SED'S POV
Nagising ako na hinahanap si K.Ociel, at hindi ako nabigo ng makapa ko siya sa gilid ko, tulog na tulog pa. Siguradong pagod na pagod siya. Masaya ako sa nangyayari sa buhay ko. Parang gusto ko na lang manatili palagi kung nasaan si K.Ociel, dahil kung nasaan siya, doon ako masaya.
Naalala ko tuloy ang realidad kung saan malungkot ako at parang sinasakal dahil hindi ako makapagdesisyon para sa sarili ko. Pati ang pagpili ng asawa, hindi ko mapili.
***
FLASHBACKIsang umaga, habang nasa kwarto ako ay ang biglang pagpasok ni Daddy, kasunod niya si Mommy na mukhang kakagaling lang sa iyak.
"Ahmm, bakit po?" Tanong ko sa magulang ko.
"Ipapakasal kita sa anak ng kumpare ko. Maasahan at matalino ang anak niya. Magiging marangya ang buhay mo roon." Sabi ni Daddy.
Hala! Hindi pwede. Sh*t, paano na 'to? Iyong huling pinagkasunduan ni Daddy ay anak din ng kumpare niya, sinabing mayaman, mabait pero nung nakita ko, mataba at mukhang Tatay na. Iniwan pa kami noon na kami lang at isa pala itong manyakis.
Iyak ako ng iyak, mabuti na lang at walang nangyaring kasalan at hindi natuloy ang pangbabastos nito sa akin.
"If you're thinking of the previous boy who's a fat maniac, this kid I'm referring to is completely different. Just like you, I am also disappointed but this time you don't have to worry. He's intelligent and the rightful heir to a family legacy and power. Though he's still young, he's actually a year older than you." Pero ayaw ko ng maniwala; masyado akong natatakot.
"Ayaw ko po pwede, Daddy." Napataas naman ang kilay ni Daddy. Sana lahat may kilay.
"And why is that?"
"I have a boyfriend, Daddy, and we love each other po." Pagsisinungaling ko, wala pa naman akong boyfriend.
"If you're serious about avoiding this arranged marriage, you need to show and introduce your so-called boyfriend to me." Pagkasabi niya, umalis na si Daddy sa kwarto at naiwan si Mommy na umiiyak at humihingi ng paumanhin.
"I'm so sorry, baby. Mommy feels terrible about what happened. I couldn't stop your dad. Know that I love you more than anything." Hindi natuloy ang pagpapakilala ko sa Daddy ko ng maglaro ako ng Virtual Reality: Eclipse Survival World. Ngayon, napapaisip pa rin ako kung sinong lalaki ang ipapakilala ko sa Daddy ko.
Malaking perwisyo ito.
END OF FLASHBACK
***Natigil ang pag-iisip ko nang gumalaw ang katabi ko. Kahit nakahubad, hinigpitan nito ang yakap sa akin.
Kikiligin na sana ako nang maalala ko ang babaeng naka-maskara—parang pamilyar siya pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.
"Anong iniisip mo, Wife?" Pagtatanong ni K.Ociel na katabi ko.
Umiling lang ako at ngumiti ng tamis. Parang tatalon ang puso ko sa saya dahil katabi ko siya ngayon pagkatapos ng nangyari kagabi.
"Hindi ka na ba inaantok? Gusto mo bang ihele kita?" Tanong niya, na nagdulot sa akin ng kunot-noo.
"Ihele, ano ako, baby?" Inis kong sagot.
"Oo, baby kita." Sabi niya. Imbes na kiligin, parang nagkaroon ng debate sa utak ko.
Ni-hindi ko nga alam kung may nararamdaman ba siya sa akin. Walang kasiguraduhan, kaya ayaw kong umasa. Baka ang samahang ito ay hanggang sa laro lamang.
Ngumiti na lang ako. Maaaring tama ang hinala ko na hindi talaga para sa akin ang mga banat niya—baka nga hindi talaga banat iyon. Nakakakilig sana, pero baka ang tingin niya sa akin ay parang nakababatang kapatid na kailangan protektahan at ingatan.
Tumayo ako kahit nakahubad, hindi na ako nag-abala pang magbihis dahil dederetso rin naman ako sa ilog sa loob ng castle ni K.Ociel.
Pagkalusong ko sa ilog, doon ko naramdaman ang sakit na pilit kong itinatago. Ang tanga-tanga ko pala. May nangyayari sa amin sa laro pero hindi ko alam ang totoong nararamdaman niya.
Ayokong itanong sa kanya ang tungkol dito dahil baka masaktan lang ako sa sagot niya. Baka sa huli ako lang ang mawasak ang puso dahil sa katotohanang baka ako lang ang pantanggal sa init ng katawan niya.
Nang matapos sa pagbabad sa ilog, pumasok na ulit ako sa kwarto niya. Hindi na ako nagtaka kung bakit wala na siya sa kama. Mabilis akong nag-equip ng armor at tuluyan nang buo ang desisyon ko.
Marami na siyang isinakripisyo para sa akin, siguro ito na ang oras para ako naman ang magsakripisyo. Handa akong magmahal sa isang taong walang kasiguraduhan na mamahalin ako pabalik.
[GAME NOTIFICATION]
Congratulations! You have received a blessing. In two weeks, you and your husband will be welcoming a baby boy.***
Level Up to Unlock the Next Chapter!
You've reached the end of [VR:ESW - CHAPTER 47]. To discover what happens next in this thrilling adventure, you'll need to level up your skills.
1. Engage with the Story: Comment, vote, and share, or discuss the story with other readers.
Once you've completed these tasks, you'll be ready to level up and unlock the next chapter. Are you ready to take on the challenge?
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: ECLIPSE SURVIVAL WORLD
Science Fiction𝐈𝐤𝐚𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 '𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘' |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| Sa paghahanap ng walang hanggang kasiyahan, isinugal ng mga manlalaro ang kanilang mga buhay. Sa mundong ECLIPSE SURVIVAL WORLD, hi...