Chapter 36 : Job

23 1 0
                                    

"Ba't ganyan ang mukha mo?. Ano ba ang nangyari Owen?"

Tanong ko sa bagong dating na si Owen.

"Wala lang to."

Nakasimangot niyang sagot. Inabutan ko siya ng tubig na tinangap niya naman. Napaaway yata siya. Baka dahil yun sa nangyari kahapon...

"Rain!!!"

I wave at Emma habang tumatakbo sa kinauupuan namin. Nakaupo lang ako sa bleachers habang nagbabasa ng libro nang dumating si Owen at ngayon naman si Emma. Kumunot ang noo niya nang makita si Owen at si Owen naman iniiwas ang tingin niya kay Emma.

" Tsss..."

"Uhm...Okey lang ba kayong dalawa?"

Naiilang na tanong ko.

"Sinabi ko naman diba na huwag ka nang makealam."

Emma said.

"Bakit ba?. Pwede bang mag thank you ka na lang."

"Bakit naman ako mag t-thank you?. Gosh. You almost killed them Owen."

"Almost Emma, Almost. Besides they desrve it."

"Eh anong gusto mong gawin ko?. Hayaan sila na patuloy kang binabastos?"

"Ano ba ang pake mo ha. Stop acting like your my boyfriend"

Kailangan ko yatang pigilan ang dalawang to. Mas lalala ang sitwasyon.

"Both of you stop it. Mag usap kayo ng maayos at tigilan ang kasisigaw niyo please."

Tumayo si Owen sa pagkakaupo at nakapamulsang tinignan si Emma na hindi ko maintindihan ang ekspresyon.

"Hindi na Kailangan Rain. Tutal, huling beses ko naman gagawin to. Im not going to bother anyone, besides sino ba naman ako para gawin yun."

He said and left. Tinignan ko si Emma na ngayo'y napakagat ng labi. I think pinipigilan niya ang umiyak. Ano ba ang nangyayari sa dalawang to. I thought they're enemies pero sa nakikita ko ngayon, they both care and are worried for each other.

" Emma---"

"Sorry Rain. May kailangan pa pala akong gawin."

At umalis na rin siya. Haysssttt. Bigyan ko muna sila ng panahon at tsaka ko na sila kakausapin. Hindi pwede na hindi magpapansinan itong dalawa. Eh sa nakita ko kanina, mukhang nasaktan si Owen sa sinabi ni Emma. Maybe...May hindi sinasabi si Owen sa amin...

"Ang lalim naman yata ng iniisip mo."

Nagulat ako sa biglaang pagsalita sa may likuran ko. Si Terrence lang pala.

"Tungkol kina Emma at Owen."

Sabi ko at mahinang tumawa ito.

"Hindi mo ba napapansin?"

"Napapansin?. Ang ano?"

Bumuntong hininga ito bago tumuloy sa pagsalita.

"Owen and Emma like each other. Hindi man nila aminin pero yun ang totoo."

"Pero diba, hindi sila magkasundo."

"Ewan ko ba sa kanila. They both care for each other at times. Sadyang mahilig talaga silang magsimula ng gulo sa isa't isa. Parang it's there way to seek attention from each other."

Hmmm... Kaya pala. Pero still, yung kanina... Mukhang nasaktan si Owen sa sinabi ni Emma. I think he's just so worried towards her and Emma on the other side ay nag alala rin sa nangyari kay Owen. Pero kahit na, hindi parin tama ang ginawa ni Owen.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Girl In Distress (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon