CHAPTER 9 - Mythical Boss

2.2K 156 6
                                    

K.OCIEL'S POV

Nilibot ko ang buong [Western Mordoe]. Kanina pa kasi nawawala ang batang umiiyak. Bakit kaya niya akong iniwan?

Sinuri ko ulit ang mapa. May isang maliit na maitim na bahagi pa. Doon siguro matatagpuan ang Dark Tamer. Malapit na akong matapos sa misyong ito. Baka pagbalik ko tapos na siguro malimliman iyong itlog.

Diretso akong pumunta sa lugar na nakita ko sa mapa. Hahanapin ko na lang ang pasaway na bata mamaya.

***

Pagdating ko roon, isang madilim na kweba ang bumungad sa akin. Walang oras para mag-alinlangan, kaya agad akong pumasok.

Ang aking itim na cloak ay nagliliwanag, nagsisilbing ilaw ko sa madilim na lugar na ito. Ang cloak ay nagiging itim kapag wala itong nararamdamang panganib. Dahil biglang lumiwanag ang cloak, malapit na siguro ang Dark Tamer.

Nakakita ako ng tatlong daan sa loob ng kweba. Alin kaya ang dapat kong daanan?

Sumigaw ako nang malakas para hanapin ang aking kalaban. May sumigaw pabalik—hindi boses ng tao, kundi isang nakakatakot na alulong. Iyon ang daang dapat kong tahakin. Agad akong sumugod.

***
3RD PERSON'S POV

Nagkagulo ang mga manlalaro sa [Southern Mordoe] nang biglang dumating ang nag-iisang Dormoedil kasama ang napakaraming [Tigers]. Napagtanto nila na papunta ang mga ito sa [Breeding Station].

Nagtaka ang ilan kung bakit walang kasama o may-ari ang mga ito. Dahil ang mga wild creatures ay hindi para pumunta o dumayo rito, unang-una maraming mga manlalaro, pangalawa naman ay kung pupunta rin sila rito ay hindi para sa Breeding Station, marunong sila at sila mismo ang naglililim sa mga anak nila. Kinatakutan naman ng ibang manlalaro ang mga tamed creatures dahil alam nilang malakas ang grupo, lalo na kapag iniisip na merong player sa likod ng mga ito. May mga manlalaro rin na ignorante lamang, nagbabalak kunin ang itlog na nasa bibig ni Seal. Kumikinang kasi ang pulang itlog at alam ng lahat na lalakas ang sinumang makakakuha nito.

Dahil lumilipad si Seal, hindi nila makita nang malinaw ang Level nito. Samantala, mababa pa ang Levels ng mga tigre. Sa isip ng mga manlalaro ay 'mukhang mas pinili ng Tamer ang dami o bilang kaysa sa lakas ng bawat isa'.

"Kaya ko 'yang mga 'yan, mababa lang naman ang level ng mga tigre." Sabi ng lalaki sa kasama niyang si Boy 1. "Bakit ba ayaw bumaba ng [Dormoedil] na 'yan? Sana kanina ko pa nakita ang level niya."

"Subukan mong atakehin ang isang [Tigre], baka bumaba ito." Suhestyon ni Boy 2.

"Sa tingin ko masama 'yan, babe. Alam mo namang malakas ang mga [Tigre] at [Dormoedil], di ba?" Maarteng sabi ng babae kay Boy 2.

"Level 15 na ako, hindi na ako kaya ng mga tigreng 'yan. Tingnan mo, level 5 at level 3 lang sila." Natatawang sabi ni Boy 2.

Nagbabalak kasi ang Alliance na ito na makuha o nakawin ang itlog. Ayon sa nakikita nila, isang espesyal na itlog ito.

Binato ni Boy 2 ng [Shuriken] ang Level 5 na [Tiger]. Imbes na mamatay, nabalot ito ng puting liwanag. Wala man lang nabawas sa [Health Points] ng [Tiger].

Napatigil ang lahat ng manlalaro sa [Southern Mordoe] nang hampasin ng [Dormoedil] ang hangin gamit ang kanyang mga pakpak. Bumaba ito patungo sa lalaking nagbato ng [Shuriken].

Nanlaki ang mga mata ng lalaki. Paano kung umabot pa sa Level 23 ang [Dormoedil] Magiging doble na ng Level niya ito.

Alam ng ibang manlalaro, lalo na ng mga nag-grind malapit sa resurrection point, na napakalakas na ng [Dormoedil] kahit Level 10 pa lang. Paano pa kaya ngayon?

Maya-maya, sumali na rin sa pag-atake ang isa pang lalaking manlalaro. Binato nila ng maraming [Shuriken] ang tigre ngunit nasasalag lang ito ng shield nito.

"Tutulong na kami!" Sigaw ng isang manlalaro sa mga nanunuod. "Pagkatapos nito, hati-hati tayo sa itlog, ah."

Dumating ang ibang Alliance. Nag-cast sila ng spell kay Seal pero hindi ito nasaktan. Mabilis na nag-regenerate ang kaunting HP nito.

Bumaba si Seal at inilapag ang itlog sa lupa. Kinuha niya ito gamit ang kanyang mga kuko at malakas na nag-kwahhkk. Sinugod niya ang mga manlalaro.

Konti na lang ang buhay ng mga umaatake. Lumitaw sa kanilang mga ulo ang isang dilaw na espada, hudyat na hinamon sila ni K.Ociel. Ito ang ganti niya sa mga umaway sa kanyang [Dormoedil] at mga [Tiger].

Warning pa lang iyon para kay K.Ociel, minarkahan pa lang kung sino ang kakalabanin.

Umalis sina Seal na parang walang nangyari, tuloy ang misyon, at ito ang madala ang itlog sa breeding station.

***
K.OCIEL'S POV

Habang papunta ako sa gitnang daanan ng kweba, may notification akong natanggap. May nakalaban pala si Seal. Namarkahan na naman niya ang mga iyon.

Pagkatapos nito, pupuntahan ko na sila. May nakuha akong teleport mula sa mga nakalaban ko, kaya diretso na ako sa [Southern Mordoe].

Nakakita ako ng liwanag mula sa apoy. Dali-dali akong pumunta roon at nagulat sa aking nakita.

Ang batang nawawala, nasusunog ang buong katawan. Lalapitan ko na sana siya nang may lumitaw na salitang [Mythical Boss] sa ulo nito.

***

Level Up to Unlock the Next Chapter!

You've reached the end of [VR:ESW - CHAPTER 9]. To discover what happens next in this thrilling adventure, you'll need to level up your skills.

1. Engage with the Story: Comment, vote, and share, or discuss the story with other readers.

Once you've completed these tasks, you'll be ready to level up and unlock the next chapter. Are you ready to take on the challenge?

VIRTUAL REALITY: ECLIPSE SURVIVAL WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon