake. Ngayon ko lang ito matitikaman.

"Terrence, sigurado ka ba na pwede akong kumain dito?"

"Oo naman. Consider yourself na kaibigan namin."

Sabi niya na ikinagugulat ko.

"Well...Kuya is right. You seem nice kaya let's be friends ha."

Ngitian ko naman sila at sinimulan ng kumain. Hindi ko ma explain kung ano ang nararamdaman ko. Basta ang sarap ng cake. Kung pwede lang na araw araw ito ang kakainin ko.

"Owen ba't di ka kumakain?"

Narinig ko si Arthur na nagsalita. Napatingin ako kay Owen na naka pout at tinitigan ang cake.

The Girl In Distress (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon