CHAPTER 1 - Game

4.4K 209 44
                                    

KEVIN'S POV

Napamulat ako nang makaamoy ako ng mabangong pagkain. Agad akong tumayo at dumiretso sa pinakamalapit na banyo, nagmumog lang saglit, naghilamos ng mukha, at nagsipilyo. Sunod ay tumungo na ako sa kusina namin.

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita, si Mom? Nagluluto! Hindi pa niya ako mapapansin kung hindi lang nagsalita si Dad sa likod ko.

"Oh! Anak, gising ka na pala. Hindi ba masakit ang iyong likod dahil sa pagkakahiga mo sa sofa natin?" A-ahmm, nanatili lang akong nakatulala kay Mom at Dad. Don't get me wrong ah, pero kasi hindi sila umuuwi ng ganitong oras dahil kadalasan busy sila sa work o kaya may importanteng taong kakausapin. Nakakapanibago lang talaga! "Mahal, sabi na sa'yo baka magkasakit ang anak natin kapag hinayaan mo pa siyang doon matulog sa sofa. Paano kung magka-stiff neck ang anak natin? Sino ang sisisihin ko? Aba'y siyempre ikaw," sabi ni Mom.

Agad naman sumabat si Dad. "Mahal naman, bakit ako? Alam mo naman na matanda na rin ako kaya hindi ko na kayang buhatin ang anak natin para ilipat habang tulog. Isa pa, hindi na siya bata—" "Kahit na! Tignan mo, tulala. Baka mamaya mahimatay na lang 'yan. Anak, huwah!" napabuntong-hininga na lang ako.

Tanda ko pa dati, nakasanayan ko na mag-isa gumising, magluto, at gumawa ng assignments. Habang sila nagagawa nilang magpaalam kapag kailan nakaalis na sila. Hinayaan ko lang nung bata ako kasi alam kong babalik sila, pero tumagal ng tumagal. Ang isang linggong 'di pagkikita tumatagal na sa isang buwang 'di pag-uwi. Kaya palaging yaya at driver lang namin ang kasama ko, pero kahit ganoon, masaya ako na binigyan ako ng isang katulad nila na magulang...

Mayaman kami, oo. Totoo 'yun, pero nakasanayan ko na ring maglakad na lang kapag papasok kahit may kotse kami. Ang mag-ipon kahit ang baon ko ay kaya ng bumili ng kahit ano. At minsan, naiinggit pa rin ako sa mga kaklase ko kapag may bago silang laruang nilalaro. Kaya-kaya ko naman siyang bilhin, pero tinitiis ko na hindi siya laruin. Pinipilit kong huwag na lang pansinin, buti na lang at ang mga laruan din naman ay nalalaos sa paglipas ng panahon.

May isa lang akong gusto, ang makapagtapos ng pag-aaral bilang isang summa cum laude. Tsaka gusto 'yun nina Mom and Dad, kaya 'yung mga bagay na alam kong maaring makapagpigil sa akin para marating 'yun, iniiwasan ko, tinatanggihan ko.

Dahil kapag gusto mo, may paraan; kapag ayaw mo, maraming dahilan!

Mag-fourth year college na ako. Nung nakaraan, pambato ako ng paaralan ko sa iba't ibang paksa. Sa pag-aaral, pinagsisikapan kong perpekto ang bawat exam, kaya naman uno ang grado ko at mas nakikilala pa ang paaralan na pinapasukan ko. Nananalo rin ako sa iba't ibang paligsahan sa pagguhit, sa school art competition at exhibition, sa history competition, sa English, at maging sa ilang mga contest na ginaganap sa national at international level, pati na rin sa ilang mathematics contest. Pero sa kabila ng mga nagagawa ko, parang kulang pa rin.

Ang mga magulang ko kasi, may mga naabot na tagumpay na hindi ko pa kayang abutin. Si Mom, noong kabataan niya, sa ilan at kilalang mahuhusay na tao lamang ang nakakasali sa mga kompetisyon. Nananalo siya sa iba't ibang paligsahan at singing contest. Sa edad na labing-anim, pinapadala na siya sa ibang bansa para makipaglaban sa mga kasing edad niyang magagaling at matatalino, at lagi siyang uuwi na may nakasabit na gold medal sa leeg.

At the age of 18, she became the most beautiful woman in the world. At 22, she became my dad's girlfriend, and at 25, they got married. By 26, they had me, the most precious prize she could have dreamed of. Born with a silver spoon, my mom, Ozianna Marie Vein Ociel.

