K.OCIELS POV
[An hour before He defeated the Legendary Boss]
Sumakay ako sa dragon ko at in-equip ulit ang Dual Sword Master. Mayroon itong isang oras na passive time para magamit.Nang makita ko siya sa langit, lumipad ako mula sa itaas at sumugod patungo sa kanya. Pinagkrus ko ang aking mga braso at nang makabuo ako ng malakas na pwersa, pinakawalan ko ito nang pagkalas ng magkakrus kong mga braso at pinatama sa [Legendary Boss].
Ilang beses kong ginawa iyon, ngunit mayroon lamang itong maliit na epekto dito. Agad akong sinalo ng Dragon ko nang malapit na akong mahulog.Kasama ang dragon kong si Destroyer, naghahanap kami ng kanyang kahinaan. Oo, Destroyer ang pangalan ng Dragon ko.Sumugod kami sa likod nito at pinabugahan ko ito ng nagbabagang apoy. Hindi pa gaanong malakas ang dragon ko dahil para sa akin, sanggol pa rin siya at hindi pa maituturing na adult dragon.
Ilang beses kaming nagpalitan ng atake sa nakakainis na boss na iyon. Gusto ko na talagang umuwi.Sa bawat pagtama ng apoy sa [Legendary Boss], mayroon itong side effect na pagsabog. Sobrang lakas talaga ng mga Dragon sa laro.
Sa ngayon, Level 2 pa lang ang Dragon ko. Palalakasin ko pa ito at ipapa-level up.Nawala agad ang [Earth Sword] dahil tapos na ang isang oras na passive ng dual sword master.
Inasinta ko ang aking [Sky Sword], at handa na akong sumugod nang biglang umatake ang Legendary Boss sa lupa. Nagdulot ito ng malakas na hangin, dahilan para ako'y matalsik ng ilang dipa.
Nakaramdaman ako ng pananakit sa buong katawan at nabawasan ng libo-libo ang HP ko. Pero hindi pa naman sa puntong hindi ako makatayo at sumubok muli, hindi ko na ininda ang pananakit. Kahit ganon, hindi ko makalimutin isipin kung paano pa kaya kung ako mismo ang tamaan ng sandata niya? Napailing na lang ako sa naisip.
Naglabas ako ng isang HP potion; dalawa na lang ang natitira kong potion, pero kaya pa 'to. Itinaas ko ang aking [Sky Sword], at nagkaroon ng kidlat at kulog sa langit. Sumabay ako sa kidlat at sinugod ang [Legendary Boss] sa pangalawang beses.
Inactivate ko ang aking [Blood Lust Skill] at namula ang aking paningin; puro dugo na lang ang nakikita ko. Ang Skill na ito ay may kakayahang mang-enhance ng Movement Speed at Attack Speed. Doble rin ang bawat [Physical Attack]. Ang kabayaran lang nito, sa oras na matapos ang oras ng Skill o mawalan ng bisa, manghihina ka saglit.
Natamaan ako ng Legendary Boss at muli akong bumulusok at tumalsik, pero hindi iyon naging hadlang. Bumalik ako sa aking pwesto at ipinagpatuloy ang walang katapusang atake. Nakita kong umabot na lamang sa isang bar ang buhay ng [Legendary Boss], at sisimulan ko na sana ang isang last blow nang bigla niyang itinira sa akin ang kanyang malaking sandata. Sa sobrang bilis, hindi ko na ito naiwasan.
Umasinta ulit ako at tinutok ang espada ko sa kalaban ko. Dahil sa patuloy na pakikipaglaban sa kanya, nakabisado ko na ang mga galaw niya.Halimbawa, kapag sumusugod ako sa harap niya, ang una niyang gagawin ay ihahagis sa akin ang palakol niya kung nasaan ako. Alam kong mabigat iyon kaya kapag bumagsak na sa pwesto ko, mahihirapan siyang igalaw iyon at aabutin ng ilang minuto.
Kaya kapag lumiko ako at tinutok ang espada ko sa puso niya, panalo na ako.Kaya naman, sinugod ko siya nang mabilis na parang kidlat. Nang masigurado ko ang susunod niyang galaw, napangisi ako. Tama ang hinala ko.Habang papalapit sa akin ang palakol, mas binilisan ko pa ang paggalaw. Nakahanap ako ng pagkakataon at tumalon sa malaking kamay niya patungo sa puso niya. Itinusok ko ang espada ko sa puso niya at nakita kong unti-unting nawala ang buhay niya.
Alam kong nanalo ako dahil sa [Game Notification]. Napangisi ako nang mahulog ang espada ko sa aking mga kamay at nasaksihan ang isa pang espada sa katawan ng [Legendary Boss]. Ang [Sky Sword] at ang [Earth Sword].
Sa [Legendary Boss] lang pala makukuha iyon.
Sa [Game Notification] ay nakatanggap ako ng [Gift]. Ang nakuha kong [Pixie Dust] ay kulay niyebe.Binuksan ko ito at may kulay bughaw na abo sa loob. Hinipan ko ito at lumitaw ang isang cute na Fairy, isang batang lalaki na naka-blue na damit. Ayon sa status nito, isa itong prince na may kapangyarihang yelo.
Nice! Kabaligtaran ng Dragon ko.
Dahil din sa pagkatalo ng [Legendary Boss] marami akong nakuhang experience points.
Umabot na sa 6 milyon ang HP at MP ko. Grabe, unstoppable na ba ako? Natuwa ako ng maisip na posibleng lumalakas na talaga ako ng sobra, nagawa ko pa ngang matalo mag-isa ang [Legendary Boss].
"[Open Status]"
NAME: K.OCIEL
EXPERTIES: SENIOR
LEVEL: 625
CHARACTER: ASSASSIN
SPOUSE: SED
WEAPONS:
• SKY SWORD
• EARTH SWORD
• DEADLY DAGGER
ARMOR: IRIDIUM ARMORTITLE:
• THE SNOB ASSASSIN
• MASTER OF THE WEST
• DRAGON MASTER (FIRE)HP: 5,000,000 (1,000,000)
MP: 5,000,000 (1,000,000)
AGI: 4,000,000
HIT: 4,000,000
CRIT: 3,000,000
DODGE: 3,000,000
BLOCK: 3,000,000
PDEF: 2,000,000
MDEF: 2,000,000
END: 2,000,000EXP: 6,999,999
ARMY:
1000 WOLVES
1000 [DORMOEDIL(s)]
750 [VELODILLE(s)]
750 TIGERS
500 [LIONDELS]
500 [COBRANOES]
500 [SHARKEONS]ELEMENTS:
• LIGHT HOLDER
• FIRE HOLDERSKILLS:
DUAL SWORD MASTER L.89 [89%]
FAST AS FLASH DAGGER LV.100 [100%]
THE LIGHT HOLDER LV.100[100%]
MASTER OF THE DAGGER LV.100[100%]
LIGHTNING BALL LV.100[100%]
BLESSINGS LV.100 [100%]
LIGHTNING LV.90 [90%]
ESCAPING LV.90 [90%]
CURSED LV.90 [90%]
ASSASSIN'S WAY LV.100[100%][OPTIONS]
POPULARITY
+1,000,000
CHARISMA
+1,000,000ABOUT: K.Ociel was blessed by the previous king of Mithraine, the holder of the light element. The renowned assassin and master of the west is none other than 'The Great K.Ociel' himself, the holder of the fire element.
***
Level Up to Unlock the Next Chapter!
You've reached the end of [VR:ESW - CHAPTER 28]. To discover what happens next in this thrilling adventure, you'll need to level up your skills.
1. Engage with the Story: Comment, vote, and share, or discuss the story with other readers.
Once you've completed these tasks, you'll be ready to level up and unlock the next chapter. Are you ready to take on the challenge?
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: ECLIPSE SURVIVAL WORLD
Science Fiction𝐈𝐤𝐚𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 '𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘' |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| Sa paghahanap ng walang hanggang kasiyahan, isinugal ng mga manlalaro ang kanilang mga buhay. Sa mundong ECLIPSE SURVIVAL WORLD, hi...