And my dad? Well, his life was one you'd dream to have. They always said, "What my dad wants, my dad gets," sa sobrang pinagpala niya pati pagkain isusubo mo pa sa kaniya. Pinanganak na may bilyon-bilyon na sa bangko na pagmamay-ari niya. Nag-iisang anak kaya nakukuha lahat ng atensyon. Hindi pala sali si Dad sa contest pero ngayon siya na ang nagmamay-ari ng pinakamalaking kumpanya na nasa Pilipinas. The Ociel Inc. Marami pa siyang business ngunit 'di nila to kwento kaya hindi ko na iisa-isahin pa.

"Anak, okay ka lang ba? Ang lalim yata ng iniisip mo?" Pagtatanong ni Dad. Tapos na ba sila mag-usap? Siya nga pala, siya si Klein Ociel, ang Dad ko.

"Opo, okay lang ako... Nasaan po pala sila Ate Nene at Mang Nestor?" Pagtatanong ko, ang yaya at driver namin.

"May sakit ang asawa ni Mang Nestor kaya pinauwi ko muna sa probinsya, kawawa naman, sabi ko nga ako na bahala sa pera pero nahihiya pa. Bahala siya riyan nabayaran ko na ang pang ospistal ng asawa niya eh." Mahabang litanya ni Mom.

"Si Nene pinabili ko lang sa palengke. Sige, maglilinis na ako ng kotse, pumasok lang ako kasi titingnan ko dapat kung gising ka na ba, Anak." Sagot naman ni Dad. Napatango-tango na lang ako.

Ako si Kevin Ozi Ociel mag-4th year college na, 22 years old at nag-aaral ng course na Business Management, ang nag-iisang anak ng mag-asawang Ociel, nagsisipag mag-aral dahil makakasama at makakapagtapos ako bilang summa cum laude.

Nagpaalam akong maliligo muna bago kumain kaya dumiretso na ako sa kwarto ko at doon naligo. Nagpalit lang ako ng komportableng damit at ok na 'to.

Pagkababa ko naghahain na si Mom and Dad. 'Di naman maarte si Mom lalo na si Dad. Nakasanayan ko lang tawagin sila ng ganito dahil magmula bata ito na ang aking nakasanayan.

Pagkatapos kumain aakyat na sana ako para mag-aral kahit bakasyon. Ganon lamang talaga ako, gusto ko kasi wala akong nakakalimutan... Bago makaakyat sa hagdan ay pinigilan ako ni Mom.

"Son, we have a gift for you... First of all, anak, I'm sorry for pushing you and your dad to be summa cum laude. We know you can do it, but we've noticed that you might be neglecting your health, and as your parents, we don't like that, anak. Gusto namin na maging masaya ka sa pagkakataong ito." Ngumiti si Mom. Pagkatapos ay bigla niya akong niyakap.

"Yeah Nak. Go on!" Sabat naman ni Dad, humiwalay si Mom sa pagkakayakap sa akin, sayang 'di ko nasuklian ang yakap ni Mom dahil sa gulat.

"Ang haba ng sinabi ko tapos ang sasabihin mo lang Yeah Nak. Go on iniinis mo ba talaga ako." Sumbat ni Mom kay Dad. Habang tinitingnan sila, napangiti na lamang ako.

"Sorry na Mahal. 'Di ko alam paano i-comfort anak natin eh. Alam mo naman ang alam ko lang gawin ay mahalin kayo eh." Naka-ngising sabi ni Dad habang nakatingin sa mata ni Mom. Umiwas naman si Mom ng tingin at saktong napaharap iyong mukha niya sa gawi ko at nakita kong napangiti at namula si Mom. Kinikilig.

Kinuha ko na ang box na bitbit ni Dad dahil panigurado lalanggamin ako sa tamis ng pagmamahalan nila.

"Nak, laruin mo, ha?" Sigaw ni Dad. Dahil nakaakyat na ako at papasok na ng kwarto, nilingon ko si Dad. "Laruin?" Curious, nilapag ko ang box sa aking kama at doon ito sinubukang buksan.

Pagka-open ko sa box ay may bubble wrap na makikita sa loob. Tinanggal ko pa ito at bumungad ulit ang isang makinis na black case, may nakalagay sa lalagyan na...

VIRTUAL REALITY: ECLIPSE SURVIVAL WORLD

***

Level Up to Unlock the Next Chapter!

You've reached the end of [VR:ESW - CHAPTER 1]. To discover what happens next in this thrilling adventure, you'll need to level up your skills.

1. Engage with the Story: Comment, vote, and share, or discuss the story with other readers.

Once you've completed these tasks, you'll be ready to level up and unlock the next chapter. Are you ready to take on the challenge?

VIRTUAL REALITY: ECLIPSE SURVIVAL WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon